Chapter 14

164 10 0
                                    


May customer na lagi akong tinatawag. Iniisa isa niya ang mga orders niya. Kapag iba naman ang nag se-serve sa kanya ay hindi niya sinasabi rito kung ano ang kailangan niya. Sinadya kong iwasan siya dahil nakikita kong mukhang lasing na rin.

May tumawag sa akin sa kabilang table. Madadaanan ko ang lamesa ng customer na laging tumatawag sa akin. Dala ko ang tray ng beers. May limang beers ang dala ko. Hindi naman ako nahihirapan pero nang dumaan na ako banda sa kanya ay nabitawan ko ang dala.

Hinipuan lang naman ako ng lalaki. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang tray. Gumawa ng ingay at komosyon ang nangyari.

Kung hindi pa ako dinaluhan ni Tina ay hindi pa ako nakagalaw. Natulala ako sa ginawa ng lalaki.

"Ayos ka lang?" tanong ni Tina.

Nakita ko na papalapit sa amin ang security ni madame. Tumango ako kay Tina at dinapton ang basag na mga bote sa sahig.

"What's happening?"

Napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Rod. Sa naglalakihang mga bouncers ni madame na nasa harapan ko ay kitang kita ko pa rin ang galit na mukha ni Rod.

Nang makita niya ako na nagpupulot ng bubog sa sahig ay agad niyang hinawakan ang braso ko at pinatayo niya ako. Tinignan niya rin ako kung may nangyari ba sa akin.

Narinig ko ang pagprotesta ng lalaki nang in-escort siya ng mga bouncers palabas.

May mga sinasabi siya sa mga bouncers pero hindi ito pinakinggan ng mga bpuncers at giniya pa rin siya sa labas.

Naramdaman ko ang paghawak ni Rod sa kamay ko at hinila niya ako paalis sa lugar. Nakita ko pa ang mga titig ni Tina sa amin.

Bigla tuloy akong nahiya dahil sa pag alis ko. May mga aayusin pa ako roon. Lilinisin ko ang mga bubog na nagkalat sa sahig.

Pero wala akong magawa dahil hila hila ako ni Rod. Sa fire exit kami dumaan. Paglabas namin ay bumungad agad ang kotse niya.

Pinasakay niya ako sa loob. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero parang feeling ko ay galit na galit siya.

Nang nasa driver seat na siya ay kinabit niya ang kanyang seatbelt at agad na pinaandar ang kanyang sasakyan.

Wala siyang imik buong byahe. Nakikita ko rin kung paano niya hawakan ang manibela. Dumidiin ang pagkahawak niya na lumalabas ang mga ugat niya sa kamay.

Hindi na lamang ako nagsasalita. Kahit na kinakabahan dahil sa mabilis niyang pagmamaneho. Ilang sandali lang ay nasa unit na niya kami. Pagpasok namin ay agad siyang nagtungo sa kanyang bar area at nagsalin sa bason. Inisang lagok niya ang laman ng baso.

Ako naman ay nasa gilid lang. Nakatayo at pinagmamasdan siya.

Pagkatapos niyang uminom ay itinukod niya ang dalawang kamay sa counter at nakayuko lang. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nasa harapan niya ako ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya at doon lang umangat ang ulo niya.

"May problema ba?" marahan kong tanong.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago umiling at mapakla na ngumiti.

Bahagya niya akong hinila at siniil ng halik. Isang banayad na halik na nagpatayo ng mumunting balahibo sa aking katawan. Ilang segundo itong nagtagal.

"I'm angry. Kailangan kong lumayo sa lalaking iyon dahil baka kung anong magawa ko sa kanya."

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Marahang minamasahe. Gusto kong humingi ng paumanhin kay Rod dahil sa akin na-s-stress siya ng ganito.

"Hayaan mo na. Panigurado naman na ginawan na ng paraan ni madame iyon. Hinding hindi na iyon makakapasok sa club."

Tinitigan niya ako. Naiilang ako dahil sa seyoso niyang titig sa akin.

"Can you stop your job at the club? Sa akin ka nalang magtrabaho. Makakasiguro pa ako na ligtas ka at walang mambabastos sa'yo. Plus, I can see you everyday."

Nakakatukso ang gusto niyang mangyari pero alam ko sa sarili ko kung saan ako lulugar. Oo, magtatrabaho ako pero hanggang paglilinis lang ng kubita ang kaya ko. At kapag nalaman ng mga empleyado niya ang tungkol sa amin sigurado akong mapapahiya siya. At ayokong mangyari ang ganun.

"Huwag kang mag alala. Hinding hindi na mangyayari 'yun. Hindi papayag si madame na may makapasok na customer na gaya kanina."


Hindi kumbinsido si Rod pero pinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Gusto niyang makausap si Madame para mas mapahigpit pa ang security sa club. Alam sumusubra pero hinayaan ko na lamang siya.

Normal lang sa mga ganoong lugar ang pangyayari gaya nang kanina. Nagulat lang ako dahil kauna unahang pangyayari iyon sa akin.

Simula kasi na nag umpisa ako wala naman akong nakilala na customer na gaya ni kuya. Sa gulat ko lang kaya natulala ako. Pero kung nalaman ko man ang gagawin niya ay hindi na sana ako doon dumaan. O binigay ko nalang sana sa iba ang customers.

Sadyang nagkataon lang ang pangyayari kanina. At hindi naman siguro araw araw na may ganoong customer.

Sa condo na ako nagpalipas ng umaga. Nakatulog na rin ako sa balikat ni Rod. Nasa couch kasi kami. Nakahawak kamay. Alas siyeta nang umaga niya ako hinatid sa bahay.

Hindi na nagtaka si nanay nang dumating ako nang ganoon oras dahil tumawag naman ako sa kanya kanina. Ang mga usyosirang kapitbahay lang naman ang nagbubulung bulungan pero dedma ko na.

Tumawag na rin si Rod kay madame. Hindi na muna ako papapasukin ng isang araw. Nasayangan ako pero iyon ang gusto ni Rod kaya hinayaan ko nalang.

Umakyat na ako sa kwarto at humiga. Pinagpatuloy ko ang pagtulog. Alas singko na nang magising ako. Naramdaman ko kasi na parang may nakatingin sa 'kin.

Paglingon ko sa likuran naka upo si Rod sa gilid ng kama.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I'm worried 'coz you didn't pick up your phone. I called so many times."

"Sorry. Hindi ko na namalayan kasi nakatulog ako."

"It's okay," aniya at hinalikan ako sa noo.

"Let's go downstairs. Nagdala ako ng pagkain."

Tumango ako at masayang bumaba ng kwarto. Ganito pala ang feeling kapag may taong nag aalala sa'yo maliban sa pamilya mo.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now