CHAPTER 14

291 20 5
                                    

"AKALA KO BA hindi ka naman interesado sa kanya?" Tanong ni Alpha kay Marci. He looks angry and at the same time ay disappointed.

"Pumayag lang naman ako sa dinner boss. Hindi ko naman sinabi na pakakasalan ko siya." Paliwanag niya dito.

Sa totoo lang ay hindi niya rin naman gusto ang lalaki. Ito lang kasi ang magagawa niya para kay Alpha para naman walang masabi dito ang ibang mga empleyado. Na-anticipate naman na niyang magiging bulong-bulungan ang relasyon nila ng lalaki. Hindi naman kasi tago na sabay silang pumapasok at umuuwi, malapit na din siya sa pamilya nito at palagi nga siyang kasama nito. Maliban pa doon ay siya ang kasa-kasama nito noong anniversary ng kompanya. Paano pa kaya kung malaman nilang sa iisang bahay lang sila nakatira?

Nagsimula siyang mapaisip mula noong marinig niya ang  usapan ng mga empleyado doon sa banyo noong nakaraang araw. Sabi nila na mukhang totoo naman daw na higit sa pagiging empleyado ang trato sa kanya ni Alpha at gusto din naman daw niya iyon. Okay lang na marinig niya yun kasi alam niya ang totoo pero paano kung kumalat at makaapekto pa sa paghahanap nito ng mapapang-asawa? Ayaw niya yun.

"You know, fine. Whatever. You do whatever you want." Alpha gave up and then went back to his table. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin when the dinner's today?"

"Hindi ka nga kasi papayag. Na-anticipate ko na to."

He dislikes the idea so much. Hindi niya naman alam kung bakit. Tinanong na niya si Pio pero wala naman ito sinasabi. She asked if Frank did anything bad with the company pero 'no' din naman ang sagot nito.

"Okay, fine. Ikaw na ang bahala. You should do whatever you want." Bumalik na ito sa pagbabasa ng kung ano man sa table niya.

Halos maghapon lang na hindi siya kinakausap ng binata. Akala mo ay may nagawa siya na ikakalugi ng kompanya kung makaasta ito. Palaging si Jun ang tinatawag at pinagdadala sa kanya ng trabaho. Sabi nga ng kasama niya ay galit nga daw ang boss nila. Okay naman sila kanina, tapos ngayon galit na ito. Kung hindi lang nakakahiya ay sasabihin na niya ang rason kung bakit siya lalabas kasama ni Frank. Marci just thought that if she goes out with Frank then iisipin na lang ng iba na mali yung kay Alpha.

She sighed as she looked at time, alas sais na ng hapon, kailangan na niyang bumaba dahil maya-maya lang ay aalis na sila ni Frank. Usapan kasi nila na six-fifteen sila magkikita sa lobby, kukuhain lang daw ng lalaki ang sasakyan nito at aalis na sila.

Tumayo na siya at naglakad papalapit sa malaking pintuan ng opisina ni Alpha. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok doon. Walang sagot. She tried again pero wala pa din kaya naman pumasok na siya. Nabungaran niyang nakapikit si Alpha habang nakasandal sa upuan. Tulog pala ito, kaya naman pala hindi na niya rinig ang kaunting pagdadabog nito sa loob di gaya ng kanina.

She entered the room and walked towards the big desk and looked at Alpha. He looks so much at peace. Imbes na gisingin pa ito ay kumuha siya ng post it at nagsulat doon. She wrote down that she's leaving for the day at kakain lang sila ng dinner ni Frank. She's also going to go home on her own at hindi magpapahatid para di malaman nito kung saan siya nakatira since parehas sila ng tirahan.

Lumabas na siya at nagtungo naman sa reception kung saan naroon si Jun. "Bago mag-alas siete gisingin mo na si boss para makauwi na siya."

"Okay, sige. Ako na bahala. Ingat ka!" Ngumiti ito.

"Ikaw din, salamat!" At umalis na nga siya.

Nang makababa siya sa lobby ay natanaw na niya si Frank na nakasandal sa puti nitong kotse. He looked like a kind guy, yung tipong maginoo din. Palangiti din ito at makwento. Nang makita siya nito ay pinagbuksan siya agad nito ng pintuan para makaupo na siya. Nagpasalamat siya dito't umalis na din sila agad.

San Vicente 3: Illustrious Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin