CHAPTER 2

271 14 2
                                    

ALPHA TRIED to get her to a bus station and send her off pero for some reason ay walang bus na bumibyahe. It might also be her bad luck kaya ganun, wala na ngang bantay pero wala naman masakyan. Sinabi niya sa lalaki na hayaan na lang siya and it's enough that he tried to help her pero ayaw naman siyang iwan nito kung saan knowing that she probably can't get a decent place to stay. Bakit ba kasi nabanggit pa niya na sa isang twenty four hour restaurant na lang muna siya?

Kaya ang katapusan ay isinama siya nito sa tinutuluyang hotel para sana kuhaan na lang ng kwarto doon pero fully booked na daw kasi may kasal na gaganapin malapit sa hotel at doon daw nag-check in ang buong entourage at mga bisita ng ikakasal. Marciana insisted again na siya na ang bahala. Sumipa na din naman kasi ang kahihiyan sa kanya kaya ganoon. Hindi siya sanay na may tumutulong sa kanya o humihingi siya ng tulong. It's odd.

Mukhang sa hitsura lang nakakaintimidate ang lalaki kasi he was really kind. He offered the spare room in his suite para daw doon na lang muna siya. Nahihiya man ay tinanggap na niya. Mas ligtas din naman talaga at mukhang bukal naman sa loob ng lalaki na tulungan siya.

"Matulog ka na. I need to get some things ready for tomorrow. Kailangan ko din pumunta sa mall at sa palengke bukas." Sabi sa kanya nito.

"Sasamahan kita, para tulungan kahit sa pagbibitbit." Pagpiprisinta niya.

"Whatever you want." Iyon lang at pumasok na ito sa kwarto nito.

Lubos-lubos ang pasalamat ni Marciana sa Diyos para kay Alpha. Ang galing talaga ng timing Niya sa kahit na anong bagay. When she needed someone to save her ay nagkrus ang landas nila. Pilit man pero ganun na din yun, mahirap naman kasi talagang magtiwala sa mga tao.

Imbes na maglamyerda pa ang isip niya ay naglinis at nagsipilyo na siya para makatulog. Ang tagal na nung huli niyang naranasan na makatulog sa hotel, college pa ata siya. Nangarap kasi siya once na maging flight stewardess pero dahil naiwan siya sa taniman ay hindi na niya nagawa. She had to live her life as if kontento na siya dun.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising pero mas maaga pa din nagising sa kanya ang lalaki. He was already reading a bunch of papers while drinking a cup of coffee. Sana ata ay alas singko siya gumising instead na alas sais.

"G-good morning." Bati niya dito.

"Morning." She heard him say. "Hindi ko alam ang gusto mo. I just had pancakes and coffee delivered."

"Ay, thank you, nag-abala ka pa." Napangiti si Marciana. Pogi na mabait pa. "Anong oras ka pala pupunta sa mall?"

"Sa palengke na lang ako pupunta. May pinabibili sa bahay na mga produce." Sabi nito sa kanya. He was just reading the papers, hindi man lang siya nito uli nilingon. "Maybe we can leave after you finish your food."

"Ah, bibilisan kong kumain." At hiniwa-hiwa na niya ang pancakes para mabilis na makain. She readily took a sip of the cup of coffee pero masyado pa palang mainit.

"Slow down. Hindi ako nagmamadali. Mamaya pang ala-una ang meeting ko." Inabutan siya nito ng tissue tapos ay tubig.

"Sorry." She winced, namamanhid tuloy ang dila niya. "Mamaya na lang yung kape."

Makalipas ng thirty minutes ay tapos na sila kumain. Niligpit na ng lalaki ang mga binabasa nito at nagsabing magpaplit lang ito para makaalis na sila. Mabilisan din siyang nagpalit ng damit, hindi naman kasi ganun kadami ang nabitbit niya kaya naman isinuot niya lang uli ang hinubad na pantalon at isang puting t-shirt.

They made a quick trip to the public market, lahat na ata ay binili ni Alpha. Natulungan niya lang ito sa pagpili ng mga dapat bilhin. He had a list na bilin daw ng nanay nito. It ranged from spices to vegetables to dried goods. Medyo namamangha din siya na hindi maselan ang lalaki sa paligid and that he was quite good with talking to people. Nakasunod lang siya dito, ayaw naman siyang pagbitibitin nito ng kahit na ano kaya para lang siyang buntot nito. Kapag may hindi ito alam sa listahan na dala ay tinatanong naman siya nito. She was glad to be of help kahit na papaano.

San Vicente 3: Illustrious Where stories live. Discover now