CHAPTER 7

245 20 4
                                    

"ALPHA! MAY nakita na akong tra—hello po." She stopped halfway dahil hindi nanaman si Alpha ang dumating.

It was an older woman who looked so much like Delta. Siguro ito ang nanay nina Alpha. She just got that feeling na ito ang nanay ng magkapatid. Lagot nanaman siya.

At this point, she should just lock herself in the bedroom or leave right away. This is the second time na nangyari ito and it's just days apart.

Kakadaan lang dito ni Delta kahapon para dalhan siya ng ilang mga dresses daw nito na hindi nito halos naisuot. Sabi nito ay magagamit niya iyon sa pag-aapply ng trabaho o sa paglabas-labas lang. Sakto nga lang talaga kasi nakahanap na nga siya ng nag-offer sa kanya ng interview. Kaya naman akala niya si Alpha ang dumating and she was excited to share the good news to him.

"You must be Marciana." Malamig ang tono ng matandang ginang. Nakatingin lang ito sa kanya. It seemed as though binabasa siya nito at hindi niya alam kung maganda o pangit ang nakikita nito. "I'm Alphaeus' mother."

"Good afternoon po," pilit siyang ngumiti pero sa totoo lang ay natatakot siya dito. Tama nga siya.

Napanood niya na sa TV tong ganitong mga tagpo dati and it really doesn't end well para sa bidang babae. Although hindi naman siya ang bida at hindi naman siya ka-love team ni Alpha ay medyo alam na talaga niya ang patutunguhan ng ganitong mga tagpo.

"Nalaman ko kay Delta na may kasama dito ang panganay ko. She also told me na you were staying here with Alpha's permission." Hindi ito nagsusungit o kung ano man. She was just kind of stating facts in a strict and kind of uptight manner.

"Ah opo," sagot niya dito. It felt so awkward na ni hindi niya alam ang gagawin. She was usually good with people lalo na at mahalaga ang rapport sa probinsya. "May gusto po ba kayong inumin? May juice po o pupwede ko po kayo ipagtimpla ng kape."

"It's okay, hindi na kailangan." Tumanggi ito at naglibot uli ng tingin sa paligid.

"Okay po." Tumango siya, still fidgeting with her hands. "Umalis po si Alpha ng maaga kasi may meeting daw po siya sa opisina nila."

"I know, kaya nga ako ngayon pumunta. If he was here he'd hover and barely let me talk." Nagsimula itong maglibot sa paligid. Ito talaga yung mga nakikita mong eksena sa teleserye and Marci cannot shake that image out of her head. Papaalisin siya nito for sure and that'll be something she needs to be okay with. "Sabi sa akin ni Delta ay ikaw daw ang nagluluto at nag-aasikaso ng bahay para kay Alpha."

"Opo, ayaw po kasi niyang magpabayad kahit na kakaunti. Nahihiya naman ako na makitira po ng libre kaya ginagawa ko po yun habang naghahanap ng trabaho." Paliwanag niya sa ginang.

Naglakad ito patungo sa opisina ni Alpha. "This place is finally clean. Ikaw din ang naglinis?"

Naisip ni Marci na mukhang kahit ang nanay nito ay hindi mahawakan ang opisina nito. Kailangan lang pala ng pagka-pakielamera niya para di na maging lungga ng agiw at alikabok ang kwartong yun. Besides, hindi naman siya informed na bawal galawin kaya nilinis niya.

"Yes po, bahing kasi siya ng bahing." Gusto pa sana niyang magpaliwanag kasi baka isipin nito na atribida siya pero lumabas na ito doon at naglakad naman patungo sa side ng condo kung nasaan ang kwarto ni Alpha.

She stopped following the older lady. Mula naman kasi nung tumira siya dito ay hindi talaga siya nagagawi dun. She set it upon herself na yun ang boundary limit at di na siya pwedeng pumunta dun as a sign of respect na din kay Alpha.

"Ikaw din ba ang naglilinis—bakit di ka na sumusunod?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Ano po kasi, hindi po ako lumalagpas dito." Marci pointed a certain portion of the hallway. "Off limits na po kaya di ko po nililinis diyan. Di ko rin po alam kung malinis."

San Vicente 3: Illustrious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon