Chapter 1

2K 22 2
                                    

Minsan may mga tao tayong makilala...magiging parte ng buhay natin. Pwedeng maging kaaway..pwede rin namang kaibigan. Pwedeng pangmatagalan...pwede rin namang sandali lang. Pero alam mo kung ano ang masakit dun? Yung taong ibinigay para magkaroon ng malaking parte sa buhay natin pero agad din namang babawiin.

"Tell me Akira, have you ever been inlove?" usisa kay Akira ng kaibigan nyang si Allison. Papunta sila sa opisina ngayon.

"Love? Nakakain ba yun?" nakatawang sabi ni Akira.

"Eto naman ang seryoso ng tanong ko namimilosopo" sabi ni Allison at marahang hinampas pa ang balikat niya.

"Aray ah.. talagang may hampas factor pa?"

"Ikaw naman kasi eh" nakalabing sabi pa nito.

Tinawanan nalang ni Akira ang kaibigan. Wala siyang balak na patulan ang tanong nito.

It's been three years na din magmula ng magtrabaho siya bilang writer dito sa Daydreamers Haven kaya naging kabiruan na niya ang mga kasamahang writer, editor at empleyado rito. Si Allison naman ay tulad niyang writer din doon. Actually, ito nga ang naghikayat sa kanya na mag-apply bilang writer kahit na Psychology Graduate siya.

"Hi Akira, magpapasa ka?" tanong ng secretary ng Daydreamers Haven na si Mae.

"Oo Mae...sa wakas naapruban din yung series na ginawa ko" nakangiting sabi niya rito.

"Really? That's good to hear"

Isa nga pala siyang writer dito sa Daydreamers Haven. Pocketbook writer to be exact and as of now masaya naman siya sa trabaho niya. Bata palang kasi eh hilig na niya ang magsulat, kaya naman ng mabasa niya sa website nila na naghahanap sila ng writers eh agad niyang hinanap sa baul ang mga ginawa niyang story nung highschool at college.

Naaalala pa niya nung time na nagpasa siya sa kanila ng kwentong gawa niya..

"What's your name again?" tanong nung nasa gitna.

"Akira po"

Tatlo pala ang magchecheck ng story kung makakapasa siya. Mukhang ang hirap pa naman nila i-please.

Yung nasa kanan, ang cute niya. Smiling face pa pero pakiramdam ni Akira the way she looked at her... kakaiba. Parang inaarok niya ang buong pagkatao mo..

Yung nasa gitna naman, maganda nga pero hindi naman ngumingiti. Parang ang sungit sungit niya.

Yung nasa kaliwa naman mukhang bored na bored na sa buhay niya.

Mukhang dun lang siya makakapasa sa smiling face eh.

"Well Akira.. actually hindi kami ang nagpoproof read ng story...pero nung medyo bored ako eh binasa ko yung sinubmit mong kwento. And I can say that it caught my interest" sabi nung babaeng palangiti.

Natuwa naman si Akira sa narinig.

"Talaga po" tuwang tuwang sabi niya.

"Yup. Kaya naman sinabi ko sa dalawang co-editors ko na basahin din ang story mo and nagustuhan din naman nila"

"Really? Wow thank you po"

"Pero since di ka naman pala graduate ng Mass Com or Journalism under observations ka pa" sabi nung babaeng mukhang masungit.

"Okay lang po. Maraming salamat po"

"Pwede na ba akong umuwe? Gusto ko na talagang matulog eh. Alam niyo bang 64 hours na akong walang tulog?" reklamo nung isang babaeng mukhang bored sa buhay.

"Sige na nga Queen.. lumayas ka na..at pwede ba maligo ka" pagtataboy nung babaeng masungit.

"Hindi pa naman ako mabaho ah" tanggi nito at inamoy pa ang sarili "Welcome to the Company Miss" bati pa nito sakin bago umalis. "Hindi na kita iseshake hands.. mabaho daw ako sabi ni Empress eh"

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon