Chapter 7

497 8 1
                                    

Nakikipagkita si James sa kaniya nang araw na iyon. Tinext siya nito na magkita sila sa Café na malapit sa opisina nila. Pagdating niya sa loob ng Café ay naroon na ito. Kahit na medyo maraming tao sa loob ng Café ay nangingibabaw ang kagwapuhan ng lalaki. Pansin nga niya na pinagtitinginan na ito ng karamihan sa mga customers. Napabuntong-hininga muna siya bago lapitan ang binata.



"Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Kararating ko lang. Inorderan na kita ng Coffeejelly. If you don't mind"

"Thank you. Bakit ka nga pala nakipagkita ngayon? May sasabihin ka ba?" kinakabahang tanong niya.

Tinitigan siya nito bago nagsalita.

"It's about us" panimula nito. "I want to propose on Nicole next week. Pero bago iyon gusto ko munang ayusin ang tungkol satin. I want you to help me Aki" sabi nito at hinawakan pa ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

Heto na yun eh

"Ano bang pwede kong maitulong sayo?"

"Gusto kong kausapin ang mga family natin. You know about our engagement right? At alam kong hindi sila papayag na magpakasal ako kay Nicole hanggat engaged tayong dalawa"

Yun nga eh. Engaged tayo pero iba ang pakakasalanan mo. Ang unfair mo!

Gustong-gusto na niyang umiyak. Gusto niyang murahin si James. Gusto niyang magwala pero pinigilan niya ang sarili niya. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harapan ng lahat ng tao lalo na sa harapan ni James.

"So anong gusto mong gawin ko?"

"Tulungan mo akong magpaliwanag sa kanila. Gusto kong matanggap nila si Nicole. Alam ko kasi na ikaw ang gusto ng family ko. Understandable naman iyon dahil kilala ka na nila mula pa noon. I wish ganun din ako pero si Nicole kasi talaga ang mahal ko and you are my bestfriend"

Tama na James! Tama na! Ang sakit sakit na eh! Oo na! Siya na ang mahal mo! Kaibigan mo lang ako! Huwag mo na masyadong ipangandalakan. Nasasaktan na ako eh!



"Sure. Yun lang pala eh. Mag-organize ka ng family dinner. Isama mo si Nicole. Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanila." Nakangiting sabi niya.



Kaya mo yan Akira! Ngiti pa! Matapang ka diba?!

"Thank you Aki. Sabi ko na eh the best ka talaga!" tuwang tuwang sabi ni James.

"Oo naman! Ako pa!"

Biglang tumunog ang cellphone ni James. Binasa muna nito ang natanggap na text message.

"Sorry Aki, I've got to go. That was Nicole. Nagpapasundo siya sakin eh. Pupunta daw sya sa mga friends niya dito." Paalam nito.

"Sure. Go ahead. Dito na muna ako. Magkikita din kami ni Allison dito eh" pagtataboy niya dito.

Nakangiting umalis na si James. Naiwan naman siyang nag-iisa sa loob ng Café. Nagsinungaling siya rito na magkikita sila ni Allison. Ang totoo ay hindi naman talaga. Ayaw lang niyang magmukhang kawawa.



Yan ang hirap sayo eh! Masyadong mataas ang pride mo. Kaya nga hindi mo magawang aminin kay James ang nararamdaman mo dahil takot kang kaawaan niya.

"Akira?"

Iyon ang pumutol sa pagmumuni-muni niya.

"Ikaw na naman?" as usual it's Chad. Bakit ba palagi nalang niyang nakikita itong pakalat kalat?

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon