CHAPTER 10

247 17 3
                                    

"BOSS, ALAM MO iwan mo na lang ako dito. Ako na bahala bumalik kung saan man." Sabi niya kay Alpha.

Marci was waiting for her impulse to throw up to stop. Sa haba ng byahe nila ay sobrang hilong-hilo na talaga siya. Ayaw niya ng amoy ng aircon. Noong una ay okay lang. Sanay siya sa sandali lang na mga byahe kaya hindi masyadong nakakasuka sa kanya pero iba ngayon, ang tagal na nila sa byahe kaya naman heto siya at nagsusuka.

"Alam mo ba kung nasaan tayo?" Tanong nito sa kanya.

Mula kaninang madaling araw hanggang sa ngayon ay iniintindi siya ng lalaki. He checked on her every once in a while habang para siyang nanlalata sa pagpipigil na masuka. Buti sana kung sila lang dalawa pero kasama din nila ang sumunod na kapatid ni Alpha na si Omega. This is the first time that they've met tapos ito pa ang entrada niya dito. She seemed kind and patient, katulad ng kapatid ay inaalalayan din siya nito.

"Hindi pero para mapabilis kayo, madali naman magtanong diyan—wait." Then naduwal nanaman siya. Buti na lang hindi madami ang kinain niyang umagahan kaya wala na siyang maisuka ngayon. "Boss, dun ka nga. Kadiri oh."

Nakatayo sa gilid niya ang lalaki habang hawak ang kanyang buhok. Kanina niya pa ito pinalalayo pero ayaw naman. Mula kanina nang mapansin na nito na sumasama ang pakiramdam niya ay nakaalalay talaga ito sa kanya. He'll give her water and candies. Kung alam niya lang na ganito ay uminom sana siya ng gamot kanina.

"Hindi ako madidiriin." Sabi lang nito. "At hindi mo alam ang lugar tapos magpapaiwan ka? Look at yourself, makakarating ka ba anywhere looking like that?"

"Masama na nga ang pakiramdam nung tao tapos pagagalitan mo pa Kuya." Bumaba din si Omega sa sasakyan para abutan naman siya ng tubig. "Do you feel better Marci?"

"Salamat Miss Omega," nang abutin niya ang tubig. "Pasensya na at nagtatagal tayo."

"Si Kuya Kairos naman ang pinakamahalagang makarating dun, not us, kaya huwag kang mag-alala. My sole purpose will be batukan si Mikee because of this crazy stunt she pulled." Natatawang sabi nito sa kanya.

Omega San Vicente really doesn't fall far from the tree. Grabe, sa looks department pa lang winner na. Maganda din ang ugali nito at palangiti. Nagulat nga siya kanina nung dumating ito sa condo ni Alpha. Tinatamad daw itong magmaneho kaya makikisabay na lang kay Alpha.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong naman sa kanya ni Alpha.

"Okay-okay naman na boss. Sorry," humingi siya ng pasensya dahil imbes na hindi na masyado magtagal ang byahe ng mga ito ay lalong nagtagal dahil kailangan nilang tumigil every now and then. "Nagtatagal tayo dahil sa akin."

"Kaunti na lang at andun na tayo." Sabi Alpha sa kanya. "I can't leave you here. Okay?"

"Ah," tumango-tango na lang siya. May kung ano nanaman kumabog sa dibdib niya. He looked so concerned. "Si-sige boss, kaya ko pa."

Nginitian siya nito at iginiya muli sa sasakyan. "Tsaka palagi ka nagpapaiwan. Hobby mo ba yun?"

"Ako?" Nasa loob na sila ng sasakyan at muli nang bumibyahe.

"Every morning kapag may hinahanap kang file o gamit na sabi mo inayos mo na. Every end of the work day kasi may gusto kang tapusin. Kahit sa pagkain." Sabi nito sa kanya.

Madalas niya ngang sinasabi iyon din. "Ayaw ko lang maging abala."

"Bother him all you want Marci." Singgit ni Omega. Sumilip ito sa kanila mula sa backseat. Doon kasi ito umupo kahit na sinabi niyang sa harap na ito. "Kulitin mo at i-nag all you want. Ako bahala sayo. Para may sub kami."

"Pati si Marci hahawaan mo ng masamang impluwensiya mo." Komento naman si Alpha.

"Ang bait ko kaya." And she sat back properly again.

San Vicente 3: Illustrious Where stories live. Discover now