Chapter 3

711 18 2
                                    

"Kelan ka pa dumating?" tanong niya sa binata. Nasa kotse siya nito. Matapos nilang iwan ang natulalang dalawang kaibigan niya ay niyaya niyang umalis si James dahil anito ay gusto siya nitong makausap.

"Kahapon lang and balak sana nga kitang puntahan sa inyo ngayon. Napadaan lang ako dun sa coffeeshop kung saan kita nakita. Hindi ko naman akalain na nandun ka pala."

Halos walang pinagkaiba si James mula nung huli niya itong makita. Maliban nalang sa mas tumangkad ito ngayon at mas lalong naging gwapo.

"Mukhang nahiyang ka sa America ah"

"Well you can say that. It's good to see you again Akira. Wala ka pa ring pinagbago"

"Nagkakamali ka James. Marami nang nagbago sakin. Hindi na ako yung dating si Akira" Aniya at tumingin sa labas ng bintana. "Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan natin?"

Narinig niyang bumuntong hininga si James bago nagsalita.

"I want you to meet Nicole"

"Who's Nicole?"

"My girlfriend"

"And why should I meet her?"

"Because I'm gonna marry her"

Tumingin siya kay James at ngumiti.

"Sure"

***

Buong maghapong nagkulong lang si Akira sa kwarto. Pagkahatid sa kanya ni James sa bahay nila ay dumiretso na siya sa kwarto niya at doon nagkulong. Sinabi niya nalang sa Mama niya na masakit ang ulo niya at huwag siyang istorbohin. Hindi niya napigilang umiyak sa sobrang sakit na nararamdaman. After five years na hindi sila nagkita ni James ay uuwe ito para sabihing ipapakilala siya nito sa girlfriend nito dahil magpapakasal na ang mga ito. Gustong gusto niyang umiyak kanina pa pero pinigilan lang niya ang sarili niya. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa paningin ni James.

Bata palang sila ay magkaibigan na sila ni James. They even consider themselves as best of friends. Palibhasa ay magkakaibigan din ang mga Lolo nila. Masayang kasama si James kahit na may pagkasuplado ito at tahimik. Sa katunayan ay spoiled siya dito noong mga bata pa sila. Madalas na siya ang nasusunod. Mabait sa kanya si James palibhasa ay pareho lang sila na iisang anak. Sa katunayan ay ito ang fist love niya. Subalit hindi niya iyon ipinapaalam kahit kanino. Umaasa siya na darating ang araw na silang dalawa din ni James ang magkakatuluyan. Subalit nagbago ang lahat nung araw ng graduation nila ni James sa highschool. Nagkaroon sila ng family dinner kasama ang pamilya ni James at doon nila nalaman na matagal na pala silang ipinagkasundo ng mga Lolo nila. Matalik na magkaibigan ang mga ito at nagkaroon sila ng kasunduan na ipagkakasundo nila ang mga anak nila subalit parehong isang lalaki ang naging anak ng mga ito kaya naman silang mga apo ang magtutuloy ng kasunduan na iyon. Walang problema kay Akira ang nalaman niya dahil noon pa man ay may gusto na siya kay James at inaasahan niya na magiging okay din kay James ang kasunduan dahil matagal na naman silang magkakilala. Subalit iba ang naging reaksyon ni James sa inaasahan niya. Doon niya nakitang nagalit si James ng sobra. Nagalit ito dahil pinangunahan ang desisyon nito sa taong mamahalin at makakasama sa buhay. Dahil sa pangyayareng iyon ay inatake sa puso ang Lolo ni James. Mabuti na nga lamang at naagapan ito kaagad. Binilinan na lang ng doctor na wag bigyan ng sama ng loob ito at iwasang mastress. Wala nang nagawa si James. Mahal na mahal nito ang Lolo nito kaya napilitan itong pumayag sa kasunduan nila. Subalit kinausap siya nito at sinabi na hindi ito papayag na magpakasal sila. Magpanggap na lang daw muna sila na kunwari ay sumusunod sa gusto ng mga ito pero Malaya pa rin silang gawin ang mga gusto nilang gawin sa buhay. Hindi daw papaya si James na may ibang tao na magdidikta ng kasiyahan nito.

Napilitan siyang pumayag dito at sumang-ayon na pareho sila ng desisyon. Masyadong masakit para sa kanya ang hantarang pagtanggi ni James na pakasalan siya kaya naman hinding hindi niya na ipinaalam dito ang nararamdaman niya.

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon