Chapter 11

187 8 0
                                    

Tuwing weekdays hindi puno ang club pero marami pa ring customers ang pumupunta rito. Naghahatid ako ng order sa isang table nang matamaan ng paningin ko si Rod na nasa gilid. Mag isa lang siya. Umiinom ng beer.

Hindi ko namalayan na nandito pala siya. Simula kasi nang magbukas ang club ay hindi ako nawawalan ng customers kaya siguro hindi ko siya napansin.

Bigla akong na excite nang makita siya. Alam kong hindi tama pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Sinusubukan kong kumalma dahil ayokong magkamali sa trabaho. Pinipigilan ko ang sarili.

Nang pumatak ang alas dos y media ay nagtungo ako sa locker para magpalit. Maaga ang uwi ko ngayon dahil hindi ko tuka ang mag ayos at maglinis. Sa susunod na linggo pa.

Wala pang sampong minuto ay tapos na agad ako. Ganito ako ka excited. Tinignan lang ako ni Tina nang mapansin ang pagmamadali ko. Tipid lamang akong ngumiti sa kanya atsaka nagpaalam na.

Habang naglalakad ay hindi pa rin humuhupa ang dibdib ko. Parang gusto na nga yata nitong lumabas at sa labas na magtatatalon.

Paglabas ko ng club si Rod agad ang bumungad sa akin. Gusto kong tumakbo at yakapin siya dahil na miss ko siya pero pinigilan ko ulit ang sarili. Ngayong gabi gusto kong linawin sa kanya ang tungkol sa aming dalawa.

Nang makalapit na ako sa kanya ay pinigilan ko ang sarili na yumakap. Binati ko na lamang siya. Binuksan niya ang pintuan nang sasakyan at pumasok ako. Agad naman siyang nakasunod. At nang makapasok na siya sa loob ay agad niya akong hinalikan sa mga labi.

Saglit lang ang paghalik niya at agad ring pinaandar ang sasakyan. Hawak hawak niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Kahit namamawis na ang kamay ko ay hindi niya pa rin ito binibitiwan.

Hanggang sa umabot kami sa eskinita at huminto ang sasakyan niya ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. At tahi-tahimik ng lugar walang ni isang chismosa ang nasa paligid.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagsalita.

"I missed you," aniya. At hinalikan ang kamay ko.

Ilang minuto rin ang tinagal namin doon nang nakalakas loob akong magsalita.

"R-Rod, m-may itatanong lang sana ako?"

"Hmm? What is it?"

Bumuntong hininga muna ako.

"Ano ba tayo?"

Nakita ko na napatigil siya sa naging tanong ko pero agad ding bumawi. Umayos siya ng upo at humarap sa akin. Hinawakan niya ang baba ko para magkatinginan kami sa mata.

"I like you, Reina. Kung ano ang gusto mong itawag sa relasyon na 'to you can call it. But, always remember that I like you so much," aniya at dahan dahan na lumapit sa akin para halikan muli ako sa mga labi.

Sa puntong iyon ay isang romatikong halik ang ibinigay niya sa akin. Saktong alas tres y medya nang bumaba ako ng sasakyan niya.

At habang naglalakad papunta sa bahay ay nakangiti lang ako. I like him too.

ISANG buong linggo ako inabangan ni Rod tuwing uwian. Nagi-guilty nga ako dahil pagod siya sa trabaho tapos nag-aabang pa siya sa akin kung kailan ako matatapos sa club.

Kaya ngayong day off ko ay pumunto ulit ako sa condo niya para ipagluto siya. Binigyan niya ako ng access sa condo niya kaya nakapasok ako. Nasa trabaho pa siya ngayon.

Alam niyang nandito ako kaya feeling ko maaga ang uwi noon. Isang steak ang niluto ko. Ngayon lang ako nakaluto ng ganito dahil wala naman ito sa bahay. Ang mahal kaya ng karne ng baka.

Nagpaturo ako kay chef kung paano lutuin ang steak. Since hindi naman ako marunong dahil pang-sosyal na ang pagkain na 'yan.

Ilang minuto pagkatapos maluto ang steak ay tumunog ang pintuan ng condo ni Rod. Andito na siya.

Hinanda ko na ang lamesa. At saktong pagpasok niya ay tapos na rin ako.

"Hi," bati niya nang makapasok. At nang makalapit saakin ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Hmmm. Smells good. Magbibihis lang ako," aniya muli akong hinalikan.

Nag iiba na naman ang isip ko sa t'wing naririnig ko ang salitang magbibihis. Iba ang nailalarawan nito sa utak ko. Tumango lang ako sa kanya.

"I'll be quick," pahabol niya.

Hinubad ko ang apron na suot at umupo nalang. Inamoy amoy ko pa ang sarili ko dahil baka nangangamoy usok na ako dahil sa niluto.

Pero keri pa naman. Pero sana nagdala ako ng extra shirt.

Mabilis nga lang siya gaya ng sabi niya. Umupo na rin siya sa harapan ko at nagsimula na kaming kumain na dalawa.

Halos ilang oras din kaming natapos dahil napasarap ang kwentuhan.

Siya na rin nag presinta na maghugas ng plato. Gusto ko sanang tumulong pero hindi na niya ako hinayaan.

Around 8 ay naisipan namin manood ng netflix. Pinapili niya ako kung ano ang gustong panoorin pero siya na ang pinapili ko since hindi ko naman alam kung ano ang mga palabas doon.

Wala kaming ganyan sa bahay. TV box lang meron kami. Iyon lang kaya sa budget.

Around 9 nang magpaalam na akong umuwi. Baka kasi hinahanap na ako ni nanay. Ayaw pa sana niya akong pauwiin pero kailangan na kailangan na kasi. May text na akong natanggap mula kay nanay.

"I'll see you tomorrow," aniya nang huminto na siya sa kanto.

Tumango ako at ako na humalik sa kanya. Kinakabahan man pero ginawa ko pa rin. Ngumiti ako sa kanya bago ako bumaba ng kanyang sasakyan.

Naglalakad ako sa kanto. Hindi pa gaano ka lalim ang gabi kaya maraming pang tambay sa labas. Pero nag iinuman nalang at wala na ang mga marites.

Pagdating ko sa bahay si Riza na lamang ang naabutan ko na gising dahil nanonood ng palabas sa TV.

"Si Nanay?" Tanong ko nang makapasok.

"Kanina pa tulog. Saan ka galing, ate at ba't ginabi ka?"

"Sa labas kasama ang kaibigan ng amo ko."

Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay Riza na mauuna dahil pagod na pagod ako.

Nagbihis muna ako bago humiga. Paglapat palang ng likod ko sa kama ay agad na rin akong nakatulog. Hindi ko na namalayan ang text at tawag ni Rod.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now