Chapter 10

666 13 3
                                    

Nagmamadaling pumasok si Akira sa loob ng Café ni Chad. Medyo marami na ding tao sa loob. Sa labas palang ay rinig na ang masayang usapan ng mga tao. Pilit niyang hinahanap si Chad sa pagitan ng mga tao doon. Hindi naman siya nabigo. Natanaw niya ang binatang naglalakad. Tatawagin na sana niya ito upang ipaalam na narito na siya nang lumapit ito kay Johana. Niyakap naman ito ng kaibigan niya. Matapos ang saglit na pagyakap ng mga ito sa isat-isa ay inakbayan ni Chad si Johana habang masayang nakikipag-usap sa ibang taong naroon. Napansin ni Akira ang saya sa mga mukha ni Chad maging ng kaibigan niya.


Napahawak bigla si Akira sa dibdib. Tila huminto ang lahat para sa kanya. Tumigil ang oras sa paligid niya. Nagmistulang slow motion ang lahat. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang dibdib niya at naninikip. Nangingilid na din ang luha sa mga mata niya. Nasasaktan ba siya sa nakikita niya? Nagseselos ba siya kay Johana? Kung nasasaktan siya, bakit? At kung nagseselos siya, bakit din? Alam naman niya na noon pa man ay lapitin na ng lalaki ang kaibigan niya. Normal na makita ito na may kasamang ibang lalaki. Pero bakit ngayon gusto niyang ilayo si Chad kay Johana? Bakit gusto niyang hilahin ito palapit sa kanya.


Nung makita niya si James at Nicole na magkasama ay hindi naman ganito ang naramdaman niya. Mahal niya si James noon pa man pero bakit hindi siya nasaktan ng ganito?. Hindi niya mahal si Chad kaya bakit siya nasasaktan?


O hindi nga ba niya mahal si Chad?


"'Aki, anong ginagawa mo dito? Dun tayo"' isang kamay ang humawak sa braso niya.


Napatingin siya dito. Si Allison ang nalingunan niya. Imbes na sumama dito ay tumakbo siya paalis sa lugar na iyon. Ayaw muna niyang makipag-usap kahit na kanino sa mga kaibigan niya.


"Lord, alam ko po normal lang sa buhay ang masaktan, pero sana naman po wag paulit-ulit" usal ni Akira sa sarili nang tuluyan nang makalabas ng Café.


***


Nagtataka naman si Allison kung bakit parang estatwa ang kaibigan niyang si Akira na nakatayo lang sa gitna. Napansin niyang nakatingin ito sa bahagi nila Chad. Nang kuhanin niya ang atensyon ni Akira at lingunin siya nito ay napansin niyang naiyak pala ito. Bago pa siya makapagtanong ay nagtatakbo na ito palabas ng Café. Hindi naman alam ni Allison ang gagawin. Kung susundan ba niya si Akira o tatawagin si Chad. Mas minabuti niyang tawagin si Chad dahil mukhang ito ang problema ng kaibigan niya.


"Chad, I need you help" tawag pansin niya dito. "'It's about Akira"


"What happened to Akira?'' nag-aalang tanong nito.


"'I saw her kanina na nakatayo lang sa gitna na parang estatwa habang nakatingin sa gawi niyo then nung tawagin ko siya at makita niya ako bigla na lang siya nagtatakbo na umiiyak. "


"I think we need to find her" sabi ni Johana sa kanila. Nagmamadali naman silang lumabas na tatlo sa café matapos magbilin ni Chad sa tauhan nito.


Nilibot nila ang paningin sa labas ng Café upang hanapin si Akira. Nakita naman nila ito na parang wala sa sariling naglalakad at patawid sa kalsada.


Marahil ay wala talaga sa sarili si Akira dahil kahit na naka Go signa ang mga sasakyan ay tumawid pa rin ito sa kalsada. Muntik na itong masagasaan kung hindi lamang mabilis na nakatakbo si Chad at hilahin ito palayo sa mga sasakyan. Napatili naman sina Johana at Allison nang magpagulong gulong ang dalawa.

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon