KABANATA 1 - Dead-Gorgeous Filipino

2K 26 32
                                    

Welcome to the sequel of my other story (ALLYSE)! Kung medyo hindi kayo maka-connect sa story na ito, you can read the first one. Anyway, ilang chapters lang iyon.

And now, may part two na. Read on, guys. Sana maenjoy niyo. :)


"Allyse! It's getting late! Hurry up!"

Ugh! Lagi nalang akong nagigising na malakas ang kalabog ng puso ko dahil sa paraan ng paggising ni mommy.

"Give me one more hour, mom!"

Narinig kong bumukas ang pinto at alam kong si mommy iyon. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Not today, please.

"Go away!" I murmured.

"Come on, Lyse. Your cousin wants to see you at the airport too! Get up!"

"Ang aga naman dumating ni Cameron!" sabi ko nang tinanggal ni mommy ang unan. Her beautiful features blooming in front of my eyes especially with that loving smile.

"Tumayo ka na diyan! Kumakain na mga kapatid mo. Para kang mantikang tulog." aniya at lumabas na.

"Urgh! Ang lamig sa labas! I don't wanna go!" sigaw ko at halos magdabog sa ibabaw ng kama.

"Okay. How about this? Don't go and you won't see your friend." mom said with a playful grin on her lips. Nanlaki ang mga mata ko.

"No! Shocks! I'm just kidding mom! I'm coming! You're taking things so seriously!" I blurted. Narinig kong tumawa siya bago tuluyang umalis. I rolled my eyes at that.

Moms...

Naghilamos ako ng mukha at nagtoothbrush sa bathroom. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at kinuha ang nakasabit na jacket sa likod ng pinto ng bathroom bago ako lumabas ng kuwarto.



Nang makababa ako at tumungo sa dining room, binati ako ng kapatid kong ungas na si Xavier ng magandang umaga.

"Good morning, brother." bati ko naman pabalik nang di siya tinitignan. Ngumiti naman ako sa napakacute kong nakababatang kapatid na mukhang mas excited pa sa akin na makapunta sa airport. Nagbabounce ang kanyang mataas na pigtail sa tuwing gumagalaw siya.

"Hi, Ate Allyse! How's your sleep?" ngiti ni Allicia.

"Good, baby. I dreamed about a cute unicorn!" nanlaki ang mga mata niya at napasinghap.

"Oh my! UNICOOORN! Really? How does it looks like?" she excitedly asked.

"Uhm, it looks like a unicorn, Allicia." 

"Aww, how cute! Will you draw it for me, ate, pleeaasse?" she pouted.

"Okay. Later. Wait until Cameron's here. Alright?" tumango naman siya.

"What's for breakfast?" tanong ko habang tinitignan ko ang ginagawa ni Allicia. Tinatanggal niya ang crusts ng kanyang tinapay.

"Don't look at me like that." sabi ni Allicia.

"Give me the crust." sabi ni Xavier habang kinukuha niya ang crust na tinatanggal ni Allicia sabay subo.

"Mom, where's dad?" tanong ko kay mommy bago ako umupo para kumuha na ng sliced bread at strawberry jam.

"Oh, he's in Jared's house. Kasama natin silang pupunta sa airport." aniya habang naghihintay na mabrew ang rice coffee niya.

"Isa pa iyon na di alam magtagalog. I need to bring my wipes." sabi ko at tumawa sila.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon