Chapter 16

172 9 0
                                    

Akala ko dahil hindi kami natuloy ni Rod sa lakad namin ay hindi na siya pupunta rito sa bahay. Pero nagulat nalang ako nang huminto siya sa harapan namin.

Tinawagan niya pala si JR kagabi. Siya na ang kumausap sa kapatid ko.

"Sana hindi ka na nag abala."

"Don't worry. Gusto ko rin naman suportahan si JR."

"Salamat."

Nasa passenger ako at nasa likod si nanay, Riza at JR. Nasabi na rin ni JR sa girlfriend niya ang pagpunta namin. Nakaabang na daw siya sa pagdating namin.

Hindi kalayuan ang kanila kaya agad din naman kaming nakarating. Nasa tapat nga siya ng kanilang bahay. Naka jogging pants ito at croptop. Parang hindi nga buntis.

Nang huminto ang sasakyan sa harapan niya ay nakita akong kakaiba sa itsura niya. Agad nitong sinuri ang sasakyan ni Rod. Unang bumaba si JR. Nilapitan siya ng kapatid ko pero dahil ang atensyon nito ay nasa sasakyan ay hindi niya pinansin si JR.

Hindi ko na lamang iyon pinansin. Bumaba si Rod sasakyan. Sumunod na ako. Hindi ko na siya hinayaan na pagbuksan ako. Si nanay na lamang ang inasikaso ni Rod. Nang makababa na kami ay hindi man lang bumati sa amin. Ang sasakyan at si Rod lang ang napapansin ng babae.

Matimpiin akong tao pero base sa nakikita kong reaksyon ng babae hindi ko nagustuhan. Ni hindi nito ginalang si nanay. Pati kapatid ko ay hindi na nito pinansin. Napataas ang kilay ko sa inasta ng babae. Pero hindi ko na pinahalata.

Si Rod lang ang iginiya niya sa loob. Wala na siyang ibang nakita kundi si Rod. Napabaling si Rod sa akin na may hindi komportableng tingin. Nagkibit lang ako ng balikat at sumunod na sa babae.

Ako ang unang pumasok at pagkatapos ay si JR. Mataray ang tingin ng babae sa akin at ang nanay nito. Tanging ang ama lang nito ang sumalubong at bumati sa amin. At nang pumasok na si Rod ay biglang nagliwanag ang mga mukha ng dalawa. Narinig ko ang pag ismid ni Riza na katabi ko.

"Magandang araw po sa inyo," ako na ang unang nagsalita.

"Magandang araw din sa inyo," magalang na sambit ng tatay noong babae na hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang pangalan.

"Narito po kami ngayon dahil nalaman po namin ang nangyari. Nandito po kami para sabihin po sa inyo na pananagutan ng kapatid ko ang nangyari."

"Aba'y dapat lang. Hindi pwedeng pabayaan nitong kapatid mo ang anak ko. At kung hindi lang din naman tanga itong kapatid mo edi sana maayos pa sana ang buhay ng anak ko. Ang dami ko pang pangarap sa unica hija ko at sinayang lang ng lalaking iyan."

Naputol na ang litid ng pasensiya ko. Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni nanay. Tinignan ko siya at umiling.

"Mawalang galang na po sa inyo misis. Pinalaki kong tama at responsable ang mga anak ko. Kahit na isang kahig isang tuka lang kami ay sinisikap ko na mabuhay at mapag aral ang mga anak ko. Kaya kahit ni isa sa kanila ay walang tanga. Kaya magdahan dahan ho kayo sa pagsasalita ninyo," kalmadong buwelta ni nanay.

Nagtaas ng kilay ang ginang. Gusto pa sanang muling magsalita pero naunahan ito ng asawa.

"Ako na po ang humihingi ng pasensiya sa inyo."

Napaismid ang babae dahil sa sinabi ng asawa.

"Sige. Panagutan ninyo ang anak ko. Pero habang nagbubuntis siya dito lang siya sa bahay. Bawal siya pumunta kung saan saan. Dapat may weekly allowance na matatanggap si Camille. Hindi bababa sa sampung libo. Dapat sagot ninyo lahat ng kakailangin niya sa kanyang pagbubuntis hanggang sa lumaki ang bata. At dapat din pagkapanganak nitong anak ko ay makabalik sa pag aaral. Sayang naman ang ganda ng anak ko kung mag aalaga lang siya ng bata buong magdamag. Ano?"

"Excuse, maam, pero parang sumusobra naman ata 'yang mga kondisyon ninyo. Ten thousand weekly? Para saan po? Atsaka hindi pa nga kami sigurado kung kay kuya 'yang batang dinadala ng anak ninyo e."

"Aba't..."

"Riza."

"Totoo naman ate e. Masama na ang reputasyon ng babaeng 'yan sa school. Kung kani kanino yan lumalandi. Basta may pera doon siya sasama. Ni hindi nga yan niligawan ni kuya tapos mabubuntis agad."

Tinignan ko ang mag ina na nagbubulong bulungan. May kung ano silang pinag uusapan na dalawa. At pagkatapos ay hinarap ng babae si Riza.

"Inggit ka lang, Riza dahil ako ang niligawan ng crush mo. Ang pangit mo kasi kaya walang nagkakagusto sa'yo. Bakit hindi mo nalang aminin—"

"Tama na!"

Napahinto si Camille nang sumigaw si JR. Tumayo ako at nilapitan siya. Kanina pa siya tahimik.

"Totoo ba ang sinabi ni Riza?"

"Totoo ang sinabi ko ate. Noong isang araw nga nakita ko yang babaeng yan na lumabas sa isang motel. May kasamang matandang lalaki. Tapos kinagbihan sinabi ni kuya na buntis siya."

"Riza, ano ba 'yang pinagsasabi mo? So, sinungaling anak ko?"

"As if naman na hindi ninyo alam. Nakita lang ng babaeng yan na hinatid kami ni kuya Rod sa school agad na yang dumikit kay kuya. Tapos ngayon paaakuin niyo kay kuya ang batang dinadala niya."

"Huy! Huwag mo kaming matawag na sinungaling ha. Ipapa baranggay ko kayo!"

"Sige, ho at para magkaalaman na rin tayo."

"Riza, tama na. Magsitigil na kayo. Hindi natin maaayos ito kung magsisigawan tayo."

"Pagsabihan mo 'yang mga anak mo. Kami pa ngayon ang mga sinungaling."

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang sugurin ang mag ina o ang pigilan si Riza dahil mukhang sasabunutan na niya si Camille. At ayokong mag eskandalo rito. Lalo pa't hindi namin teretoryo ito. Ang tatay ni Camille ay kanda awat din sa dalawa. Hindi ito ang inaasahan ko sa pagpunta namin rito. Akala ko magkakasundo kami.

Si Rod na nasa gilid ay nakiawat din sa amin. Nakakahiya sa kanya na nasangkot pa siya sa problema namin. Sana hindi nalang siya sumama rito.

"Just to make this things clear. I'll investigate this. Titignan natin kung sino ang nagsasabi ng totoo. At habang ongoing pa ang pag-iimbestiga ko wala kayong ni piso na matatanggap mula kay JR."

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now