Bonus Chapter

1M 28.7K 11.1K
                                    

Alys' Point of View

O______O

"Naka drugs ka ba??"

Sabi ko tapos mejo umurong ako. Bakit po ganito si Drake ngayon? Huhuhu. Para siyang possessed. 

"No, i'm not," sabi ni Drake tapos mejo lumapit siya sa akin.

*usod*

*usod*

*usod*

O________O

Hinila niya ako pabalik sa kanya. Ano ang nangyayari sa mundo?? B-bakit parang ang manyak na creepy na weird ni Palma ngayon??

"Tss," sabi niya tapos na corner ako sa wall. BAKIT BIGLANG NAGKA WALL DITO SA SEA WALL??

Hinawi niya yung buhok sa mukha ko kasi ang lakas ng hangin dito, tapos sunset tapo--- NO NO NO KAHIT ROMANTIC ANG AMBIANCE, HINDI KO PWEDENG ISUKO ANG FIRST KISS KO. 

"Isa, sasapakin kita!!"

Nag smirk siya sa akin.

S-seryoso nga siyang hahalikan niya ako??

Hinawakan niya yung mukha ko, "you really know how to ruin a moment."

*gulp*

"W-wala naman kasing moment."

Tinignan niya ako sa mata pababa sa-- leeg ko?? May fetish ba si Drake sa leeg?? Naalala ko tuloy yung vampire kiss niya sa akin. =__=

Unti- unti siyang lumapit.

"D-drake.."

Wag kang tumingin sa mata niya, Alys. Huwag. Maaakit ka lang!!

"Hmm?" sabi ni Drake habang mga ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Oh noes. Oh noes.

"W-wag."

Bigla siyang tumigil tapos natawa siya.

O_______O

TUMAWA SI DRAKE.

Dali dali kong nilabas yung phone ko at vinideohan. Sheet. Precious moment captivated!! Minsa lang to mangyari!! Once in a pink moon!! Buti na videohan ko.

After exactly five seconds, tumigil siya at balik na naman sa The Drake Palma Face niya. -__-

"Bakit mo ko pinagtawanan??" sabi ko para hindi halatang mejo kinilig ako sa tawa niya. Ang hot niya naman kasing tumawa. Why???

Mejo natawa ulit siya pero pinigilan niya, "because you're funny."

"And why so??"

"Is it your first kiss?"

"H-hindi."

OMG bakit po ako nagsinungaling? Huhuhu. Baka kasi pagtawanan ako ni Drake pag sinabi kong oo eh.

Pinitik niya yung noo ko.

Sheet.

Bakit kahit mejo masakit, kinikilig ako?? Masokista na ba ako?? O____O Kinikilig ako pag nasasaktan ako??

"Liar."

"Hindi ako nagsisinungaling noh! May first kiss na talaga ako!!"

"By whom?"

"B-by.. Sheen. Yes. My first kiss belongs to Sheen."

Sorry, Loves. White lie. Hehehe. Lilibre na lang kita bukas. *u*

Tapos parang hangin, biglang nagbago ang ihip ni Drake. Tumayo siya tapos biglang naglakad paalis.

HOOOOO! Success! Akala ko mawawala ang first kiss ko ngayon!! Takot ko lang na maipadala sa US kasama ni Dane noh.

calling..

Ayayayayayang Panget

"Walangya ka, iniwan mo kami dito!! Aba gabi na!"

("Hehehe. Besh, nanonood kami ni Tito Steve ng Dear Spongebob eh.")

"Tapos hindi mo man lang ako inaya?? Anong klase kang best friend??"

("Sorry naman, Besh! Nagsisimula na kasi tsaka-- hala mamaya na kita tatawagan. Nandito na sa part na nag iiyakan si Squidward at Spongebob!")

"Aba---"

Hindi na ako nakatapos sa sasabihin ko kasi bukod sa pinatayan ako ni Aya ng cellphone (ang bastos na babae talaga nito!!), bigla akong napatalikod dahil hinatak ako ni--- "Drake??"

"I've decided."

"Huh?"

"Sheen's your first kiss."

=___=

"And i don't care."

+___+

"I don't care din."

"But i will be first here," sabi niya tapos hinalikan niya yung noo ko, "and here," tapos kiniss niya yung temple ko, "and here," tapos yung ilong ko, "and here," tapos kiniss niya yung gilid ng mata ko," sabi niya, "and here," tapos kiniss niya yung gilid ng lips ko omg muntik na!! "And... here," tapos hinalikan niya yung leeg ko.

O_____O

Wildest palpitation i have ever felt.

"I am territorial."

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon