Chapter 2

986 18 1
                                    

Naiiling nalang si Akira nang marinig ang problema ng kaibigan niyang si Johana. Sumabay pa si Aiesha sa pagkakaroon ng problema. Nandito silang lahat na magkakaibigan sa restaurant na pag-aari ni Razel. Isa pa niyang kaibigan. Actually walo sila sa grupo na magkakaibigan na simula pa noong kolehiyo pa lamang sila at kahit pawang mga tapos na ay nanatili silang magkakaibigan pa din.

"Bakit kaya hindi mo nalang sila pagsabay-sabayin para di ka na namumublema diyan?"

Si Razel ay isa ng chef at ngayon nga ay pag-aari nito ang restaurant na tinatambayan nila. Minsan may pagkaluka luka at maldita pero masarap namang kausap.

"Sira ulo ka ba? Hindi ko kayang gawin yun noh! Naniniwala pa din ako sa karma"

Si Johana naman ay isang government employee sa Taguig. Sa Admin Department yata ito nakaassign. Ito ang babaeng kung magpalit ng lalake ay akala mo nagpapalit lang ng damit. Anito hindi pa nito nakikita ang one true love nito.

"Ngayon ka lang naniwala sa karma after all these years ah" tumatawang sabi ni Phoebe Ann.

Isa namang freelance architect ito. Madalas ay kung saan saang parte ito ng mundo napapadpad dahil sa kagustuhan nitong makakuha ng ideas. Ito ang pinakamasarap kausap dahil laging positive ang tingin nito sa buhay.


"Oo nga. Tama si Phoebe…eh since college tayo dedma lang sayo kapag nakasakit ka ng lalake eh." Sabi naman ni Demi. Isang flight attendant naman ito. Isa sa kaibigan niyang biniyayaan ng magandang mukha at katawan pero zero pa din ang love life.


"Pero okay din naman yung suggestion ni Razel. Pagsabay-sabayin mo sila" ani naman ni Bea. Kasalukyan itong walang trabaho. Only child lang naman kasi ito at mayaman.

"Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa ni Razel?"

"One at a time lang kasi. Kilalanin mo muna silang tatlo mabuti. Then ask yourself kung ano ba talaga ang nararamdaman mo at sino ba sa kanila ang talagang gusto mo" sagot ni Akira.


Napansin niyang napatanga ang lahat ng kaibigan niya sa kanya.

"Aki, kumain ka na ba?" tanong ni Aiesha. Ang kaibigan niyang may lahing Tsekwa pero hindi mukhang intsik dahil bilugan ang mata.

"Nilalagnat ka ba?"

"Okay ka lang ba?"

"Nakainom ka na ba ng gamot mo?"

Sunod sunod na tanong ng mga kaibigan niya.

"Hindi pa ako kumakain, hindi ako nilalagnat at okay lang ako. Bakit ba?"

"Well…ngayon ka lang kasi kami may narinig na matino sayo maliban sa pagkain eh. Hindi kaya end of the world na?"

"Hay naku ewan ko sa inyo. Diyan na nga kayo. Kayo ang di matino kausap eh." Aniya at nilayasan na ang mga kaibigan. Minsan na nga lang siya magsalita ng matino ay babarahin pa siya ng mga ito. Maghahanap na lang siya ng makakainang iba.

***

"Hoy Akira! Natutulog ka na naman. Kung hindi ka kumakain, natutulog ka naman. Anong klaseng tao ka?" sita kay Akira ng kaibigang si Razel.

"Ang tanong Raz, tao nga ba yan si Akira?" pang-aasar naman dito ni Johana.


"Kayong dalawa wala na kayong ibang nakita kundi ako" nakakunot ang noong sabi ni Akira sa dalawang kaibigan.

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon