KABANATA 36 - This Is War

212 13 31
                                    

It's a matter of life and death. Hindi ko na inisip ang sarili ko.

"ALLYSE! NO!" galit na sigaw ni Allister nang bigla akong lumabas ng Hilux.

Hindi puwede! Sila mama baka nasa loob. Maraming mga kapitbahay ang nakipagtulungang magbuhos ng mga walang kuwentang mga baldeng tubig. May mga bombero din namang tumutulong sa pagpatayng apoy.

Alam kong marami akong mabubunggong tao pero talagang itinulak ko sila para lang makadaan.

"Allyse! Huwag!" hinabol ako ni Allister pero hindi ako maabutan. Mga magulang ko ang nasa loob! Mamatay na rin ako kung hindi ko rin lang sila mailalabas!

"TABIII!!!" sigaw ko.

"Miss, huwag-"

"Hayaan niyo ako!" sigaw ko pero pinigilan na ako ng dalawang bombero; niyakap ng isa ang baywang ko at inangat pa para hindi ako makatakbo.

"AAAHH!!! Bitiwan niyo ko! Mga magulang ko ang nasa loob!" namamaos kong sigaw at humahagulgol. Pinaghahampas ko ang mga kamay na pumipigil sa akin pero sadyang malalakas sila.

"Sir! Delikado pa!" sigaw naman ng isang bombero dahil may isang lalaking tumakbo sa loob. Hindi ko na naaninag dahil nasisilaw at nasasaktan ang mga mata ko dahil sa init na inilalabas ng apoy na kumakain sa bahay namin.

"Magulang ko ang nasa loob! Hayaan niyo 'ko!" sigaw ko at nagpupumiglas pero hindi talaga ako makawala.

"Ma!!! Pa!!!" hagulgol ko at nanghihina na. Hindi na nakalabas yung lalaking pumasok. Nasaan na siya? Nasaan sila mama at papa!? Dahil kung wala yung lalaki, ibig sabihin mas lalong wala na sila mama at papa.

Dahil sa naghalong sakit sa puso, pagod, kaba, at pagkataranta ay dumilim ang paligid ko.

►►►

Nagkamalay ako pero ang nakapaligid sa akin ay mga apat na puting pader. Nang maalala ko ang nangyari ay bumalikwas ako.

"Miss Wilson-"

"Sunog. Sila mama at papa! Nasaan sila!?" nataranta kong sabi at maiiyak nanaman. Kailangan kong makita sila at siguraduhing nakalabas ba sila.

"Nasa emergency room na sila, Miss Wilson. Kumalma lang po kayo. They've been care of." ngiti ng nurse. Sa ngiti niya ay kumalma ako.

"Are you sure?" I softly asked as my tears roll down my cheeks. God! Anong nangyayari!?

"Miss, ayokong mawala sila. Please lang." hikbi ko. Ngumit siya at hinaplos ang braso ko.

"Gagawin ng mga doctors ang lahat ng kaya nilang gawin. I assure you." aniya. Tumango ako. Naalala ko ang lalaking pumasok sa bahay.

"Yung lalaki, nasaan siya?" tanong ko. Kumunot ang noo niya.

"Sinong lalaki po? Yung naglabas sa mga magulang mo?" agad akong tumango.

"Nasa kabilang kuwarto. Nagrerecover din."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Nasuffocate po siya at mga konting paso sa katawan niya."

Oh gosh. Mahahalikan ko iyon mula ulo hanggang paa dahil sa kabayanihang ginawa niya sa mga magulang ko.

"Uhm. P-puwede ko ba siyang puntahan at magpasalamat man lang." sabi ko. Ngumiti siya pero umiling.

"Nagpapahinga pa po siya, Miss Wilson. And you also need to rest."

"Anong pangalan niya?" tanong ko. She turned the page of her record at may hinanap doon.

"Hmm, Allister Collado, miss." kumalabog ang dibdib ko.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon