CHAPTER 9

244 16 2
                                    

"MAUNA KA NA boss," tumakbo siya pabalik sa kwarto niya. Naiwan kasi niya yung notebook niya and she needs to check on all the files that she's bringing. Hindi kasi niya napansin ang oras kanina nung nagluluto siya. Na-late tuloy siya sa paggising kay Alpha.

"What is it that you left this time?" Tanong ng lalaki sa kanya. Kasunod na niya ito sa kwarto. "You tell me na ang kalat ko and this is how your room looks like?"

Magulo ang kwarto niya dahil may mga inayos siyang mga gamit. Dati kasi ay wala naman halos laman ang mga cabinet niya sa walk-in pero ngayon ay pupwede na ata siyang hindi maglaba ng isang buwan at may maisusuot pa din siya. Ginawa na atang hobby ni Delta at Alpha na bigyan o bilhan siya ng mga damit, ni hindi na nga niya alam kung saan niya isusuot ang iba.

"Busy ako kahapon at kanina kaya hindi ko na naayos. Bukas parang walang nakatira na dito sa linis. Promise boss. Feeling ko mas malinis pa din ang kwarto ko kaysa sa kwarto mo." Hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagagawi sa kwarto ng binata. It's still her rule, kahit na wala namang pake ito ay ayaw pa din niya.

"Pwede mong silipin, walang kalat dun, at all." Pagmamalaki pa nito. "Come on, may meeting pa tayo mamaya."

"Mauna ka na nga muna kasi boss." Pagtataboy niya dito. Sanay na din naman kasi ito na ganito siya minsan ka hindi magkanda-ugaga.

"You're so forgetful." Pamumuna pa nito imbes na umalis na lang at mauna katulad ng sabi niya. "Akin na nga yang bag. Just bring everything. We can't ask Pio to get your files again kapag naiwan mo."

Ang sinasabi nitong Pio ay ang main security na kasama nito palagi. He could well be his right hand man if titles were needed. Ito din ang una niyang nakilala mula noong magtrabaho siya para kay Alpha. Madalas nilang kasama ito kaya naging close na din siya dito. Nalaman niyang ito ang parang assistant ni Alpha at isa sa mga nakakaakyat sa condo nito pero mula noong tumira siya doon ay hindi na ito pinapapunta ni Alpha doon.

It has been a month since she started working for Alpha and everything is going well. Madali lang naman niyang nahahandle ang lahat ng kailangan niyang gawin para dito. He's not hard to work with, magaling ito sa trabaho at hindi kailangan ng masyadong madaming tulong in that aspect. However, his schedule is a mess, his files are likewise a jungle, and he has this invisible order na ito lang naman ang nakakaintindi kaya naman nahihirapan ang iba. Yun ang trabaho niya, ang gawan ng order ang chaos so that everybody is happy.

"Eh para nanaman akong maglalayas kapag ganyan ang bitbit kong bag. Malaki pa sa akin. Mabigat." Marci protested. "Mauna ka na."

"Sayang ang gas,"

"Hindi naman gas mo ang masasayang boss, tsaka babayaran ko naman yung taxi." She continues looking for her files. Maaga pa naman kasi at hindi naman siya malalate. Nilingon niya ito uli at nakitang umupo ito sa dulo ng kama niya. "Baka nagmamadali ka boss, kaya ko na talagang pumuntang mag-isa."

"Last time you went alone, nakarating ka sa Quezon City." Sabi nito sa kanya. "Ni hindi mo alam kung nasaan ka na."

May mga inayos pa kasi siyang mga gamit at files kaya nauna na si Alpha sa kanya. She was confident with the instructions on what to do pero thirty minutes in sa byahe ay alam niyang may mali na lalo na at wala pa din sila sa opisina ganung usually ay twenty minutes lang ang byahe papunta doon. It ended as mali pala ang intindi ng taxi driver sa kanya kaya sa Quezon City office siya ihahatid. She insisted na kaya niya naman na bumalik pero pinaghintay siya ni Alpha at pinasundo sa isa sa mga tauhan nito. Sobrang nakakahiya yung pagkaligaw na yun.

"Alam ko na ngayon, promise. Diba nilibot mo na ako sa Metro Manila?" Tiningnan niya ito.

He toured her around the Metro one afternoon para naman daw kahit na papaano ay pamilyar siya sa focal points ng mga lugar at alam niya kung saan siya pupunta if ever she needs to go anywhere. She needed that kasi maliban sa Taguig at Makati ay wala na siyang ibang alam na mga daan. Alpha lives in Taguig and the office is in Makati, yun lang palagi ang ikit nila.

San Vicente 3: Illustrious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon