Chapter 8

478 12 1
                                    

"Ano bang meron ngayon at nagpatawag kayo ng dinner Kumare?" tanong sa kanya ng Ama ni James.



Kasalukuyan silang nasa bahay ngayon. Nirequest niya sa mga magulang na imbitahan ang mga ito. Ngayon niya na sasabihin sa mga ito ang tungkol sa cancelled engagement nila ni James. Maging ang mga magulang niya ay walang nalalaman sa sasabihin niya.



"Hindi ko nga alam kung anong meron Kumpare. Basta sabi nitong inaanak niyo eh gusto daw niya kayong makausap." Sagot naman ng Papa niya.



"Nasaan ba si James? Hindi niyo ba siya kasama?" tanong naman ng Mama niya.



"Ewan ko ba sa batang iyon. Ang sabi niya ay susunod na lang daw siya. May dadaanan lang daw muna siya" sagot ng Ina ni James.



Siya naman ang binalingan ng mga ito.



"Ipaplano niyo na ba ang kasal niyong dalawa ni James kaya niyo kami pinatawag ngayon?"



"Oh My Gosh! I'm so happy for both of you!"



"Matutuloy na ang pagiging magbalae natin"



"Titignan ko lang po kung okay na yung pagkain natin" iwas niya. Baka kung saan saan pa mapunta ang usapan ng mga ito. Mas mabuti nang umiwas na muna siya at baka may masabi pa siyang hindi dapat.



Mula sa kusina ay dinig niya ang masayang paguusap ng mga magulang niya at ng magulang ni James. Pakiramdam tuloy niya ay inuusig siya ng kunsensya niya.



Tama lang itong gagawin ko. Para matapos na ang lahat.Nasaan na ba kasi iyong si James?



Speaking of the devil ay tumunog ang cellphone niya. May text message galing kay James. On the way na daw ito at si Nicole. Simpleng okay lang ang nireply niya dito.



Maya maya ay bigla uling tumunog ang cellphone niya. Ang buong akala niya ay si James ang tumatawag subalit ang kaibigang si Johana pala.



"Oh bakit?" bungad niya nang makalabas siya ng bahay. Ayaw niyang may makarinig sa paguusapan nila ni Johana.



"Saan ka? Date tayo libre kita." Anito sa kabilang linya.



"Okay ka lang? Ikaw manlilibre? Eh hanggang ngayon nga hindi mo pa makalimutan yung utang ko sayo" hindi makapaniwalang sabi niya. Imposibleng manlilibre ito ng walang dahilan. Malamang ay may pinagdadaanan na namang problema ito.



"Ikaw na nga itong ililibre eh dami pang reklamo"



"Hindi ako pwede may family dinner kami." Sagot niya. Gustuhin man niyang ilibre nito ay wala siyang magagawa.



"Ahh ganun ba oh siya sige goodluck sa family dinner niyo." Anito at akmang ibababa na ang tawag nang pigilan niya.



"Jho, kasama sa dinner si Nicole" inporma niya.



"What??? At bakit? Akala ko ba family dinner iyan? Kelan pa nagging part ng family ang bruhildang iyan?"



Ipinaliwanag niya dito kung ano ang purpose ng dinner na iyon. Kung bakit kahit labag sa loob niya ay sasabihin niya. Para sa kaligayahan ni James.



"Eh paano naman ang kaligayahan mo? Aba Akira pinapabaril ang martir sa Luneta" sermon nito.



"Eh anong gusto mong gawin ko diba? Ayaw niya nga sakin"



Shocks! Pakiramdam niya ay maiiyak yata siya.



"Tatagan mo ang loob mo. Akong bahala sayo. Sige na bye na may kakausapin pa ako" anito at agad na siyang binabaan ng tawag. Tignan mo yung babaeng iyon. Kung kelan kailangan niya ng kausap ay saka siya iiwanan.



Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon