KABANATA 12 - Your Past

297 15 25
                                    

Hindi ako nakontento. Tinignan ko pa kung sino-sino ang mga naglike; nagbabakasakaling makita ko ang pangalang Mitch. May nakita ako pero hindi Mitch ang nakapangalan. It was Michelle Kae Carsola. Binuksan ko ang account niya.

"What the?" gulat ako sa nakita kong profile picture niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi maaaring siya ito. Hindi ito papatulan ni Allister! This is freaking ridiculous! Katabi niya si Allister!

Kahit ba hindi siya si Mitch, ang sakit pa rin. Knowing na ganyan ang damit ng babae. Nasa gilid sila ng swimming pool at parehas na kakaahon lang. May mga kilala naman akong mga classmates ko dati na naliligo sa likod nila. Kahit walang kutis ang idinikit ni Allister sa katawan ng babae hindi ko parin maatim na magkasama sila. Maybe hindi siya ang Mitch. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapangiwi.

Ala eh, mas tipid pang manamit kaysa kay Crista! Pinilig ko ang ulo ko. Masyado lang akong asyumera. Kailangan ko nang itulog ito.

►►►

"Caffe Mocha for Allyse!" sigaw ng babae. Ngumiti ako at tumayo para kunin ang order ko sa Starbucks at bumalik sa upuan.

Hindi ko parin matanggal sa isip ko ang babaeng iyon. Wala man lang reaction si Allister sa mga pakulo ng mga barkada niya. Hindi kaya totoo talaga iyon kaya hindi na siya nagcomment pa? Silence means yes, ika nga.

Maagang umalis ang mga magulang ko para sa work nila; ganun din si Xavier. Dinala ko naman si Allicia kila Mindy para doon siya maglaro. May usapan din naman ang mga magpipinsan. Kaya ako ang naiwan sa bahay. Naisipan ko nalang magpunta dito para makapag-isip-isip.

Ni-check ko ulit ang account ng Michelle na iyon. Talagang ang sagwa ng damit! Nasa publiko pa naman ang babaeng ito tapos ganyan lang ang damit! Nakapatong ang siko niya sa balikat ni Allister at nakapamaywang siya. Nakamake-up pa yata ang buisit na babaeng ito tapos ang hikaw niya dangling!

Si Allister naman ang ganda ng ngiting nakahalukipkip at deretsong nakatingin sa camera. Si Michelle, strapless ang pink dress niya at see-through. Ang masagwa sa lahat, yung two piece niya na black ay parang maliit pa sa kanya. Isa pa, basa sila kaya bakat na bakat ang mga hindi bumabakat sa katawan niya.

Nakakainis na nakakairita na nakakadiri! Totoo ba ito?

Ang cover photo niya ay nakaupo at nakasandal siya sa malapad na frame ng isang malaking bintana. Naka-extra sized tshirt at walang pangbaba na short o pantalon. May anklet siya. Lalo akong nainis dahil may hawak siyang vape at bumubuga ng smoke rings.

What the heck, Allister? Ito ang balak mong pakasalan? Ha? Ang sarap ipatapon sa B1! Though, I can't deny that she's smoking hot but knowing Allister!? Iiish! I need answers!

Ang higpit na ang hawak ko sa phone ko at naramdaman kong mabilis na ang paghinga ko. Nakakainis!

Anyway, bakit ako maiinis? Hindi naman kami! Bakit ako nasasaktan kung hindi naman niya ako mahal? Bakit ako nagseselos kung wala naman akong karapatan? Pero, argh! ang sakit! Kung posible lang, parang napupunit na ang puso ko!

Uminom ako para mailunok ko ang nakaharang sa lalamunan ko; gusto ko na ring umiyak. Ibinalik ko ang atensyon ko sa profile ng bobitang Michelle. I tapped her profile picture, checking on the comments below. Nasamid pa ako dahil may 374 Likes!

Seriously, what's happening with the world? Ang number ng comments ay 418.

Laglag ang panga ko habang tinitignan ang mga numerong 374 at 418. This Michelle is surely popular pero anong nangyari kay Allister?! Kailan at paano sila magkalapit? Anong koneksyon ng dalawang ito? Bakit hindi ko ito nakita ang babaeng ito noong opening?

Binasa ko ang iilang mga comments.

Aww, you two looks so good together!

Ouch

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon