CHAPTER 4

250 17 4
                                    

"ANDYAN BA SI SP01 Tuazon?" Tanong niya sa tao sa information desk pagpasok nila sa police station.

Mabuti na lang at hindi ganun ka-traffic, palibhasa ay madaling araw pa kaya maluwag ang daan. Naiinis din siya na hindi niya natanong ang lagay ni Marci. She seemed like a strong girl pero it's always on a case to case basis. Arthur wanted to ask him about the emergency pero hinayaan na lang muna siyang magmaneho nito. He felt kind of obligated to be there for this girl, it's like he knows she needs him somehow.

"You're acting weird Kuya." Puna sa kanya ni Arthur. "Who's this person who made you rush here at this time of day?"

"Just someone I know." Sabi niya dito.

"Mas na-curious tuloy ako." Arthur said.

"Kayo ba yung pinatawagan para kay Miss Ramillo?" May lumapit sa kanilang unipormadong pulis. "Ako si SP01 Tuazon."

"Yes, ako yun. Kasama ko ang abugado namin." Tinuro niya si Arthur na nakatayo sa tabi niya.

They looked overdressed for four in the morning pero hindi naman na kasi niya naisip yun kanina. Sa sinabi pa lang ng pulis kanina ay mukhang seryoso ang nangyari.

"Mabuti ho siguro ay mag-usap-usap muna kayo. Nasa loob siya," tinuro naman nito ang isang kwarto doon sa isang sulok ng presinto. "Dadalhin na lang namin dun ang suspect."

When he entered the room ay nakita niya agad si Marci, nakasuot lang ito ng pambahay. She looks so spaced out. The girl has scratches on her arm and knees and a busted lip. Natigilan siya sa paglapit dito, naalala niya nung nahiwa ito ng kutsilyo nung mga balak kumuha dito.

Alpha immediately took off his coat as he approached Marci bago ipinatong iyon sa balikat ng dalaga ng makalapit siya dito. "Ipatong mo muna, malamig dito."

"Alpha," it came out seemingly like a mumble. She sounded tired.

"Kamusta ka? Are you okay?" He asked. Mukhang yung mga sugat lang naman ang meron ito. Napalingon siya sa kamay nito and they were shaking. Pinipilit nito na pigilan iyon. He felt oddly angry about what happened to her and protective of her, hindi niya mapaliwanag.

"Sorry, masyadong maaga ako nanggulo." She tried to smile pero halatang frustrated ito. "Wala na akong ibang matawagan."

"It's okay, sabi ko naman sayo tawagan mo lang ako if you need anything." He tried to stretch his lips to a smile. "Ano bang nangyari?"

"Yung dating nakatira dun sa inuupahan ko biglang pumasok tapos akala ata niya ay ako yung asawa niya kaya ayun." Paliwanag nito. He felt some sort of anger for that man because he can see how hard Marci is trying to hide how scared she probably was.

"Ginamot man lang ba nila yang mga sugat mo?" He kneeled para eye level silang mag-usap ni Marci. Hindi niya akalain na mangyayari pa din dito ang tinakbuhan na nga nito mula sa probinsya.

"Ah, hindi ko na napansin." Tiningnan din nito ang mga sariling sugat. "Ang bruha ko na nga ata."

"You do look disheveled." Pagsangayon niya dito.

"Hindi man lang nagsinungaling." She laughed.

"Ehem," narinig niyang may tumikhim sa likuran niya. Oo nga pala, kasama nga pala niya ang pinsan niya. "Baka gusto mo akong ipakilala Kuya?"

"Ah, oo nga." Napakamot sa ulo niya si Alpha at napatayo mula sa pagkakaluhod. "Marci, this is Arthur. Pinsan ko siya. I figured na baka kailangan mo ng abugado kaya isinama ko siya."

"Pasensya na po kayo attorney at naabala ko pa din kayo." Ngumiti si Marci dito.

"It's okay. Malakas tong si Kuya sa akin." Tinapik-tapik ni Arthur ang balikat niya.

San Vicente 3: Illustrious Where stories live. Discover now