KABANATA 42 - I Saw That

205 14 34
                                    

"Ninenerbyos ako." Sabi ko kay Allister bago hinigpitan ang hawak ko sa bisig niya.

"Don't be. Just keep calm at huwag kang padadala sa mga emosyon ni Michelle." Idinausdos ko ang kamay ko sa kamay niya para magsalikop iyon nang dumating kami sa piskal.

"Let's see kung mapagkakasundo nila tayo. I'm sure it's a no."

"Yeah. Buhay ni mama ang pinag-uusapan natin dito."

"Let's do this, then. Don't worry. Nandito na'ko." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan niya ang ulo ko.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin ang naghihimutok na si Michelle at nasa likod niya si Oscar. Agad na nanliit ang mata ko kay Oscar, nakita niya iyon kaya nag-iwas siya ng tingin.

Sa malapit sa kanila ay isang medyo may edad nang lalaki at may salamin sa mata. May sinusulat siya. May dalawang namang security guards sa magkabilang gilid niya.

Iginiya ako ni Allister sa upuan na kaharap ni Michelle. Napatingin ako sa kanya na nanlilisik ang mata sa akin. Lalong bumagsik ang itsura niya nang makita ang kamay namin ni Allister.

Bumati ang lalaking may salamin at bumati kami pabalik.

"Ikaw si Miss Allyse Crawford Wilson, tama?" Tanong niya. Ngumiti ako at sumagot.

"Opo."

"Alam mo, maling mali talaga na idinemanda mo ako, Allyse. How dare you do that? Wala akong ginawa kundi gumawa ng mabuti sa'yo! Tapos aakusahan mo ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa!" Galit na panimula ni Michelle.

"Mitch, kung hindi ka guilty, puwede uminahon ka?" Kalmado kong sumbat pero sa loob-loob ko parang sasabog na ako sa kaba.

"Uminahon? You are about to ruin my life then you're telling me to calm down?"

"Actually, yes. At talagang sisirain ko ang buhay mo kung hindi ka umayos, Michelle!" Banta ko. Masama ang tingin niya sa akin. Humalukipkip siya.

"Miss Carsola, I want to remind you that the purpose of this-"

"Screw that purpose!" Sigaw niya sa lalaki. Naramdaman ko ang paghawak nang mahigpit ni Allister sa kamay ko. Itinuro-turo ako ni Michelle.

"May ginawa siguro ang mga magulang mo kaya sila nasunogan ng bahay. Baka naman tsismosa ang mama mo o baka manunulot ang papa mo-"

Napamura ako.

"Isipin mo muna yang mga dinadada mo, Carsola. Hindi ganun ang mga magulang ko. Bakit hindi yang katabi mo ang tanungin mo tungkol sa nangyari, ha? Si Oscar ang huling kasama ng mga magulang ko." Matalim kong tinignan si Oscar. Napatingin siya kay Michelle tapos sa akin. Humalakhak si Michelle.

"Si Oscar? Aww, kawawa naman itong batang ito, napagbintangan din. Sa tingin mo ba Allyse, makakaya niyang gawin iyon?"

"Oo. Nanagutan nga ng hininga ang mama ko. Oscar, magsalita ka!" Tumaas ang boses ko. Uminit ang mga mata ko. Umiling lang si Oscar.

"See?" Ngisi ni Michelle.

Buisit itong mga ito. Hindi pa sila magsasalita!

Mabilis akong tumayo at susugurin sana si Michelle pero mahigpit akong hinawakan ni Allister sa braso at baywang.

"Gaga kang babae ka! Magsalita kayo! Ikaw, Oscar! Magsalita ka. Alam na alam ko ang nangyari kaya wala kayong lulusutan!" Pinagmumura ko sila. Nanlilisik ang mga mata ko kay Oscar.

"Come on, Oscar. Tell them you didn't light the lighter. You wouldn't do that, do you?" Nakangising tanong ni Michelle kay Oscar.

Hindi makapagsalita si Oscar dahil iiling iling lang.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon