Chapter 4

588 10 2
                                    

"So kelan ko naman makikilala si Nicole?" tanong niya kay James. Sinundo siya nito sa bahay upang yayaing lumabas. Hindi niya rin naman alam kung bakit pa siya sumasama rito. Maybe because she doesn't want him to realize what she really feel. Or maybe she's just still the stupid girl who's madly inlove with him.


"Next month ang dating niya from Paris. She's a model."


"Wow! Model! She must be pretty then." Aniya na may pekeng ngiti.


"Yeah. Super! Ang dami ko ngang karibal sa kanya eh. Pero ako pa din ang pinili niya." Halata ang pagmamalaki sa boses nito.


Ouch! Hindi man lang itinanggi.


"Ang swerte mo naman pala eh." Hindi makatinging sabi niya rito. Ang inorder na Coffeejelly na lang ang binalingan niya.


"Yeah. Ikaw may boyfriend ka na ba?"


"Wala eh"


"What do you mean wala? Wala as in break na kayo or wala na wala kang boyfriend?" nagtatakang tanong nito.


Itinigil niya ang paglalaro sa Coffeejelly niya at tumingin rito.


"Wala as in never pa ako nagkaboyfriend"


Halata naman ang gulat sa mukha nito.


"Why? Don't tell me sineryoso mo ang pagkakasundo satin ng pamilya natin? That's stupid." Naiiling na sabi nito.


Oo naman. Ikaw lang naman itong hindi sumeryoso eh.


Iyon sana ang gusto niyang sabihin but instead she decided not to.


"Hindi ah. Wala lang talaga akong time sa pakikipagrelasyon. Never ko namang sineryoso iyon eh."


"Yeah. Tayo dapat ang magdedecide sa future natin at hindi sila."


Pilit na ngumiti lang siya sa sinabi nito. Wala nga yata talaga siyang pag-asa na mamahalin siya nito. For him, she's still the little girl na kalaro nito noon. His bestfriend. His childhood friend. No more, no less.


"Anong plano mo habang nandito ka?"


"Well, balak ko sanang magbakasyon dito. Maglibot libot. Masasamahan mo kaya ako?" tanong nito sa kanya.

 

Nagulat naman siya bigla sa request nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.


"Ha? Ano kasi…"


"Pleaseeee…" ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Pakiramdam niya ay may boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya.


Shocks! Hawak sa kamay palang iyan ah. Paano pa kaya kung halikan niya ako?


Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon