Chapter 1

387 7 0
                                    


 

"Miss, yosi nga."

"Ilan po, boss?"

"Isang stick lang. Magkano ba?"

"Anim na peso lang po."

Binigay ko ang isang stick ng sigarilyo at lighter sa guwardiya ng club. Alas nuweba na ng gabi at nasa labas pa rin ako at nagtitinda ng kung anu-ano.

Kailangan kong kumayod para sa pamilya ko. Hindi ko na inisip kung mapanganib ba ang importante sa akin ngayon ay ang magkapera.

"Boss, pwede bang magtinda sa loob?"

Hindi naman kalakihan ang club pero maraming tao sa loob.

"Bawal kang mag-benta sa loob, miss."

Tumango ako. Kinuha ko ang lighter na pinahiram ko sa kanya at tumingin tingin sa loob.

Napansin iyon ni mamang security guard.

Napangiti na lamang ako.

"Pwede po bang mag-apply d'yan?"

"Ano bang a-apply-an mo?" Tanong niya sabay hagod sa akin ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hilaw naman akong ngumiti kay manong.

"Ano po bang pwedeng apply-an d'yan na may malaking sweldo?"

"Naku, neng, may tatlo kang pwedeng pasukan dito. Kung gusto mong malaking sweldo na pang one time big time pasado ka sa pagiging call girl."

"Ho?! Naku, pass ako d'yan, boss. Hindi po kaya ng sikmura ko ang ganyan, boss. Iba nalang po. Ano po ba iyong pangalawa?"

"Dancer. Malaki din sahod nun."

Napakamot ako sa ulo. Pambihira 'tong si manong ibababoy pa ako.

"Pareho pong kaliwa paa ko e."

Napa-tsk si mamang security guard.

"Mag-waitress ka nalang."

"Talaga po? May bakante po ba?"

"Balik ka bukas ng gabi. Mga ala sais. Magdala ka ng bio data mo."

"Bio data lang po ba kailangan?"

"Oo, 'yun lang."

Ngingiti ngiti ako kay mamang security guard.

"Naku, maraming salamat po."

Masaya akong umalis. At kahit madami ang mga paninda ko ay umuwi na agad ako. Bigla akong na excite e.

May bago na namang raket.

 

*******

  

"Hindi ka ba magtitinda ngayon?"

Naghuhugas ako ng pinagkainan namin. Mga ganitong oras nasa labas na ako at nagtitinda ng samalamig.

Pero absent muna ako ngayon dahil paghahandaan ko ang pagbalik ko sa club mamayang gabi.

Tapos ko na rin na fill up-an iyong bio data na ipapasa ko mamayang gabi.

"Hindi na po muna, 'nay. Maghahanda kasi ako sa a-apply-an ko mamayang gabi."

"Teka, teka, teka! Anong a-apply-an mamayang gabi? May bukas pa ba na kompanya t'wing gabi? Atsaka meron bang tumatanggap ng aplikante ng gabi?"

Nakakunot ang noo ni nanay. Nagtataka marahil.

"May nadaanan po kasi akong club kagabi, 'nay. Bumili sa akin iyong security guard kaya tinanong ko kung may bakante ba sila. Tapos sabi niya meron daw. Waitress po. Kaya pababalikin niya ako ngayong gabi."

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now