KABANATA 6 - One Missed Call

352 17 13
                                    

This rainy day is temporary
The contrast is why we got 'em
Cause sun shining through is just a cloud away way way way way way
Way way way way way way

Tatlong salita lang iyon pero nabuo niya ang araw ko! Gustong gusto ko ang tumili sa kilig at saya pero siyempre kailangan kong pigilan dahil baka marinig ako nila mommy. Hindi pa naman nila alam na may pagtingin ako kay Allister; at hindi rin pala alam ni Allister. Si Xavier lang ang nakakaalam. Nagpromise din naman siyang huwag niyang sasabihin kila mommy.

Ayokong malaman nila mommy at daddy dahil pinaniwala ko silang wala akong interes sa mga lalaki. Hindi nga sila makapaniwala na hindi ako nagkaboyfriend pero iyon ang totoo. Kapag malalaman nilang may taste din pala ako sa mga lalaki baka kung ano na ang gawin sa akin. This is the United States of America after all and I'll be turning 21!

Patuloy ko paring sinasayaw ang katawan ko sa kanta nang sabik na sabik akong pumasok sa kuwarto ko.

"AAAAHHH!!!" pabulong kong sigaw habang iniipit ang mga pisngi ko ng aking mga kamay at tumalon talon.

"Nakaalala ka na rin pala, ugok ka!" Para akong uod na binudburan ng asin sa excitement at kilig na nararamdaman.

Oh God! This is the best feeling ever!

Kinuha ko ang aking phone at tinignan ulit ang message niya. Hindi ko mapigilang ngumiti at gumulong gulong sa kama ko. I just can't get enough.

Wait lang, Allister, ha? Sisigaw muna ako bago magreply! OMG!

Kinuha ko ang unan ko at tinakpan nang husto ang aking mukha. Huminga ako nang malalim at ibinuga ang manipis na sigaw. Nang napagod ako ay tinanggal ko ang unan.

"Anyare sayo?"

Bumalikwas ako sa gulat pero kumalma rin nang makitang si Xavier iyon. Sa halip na awayin siya sa biglang pagpasok niya sa kuwarto ko ay ngumisi pa ako nang husto.

"WALA!" sabi ko pero di matanggal ang aking ngiti. Tinalikuran ko siya at dumapa sa kama at nagsimula nang magreply kay Allister. Gosh! Anong irereply ko!?

"Uuuyyy. Sino iyang nagpapa-inspire sa kapatid ko?" ngisi ni Xavier nang dumapa din siya. Humagikhik ako. Kumikirot na nga ang puso ko dahil sa kulang ang hangin na nilalanghap ko.

Allister takes my breath away!

"Allister?" ngisi ni Xavier at nabasa ang message niya sa akin. He nudged me hard at, ang loko, sinasadya pa akong pakiligin!

"Replyan mo na!" ani Xavier.

"Gosh! I don't know what to say!" inis kong sabi. Tumawa siya at bumangon na.

"Xav, patulong naman!" nagpout pa ako.

"Make me!" kumindat siya at lumabas ng kuwarto.

Ugh! I will never beg! Buisit 'to! Makapagreply na nga lang.

Hi Allister! Where have you been? I missed you too!

Uminit ang mukha ko nang nitype ko ang I missed you too! kaya tinanggal ko rin bago ko sinend. Huli na nang makita ko ang ACTIVE 21 MINUTES AGO. Namatay bigla yung mga insekto sa tiyan ko, nagluluksa at medyo pinipiga ang puso ko. Iyan kasi ang tagal mong magreply, Allyse!

Nagbilang ako ng oras. Mukhang busy na iyon at baka na school na rin. Alas nuebe ang first period namin noon kung hindi ako nagkamali.

"Allyse, tayo na! Labas na diyan!" sigaw ni Xavier sa pintuan ko.

"MALILIGO PA AKO!" sagot ko. Tumakbo ako papunta sa bathroom at agad nang naligo. Pagkatapos ay lumabas ako para makapagbihis. A pair of fitted pants and beige boots as always. Nagsuot ako ng spaghetti top at turtle neck sweater. Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na ng kuwarto.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon