KABANATA 24 - That Freaking Guy

201 15 19
                                    

Nakalipas ng ilang linggo ay unti-unting nagbago ang panahon. And I'm so ready to fly in the Philippines.

Mag-isa akong nagpunta sa Walmart para bumili ng iyuuwi ko sa Pinas. Hindi ako masasamahan ni Shane dahil namasyal ang pamilya niya sa Michigan. Sayang nga lang kasi wala pa sila sa araw ng flight ko.

Nang makabili ako ng mga pasalubong ay nag-empake na ako sa bahay. Dalawang balikbayan box, isang malaking maleta at  isang backpack. Okay. I'm settled.

"Pakumustahan mo ako kila Flora at Eric, okay?" anila daddy at mommy. Tumango ako. Niyakap ko si Allicia at hinalikan ang ulo niya.

Nakabusangot siya habang umiiyak. Yakap niya ang isang unicorn niya.

"Come back, okay?" aniya. Ngumiti ko.

"Yes, baby. I'll be back. Okay?" tumango siya. Niyakap ko sila mommy at daddy bago ko sila tinalikuran.

Nagpaalam na rin ako kay Shane bago ako nagpunta ng airport kanina. He reminded me again about Allister.

Nakatulog ako sa biahe. Nagising nalang ako nang makita ko na ang lupa ng Pilipinas. Umayos ako ng upo. Napangiwi ako.

Right now, if only Allister didn't find Michelle, I should've been more excited to land. Iyon lang ang naging pangarap ko sa pananatili ko sa States - ang makita muli ang una kong kaibigan, ang magtrabaho nang mabuti para makita ko ulit si Allister. 

Pagbaba ko ay agad kong naramdaman ang init ng Pilipinas kaya ko tinanggal ang cardigan ko. Connecting flight ako. Dederetso na ako ng Cebu.

Nagsimula akong kinabahan nang nasa himpapawid na kami. I'm going to see my parents. Sila ang naging tanging rason ko para maexcite na umuwi ng Pilipinas.

Landing again. Kinabahan na ako ng husto. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nasa paligid ko lang si Allister at pinagmamasdan ako. Napangiwi ako. Nahihibang na yata ako. Hindi alam ni Allister na uuwi ako ngayong araw na ito.

Nagpara ako ng taxi at ipinakita sa kanya ang address. Almost one hour ang biahe kaya nagawa ko pang makipagkuwentuhan sa driver. Nang tumigil kami sa isang munting bahay ng mga Medrano ay napangiti ako. Nasisilip ko si mama na nasa lababo. I let out a small laugh. Binigyan ko ng tip ang driver.

"Manong, businahan mo nga po." wika ko at bumusina siya nang dalawang beses. Mama peeked her head out of the window and frowned.

"Manong, pakibaba nalang yung mga bagahe, pakisuyo."

"Sige, madam." tumango siya at lumabas na. Ako ay nangingiti parin habang kumukunot ang noo ni mama nang makita niya ang driver binubuksan ang trunk.

"Okay, here we go." Isinuot ko ang aviators ko, huminga ako nang malalim at binuksan na ang pinto. Nakangiti akong lumabas at tumawa.

Laglag ang panga ni mama nang makita ako. Sa sikat ng araw, kuminang ang mga mata niya dahil sa namumuong luha. Nahabag ako kaya suminghap ako para maibsan ang paghapdi ng mata kong gustong lumuha.

"Allyse!" tumakbo si mama sa akin at agad akong niyakap.

"Mama!" mahigpit ko siyang niyakap pabalik. Oh, how I miss my parents! I miss my mama! Suminghap ako nang maamoy ang pamilyar na pabango. Napangiti ako nang maalalang isa ito sa mga ipinadala ko noon.

"Oh my God! Allyse! Anak ko!" tawa ni mama kahit umiiyak na. Napatingin ako sa driver na nagpupunas ng pawis habang tuwang-tuwang nanonood sa amin. Kumalas ako sa yakap at kinausap ang driver.

"Manong, pakipasok nalang po. Salamat. Ako na itong maleta." sumunod si manong.

"Bakit hindi mo man lang sinabi anak na ngayon ka uuwi para sana mapaghandaan namin?" tawa ni mama habang binibitbit ang backpack ko.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon