KABANATA 9 - Big Space

245 19 17
                                    

"Mr. Bradford wants to see you, Miss Wilson." sabi ng makinis na babaeng nakacorporate attire. Huminga pa ako ng malalim ng isa pang beses bago ako tumango. Sinundan ko siya hanggang sa double doors.

Okay, ito na... Binuksan niya iyon; umangat ang tingin ko sa isang naka-amerikanang Mr. Bradford, I think. Napalunok ako sa unang hakbang ko at abot-abot langit ang kaba na para bang mahihimatay ako.

Luminga ang mga mata ko sa kabuoan ng office ni Mr. Bradford. Purong glass ang dingding at kitang-kita ang napakagandang Space Needle sa likod niya.

"Come, sit, Miss Wilson." gulat ako sa pagsalita niya. Nangangatog ang tuhod kong lumapit sa table niya. Umupo ako sa nakalaan na upuan sa harapan ng kanyang table.

Ang bata ng itsura ni Mr. Bradford. His hair is chocolate brown, that so attractive pointed nose na kung mahahalikan ko siya ay matutusok ang pingping ko- okay, Allyse, concentrate!... and his gorgeous eyes... they're green. Really green. I think he's just mid-twenties.

Nang umangat ang tingin niya sa akin ay halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. Gosh! Ang guwapo ng ngiti niya! With all that white well-arranged teeth and that red lips! Hindi ko maiwasan ang ngumiti pabalik. I wonder how his hand feels like.

"Good morning, Mr. Bradford." sabay lahad sa kamay ko.

"Good morning." inabot niya ang kanyang kamay na malambot at nagshake hands kami. Err, ayoko nang bitawan pa siya pero nabigo ako nang ako din ang nagtanggal ng kamay.

Ilang mga tanong ang pinagtatanong niya sa akin and, thank God, I managed to answer them.

"According to your resume, you studied Civil Engineering in the Philippines. Why not here?" tanong niya. Napalunok ako nang marealize kong magkukuwento yata ang gagawin ko.

"There was an accident happened years ago and I was lost. I grew up in the Philippines, Mr. Bradford. Actually, I just got here five months ago." ngiti ko. Umangat ang gilid ng bibig niya; hindi ko kayang tignan iyon nang matagal dahil naaattract ako. Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri at lalo pa akong pinagmasdan.

"Continue." aniya. Oh okay, I guess, talagang gagawin ko ito. Kaya ikinuwento ko sa kanya ang parang sirang plakang estorya ng buhay ko. Tumatango-tango siya habang nagkukuwento ako.

"What a happy ending." ngiti niya na sinuklian ko rin.

"I guess. Despite of the past I had to leave behind." Tumango siya.

"How do you do in Seattle? Is your body clock cooperating with the adjustments? Are you acclimating well?" tanong niya.

"Yes. Somehow. You know I just have to get use to it. But I'm totally fine." ngiti ko.

"I'm glad to hear that, Miss Wilson." tawa niya. Okay, hindi pa ba tapos ito? Naiihi na ako e!

"So back to your application, you're signing in for this particular position." aniya.

"Yes, Mr. Bradford." ngumiti siya.

"Congratulations! You're hired."

►►►

Ang saya kong dumating sa bahay. I can't believe may trabaho na ako!

"Kailan ka magsisimula?" tanong ni mommy.

"Next week po! At mom, yung si Mr. Bradford ang gu-" guwapo niya! Oops! Ang galing, Allyse!

"Ang ano?" Tanong ni mommy.

"U-uhm... ang g-go-good n-niya, mommy." Tawa ko. Ayan, itawa nalang. "A-akala ko, masungit siya, pero hindi! Napakaapproachable niya!" Huminga ako nang malalim at itinatawa lang. Nag-o naman ang bibig ni mommy. Oh, I hope hindi niya mapansin.

"That's nice, Allyse. I'm so proud of you anak. Pagbutihin mo ang pagwowork mo, okay?" Tanong niya at tumayo na para lumabas ng kuwarto ko.

"Yes, mom." Ngiti ko bago pa niya isinara ang pinto.

Nagbuntong-hininga nanaman ako at humiga. That was close. Magsisimula na ako next week. Makakapag-ipon na ako, sa wakas, ng gagastusin para sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Makikita ko na si Allister.

Kumunot ang noo at napakagat ako sa aking labi nang maramdamang pinipiga ang puso ko sa pag-iisip lang na nasaktan pa rin ako sa pinagsasabi niya noong isang araw.

Parang nakakatawang pakinggan ang friendzoned kapag naririnig mo ito sa ibang tao pero, pambihira, ang sakit pala kapag ikaw ang nakaramdam ng ganun!

Yung taong pinapangarap mong maging kayo ay hindi puwedeng maging kayo dahil kaibigan lang ang hangganan niyo. It's weird, I know, to fall for your only friend but then you and him will never click.

Bakit naman ganun ang sinabi ni Allister sa akin? May nakursonadahan kaya siyang babae sa school? O sadya lang na wala siyang naramdaman sa akin at talagang gusto lang niyang makipagkaibigan? I can't blame him. Hindi niya ako nakakasama kaya siguradong iba ang kasama niya araw-araw.

Nawala ako sa aking pagmumuni-muni nang nagvibrate ang phone ko. Facebook notification iyon ni Allister na binuksan ko. Teka... Hindi pa natutulog ito at nagpopost pa ng status sa madaling araw nila? Nang mabasa ko ang status niya ay parang nabasag ang puso ko at napalunok nalang.

Friendzoned. (Feeling funny.)

Biglang uminit ang gilid ng mga mata ko kaya kumurap-kurap ako. Ugh! I can't believe I'm crying over him. And one more thing, I don't have the right to get hurt because there's no us. And that status, anong ibig niyang sabihin diyan? Pinagtatawanan ba ako nito?

Hindi ako naglike pero nagcomment ako.

Al, may good news ako. :)

Hindi nagtagal ay nagmessage siya sa messenger ko.

Allister: Ano yun? :)

Ako: May job na ako. Structural engineer. I will start next week.

Allister: Really? Wow, Lyse, congratulations! :D Saan ka magwowork?

Ako: Bradford Group, Inc. Nagpapasalamat nga ako kasi ayon sa requirements dapat at least may 2 years experience ako pero nahire naman ako. Sinubukan ko lang naman pero hindi ako umasa.

Allister: It's a blessing, Lyse. I hope you'll enjoy your new job, engineer! Hahaha!

Ako: Thanks, Al. :) Matulog ka na!

Hindi siya agad nagreply kaya hindi ako mapakali sa kahihintay sa taong ito. Masaya siya sa balita ko pero ako, bakit hindi man lang masaya? Naghahari pa rin ang panlulumo. Nag-ting nanaman ang messenger ko.

Allister: Sige. Good mornight, Lyse! :)

Ako: Good mornight, Al! :)

Ilalock ko na sana ang screen pero nagkaroon nanaman ako ng notification ni Allister at naitag pa ako.

Sa wakas, makakatulog din! Congratulations to you, Allyse Wilson ! :D
#proudfriend

Iyon ang nilike kong status niya pero hindi na ako naglagay ng comment. Thank you, anyway, kahit masakit ang hashtagproudfriend mo.

Ibinaba ko ang phone ko sa side table at tumunganga nalang sa kisame.

Allister, someday, there's a place for us.

There's a place out there for us
More than just a prayer or anything you've ever dreamed of
So when you feel like giving up, 'cause you don't fit in down here
Fear is crashing in, close your eyes and take my hand, yeah

We can be the kings and queens of anything if we believe
It's written in the stars that shine above
A world where you and I belong where, faith and love will keep us strong
Exactly who we are is just enough
There's a place for us
There's a place for us

"Allyse, kain na!"

"Coming!" Sagot ko kay Xavier.

Allister, we may be big oceans apart, but I am always here craving for a big space in your heart.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon