Epilogue

673 12 2
                                    

Araw ng kasal nila James at Nicole. Invited si Akira. Isa siya sa mga bridesmaid. Kahit na asar siya kay Nicole ay nagawa na niyang maging civil dito. Naiintindihan niya na ngayon si Nicole. Tulad niya ay nagmamahal din ito. Mahal lang siguro talaga nito si James kaya nagawa nitong awayin siya. Nagselos ito sa kanya. Kung hindi siguro naging sila ni Chad o kung hindi niya naramdamang mahal niya si Chad ay hindi niya maiintindihan si Nicole.



She admits Nicole is very pretty. Lalo na ngayong nakasuot ito ng wedding gown. Naniniwala si Akira na lahat ng babae ay gumaganda kapag nakasuot ng wedding gown. But she thinks Nicole is more beautiful. Mas lalong naenhance ang kagandahan nito.



"Hi there pretty girl" nakangiting mukha ni Chad ang bumungad sa kanya. Isang masuyong halik sa labi ang ibinigay nito sa kanya. Ipinulupot naman niya ang braso sa leeg nito.



"Hello there handsome" ganting bati niya rito.



Imbitado din ito sa kasal nila James at Nicole.



"Regretting something?" tanong ni Chad sa kanya habang nakatingin sa mga bagong kasal. Alam niyang si James ang tinutukoy nito.



"Jealous?" pang-aasar niya sa nobyo.



"Of course not. Mas gwapo naman ako dun" sagot nito subalit alam niyang bakas ang pagseselos sa boses nito.



Niyakap niya ito at hinalikan sa mga labi.



"I love you. Only you. Kaya huwag mo ng pagselosan si James. Mas gwapo ka naman sa kanya eh" tumatawang sabi niya sa nobyo.



"Talaga? So that means you're gonna marry me?" itinaas taas pa ni Chad ang kilay nito.



"Wait, are you proposing to me now?" gulat na tanong niya.



"No" direktang sagot ni Chad. Isang hampas sa dibdib tuloy ang ibinigay niya dito. Tumatawang hinawakan naman ni Chad ang kamay niya. "Aww. Bayolente naman nito. I'm just saying that I'm not proposing to you now. Not now. I don't have the ring on me"




Nagulat siya sa isinagot ni Chad. "So you're saying that you're planning to propose to me? You're gonna marry me?"



Tinignan naman siya ni Chad na parang hindi ito makapaniwala sa naging sagot niya.



"Silly! Of course I want to marry you. I'm dead serious to you, you know that. If you have any doubts to me we can get married now" seryosong sambit ni Chad.



Tila wala namang pagsidlan ang kaligayahang nag-uumapaw sa dibdib ni Akira. She couldn't stop herself she pulled him and kissed him fully on the lips with everybody watching them. She is proud to have him in her life.



"I love you Boyfriend. Thank you for coming into my life"



"I love you more Girlfriend. Thank you for letting me in your life"



And he kissed her again for the entire world to see.



-shinayawaara



=The End=

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon