PROLOGUE

969 20 6
                                    

MEDYO MATAAS na ang tirik ng araw pero heto pa lang siya at pabalik sa bahay nila sakay kay Lucky, ang paborito niyang kabayo, maliban sa ito lang naman ang kabayo nila para sa lupang pinagtataniman nila ng mga palay at niyog ay sa kanya lang talaga maamo ang kabayong ito. Galit sa iba at high-blood kaya hayun ay siya lang ang nakikinabang talaga. Fierce ang loyalty ni Lucky sa kanya.

"Ana!" Malayo pa siya sa bahay ay rinig na rinig na niya ang sigaw ng tiyahin niyang si Tiya Rosing. Grabe talaga ang volume ng boses nito akala mo ay naka-megaphone. Malayo pa man, malinaw na ang sigaw.

Ulilang lubos n asa magulang si Marciana, at higit sa sampung taon ng ang Tiya Rosemarie o Rosing ang naging tagabantay niya. Ito din ang namamahala sa hindi naman kalakihan na lupain nil ana naiwan ng kanyang ama. May kakambal si Marciana, si Marciano pero ilang taon na din siyang walang naririnig mula dito at kahit na gutuhin niyang hanapin man lamang ito ay hindi niya magawa. Life isn't all that easy for her kahit na may lupain sila. Mula noong mamatay ang nanay niya ay talagang nagtrabaho na din siya dito at kung nau-ano ng raket ang ginaw apara naman makatulong. Tapos siya ng kolehiyo pero hindi niya din mapakinabangan kas inga hindi niya maiwan ang farm at ang tiyahin.

"Tiya, andito na ho. Baka marinig pa ho kayo sa kabilang ibayo at isipin na nawawala ako." Napakamot ng ulo si Marciana nang bumaba ng kabayong sinasakyan niya. "May emergency po ba?"

"Mag-ayos ka at may pupunta dito na manliligaw mo." Nagtaka siya sa sinabi nito. Hindi makapaniwala sa pinagsama-samang mga salita iyon.

Hindi niya maintindihan ang excitement nitong matandang dalagang tiyahin niya eh ayaw nga nitong magpaligaw siya kahit na beinte sais na siya. She's past her mid-twenties pero heto pa din siya at hindi makaalis sa taniman nila dahil palalabasin nanaman ng tiyahin niya na ingrata siya. Iyon na iyon kasi ang sinabi sa kapatid niyang si Ciano noong umalis ito para makipagsapalaran sa Maynila. Ingrato daw ito kasi hindi man lang inisip na malaki ang utang nila at nakasangla ang lupa. Kaya heto siya ngayon at hostage ng sarili niyang kunsensya.

"Po? Naku, akala ko tiyang pagmamadrehin ho ninyo ako?" Muntik na siyang mapatakbo ng itaas nito ang itak na hawak. "Joke lang, sino ho ba yan?"

"Tanda mo ang utang natin sa mga Villarin?" Napatango siya, iyon lang naman ang utang na hindi nila mabayad-bayadan kasi halos triple na ng inutang nilang halaga noon dahil na din sa interest na pinapataw ng mga ito. Talo pa ang mga foreigners na nagpapa-five six.

"Darating sila kasi gusto ka makilala. Kapag nagustuhan ka eh, sagutin mo na agad ng hindi na tayo naghihirap dito sa taniman. Gamitin mo yang ganda mo para naman mai-angat tayo sa hirap." Iyon lang at tinalikuran na siya ng tiyahin.

Hindi niya nga halos naintindihan kung ano ang gusto nitong sabihin, alam niya lang na darating ang mga Villarin at aakyat ng ligaw sa kanya. Kapag daw tipo niya edi sagutin niya. Jusmio naman tong tiyahin niya, ibinugaw pa siya. Bakit naman niya sasagutin agad o pakakasalan agad? Mahal ba niya? Mahal ba siya?

Para na lang wala ng ayaw at talakan ay nag-ayos nga siya, naligo siya at maayos na pinatuyo ang mahabang buhok niya na natural kulay brown at alun-alon, naman niya siguro sa mga ninuno niya ang kutis niyang mestizahin at ang tangkad niya na higit sa normal na mga height ng mga Pilipina. She wore a simple floral dress na medyo lampas sa tuhod ay nag-pulbos at pabango ng kaunti. Malay niya nga naman kung ang lalaking Villarin na ang prince charming niya, diba?

Habang wala pa ang mga bisita nila ay inisip niya talaga kung sino sa Villarin ang malapit sa edad niya para ligawan siya? Tsaka hindi naman sa pihikan siya pero kasi hindi rin naman kilala ang mga Villarin bilang makikisig na mga lalaki buti sana kung mababait eh itong mga ito ang nagpapahirap lalo sa mahihirap na ng asa lugar nila dahil sa grabeng pautang ng mga ito. Kapit lang talaga sa patalim ang mga tao kaya naman wala silang choice.

San Vicente 3: Illustrious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon