CHAPTER 15

272 24 9
                                    

"YOUR eye looks a lot better. Natatakluban talaga ng make up." Puna ni Alpha sa kanya bago sila bumaba ng sasakyan. "Pero isuot mo pa din yung shades mo. Maaraw."

"Gumagaling na din talaga akong mag-make up boss, ang tagal tinuturo sa akin ni Delta. Baka kapag hindi pa ako natuto ng ayos ay binato na ako ng brushes niya." Natatawa niyang kwento habang inaayos ang seatbelt niya. "Saan uli tayo pupunta boss?"

"Sa Cavite, may lupang tinitingnan dun sina Mama. Gusto nilang tingnan ko din." Pinaandar na niyo ang sasakyan at nagsimula na silang baybayin ang daan.

"Kasama ako?"

"It's weirder kung hindi kita kasama. Iisipin nanaman nilang binugbog kita." Alpha joked.

Hindi pa din talaga ito maka-get over sa litanya na nakuha mula sa ama't ina nung madatnan ng mga ito na may pasa siya sa mukha. Akala niya ay sa ayos nila magrereact ang mga ito pero hindi pala. It wasn't even discussed. They blamed him kasi ito daw ang rason kung bakit ito nandoon. Si Alpha pinagagalitan habang si Delta na kasama ng mga magulang ay kumakain lang.

"Hindi naman ako magpapabugbog sayo. Kita mo yung si Estong dati? Na-black eye-han ko siya." Marci said proudly. Tapos na siya sa phase na yun ng buhay niya. Hindi na siya naiilang na i-kwento yun o mapag-usapan.

"It's been such a long time mula noong mangyari yun pero vivid pa din ang hitsura niya sa akin. Nakakatawa pa din." He burst into random laughter. Ang sarap talagang tingnan nito kapag tumatawa. He looks so alive.

Kung ito ay yung hitsura ni Estong ang natatandaan sa panahon yun, siya naman ay si Alpha ang nagmarka. Nung nakita niyang dumating ito ay parang may kung anong mabigat na natanggal sa balikat niya. She felt na meron na siyang kakampi and he didn't disappoint. From that day hanggang ngayon, alam niyang si Alpha ang kakampi niya.

"Baka matunaw ako Marciana." He said habang nakatingin pa din sa kalsada.

"May mata ka ba sa gilid ng mukha mo?" She teased him.

"Ramdam ko lang, kinonfirm mo naman." He took a quick glance at her. "You're blushing again."

"Blushing? Hindi ah. Mainit lang kasi kaya medyo namumula ako. Assuming ka talaga boss." Humarap na siya sa kalsada bago sa dashboard at itinapat pa lalo sa kanya ang aircon.

"I don't mind." He said.

"Hindi nga," she laughed.

The car ride, like most ones recently, was kind of suffocating for Marci. Hindi niya alam kung saan siya titingin o kung anong gagawin niya. Ano bang dapat ikwento niya? Anong dapat sabihin niya? Hindi niya alam kaya nakatingin lang siya sa labas, kinakabisa ang hindi pamilyar na daan para matanggal ang kagustuhan na lingunin muli si Alpha.

Kumain muna sila ng tanghalian sa Tagaytay uli. Noon niya lamang talagang napagmasdan ang lugar. Hindi naman kasi sila nagtagal noong huli makalipas ng pagsikat ng araw at umalis na din sila agad. Kaya ngayon na kitang-kita ang maliit na bulkan sa gitna ng isang lawa, she's so amazed. Naglibot sila ng kaunti hanggang sa malapit ng mag-alas tres, malapit naman na daw kasi ang lupa na sinasabi ng mga magulang nito kaya nun lang sila umalis. Laking gulat nga nila nang dumating sila sa hacienda nang sabihin ng mga ito na nakapaglibot na sila ng madami.

"Were we supposed to meet you earlier?" Tanong ni Alpha sa mga magulang na parehas nakatingin dito. "Sabi sa akin ni Omega ay 3 PM pa para hindi mainit kaya naglibot muna kami ni Marci."

"Ay mali ata ako." Omega says, holding in a smile on her lips. "3 PM nga ang sinabi ko kina Kuya."

"Nalibot na namin yung mga villas. Yung mga taniman na lang ang hindi namin natitingnan." Sabi ng tatay ni Alpha dito. "Did you at least have fun Marci?"

San Vicente 3: Illustrious Where stories live. Discover now