Chapter 8

197 11 2
                                    


Lumipas ang ilang gabi na wala ako masyadong gana sa trabaho. Pero sinisikap ko pa rin naman na pagbutihin ang lahat.

Nakatanggap na pala ako ng unang sahod ko. Pinamili ko agad ng groceries si nanay atsaka binigay ang sobra sa kanya. Kumuha lang ako ng one thousand pesos pang allowance since meron pa naman akong natitirang pera.

"Reina, paki assist naman ang table number 4. Salamat," saad ni Rolien.

Sa mga kasamahan ko rito siya lang iyong pala ngiti.

Nagpunta agad ako sa table number 4 gaya ng sabi ni Rolien. Labas na ang listahan ko para sa oorderin ng customers.

Pero nagulat ako nang nasa harapan na ako ng table.

Biglang bumagal ang lahat sa paligid.

Bumilis bigla ang tibok ng dibdib ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko. Pinapawisan ang noo ko.

Bakit ganito ang epekto niya sa akin?

Kailan lang ko naman siya nakilala. Hindi ko pa lubos alam ang pagkatao niya pero nagwawala ang loob ko sa presensiya niya.

Napalunok ako. Nanunuyo bigla ang lalamunan ko.

"Can I take your order, sir? Kaswal kong tanong kahit kinakabahan.

Nag order siya ng isang beer. Nagtanong pa ako pero iyon lang ang inorder niya.

Ang yaman yaman iisang beer lang ang order.

Bumalik agad ako at hinatid ang beer niya. Nilapag ko sa lamesa at paalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko.

Napatingin siya sa akin.

"Maghihintay ako sa 'yo sa labas," aniya at binitiwan na agad ako.

Hindi ko nagawang makapag react dahil sa gulat at dahil may ibang customers na ang tumawag sa akin.

Buong gabi akong binagabag nang sinabi niya.

At nang matapos ay hindi agad ako lumabas. Nagpahuli ako.

Naisip ko kasi na kapag nagtagal ako rito ay maiinip siya at aalis na.

Pero bakit nga ba ako iiwas sa kanya. Kung may sasabihin siya sa akin makikinig ako para matapos na.

Huminga ako bago tumayo. Kinuha ko ang bag at lumabas agad.

Nakita ko agad siya pagkalabas.

Hindi na ako nag atubili na lapitan siya.

"Anong kailangan mo?"

"Ihahatid kita sa inyo. Mag usap tayo habang nasa byahe."

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Gaya noong dati.

Pumasok agad ako.

"I'm sorry," aniya.

"Bakit? Bakit ka nag so-sorry?"

"For what I did and for what I said. I'm sorry."

Ibinaling ko nalang ang atensyon sa daan.

"Naging insensitive ako. Hindi ko na naisip na inappropriate na pala ang ginawa ko. Hindi ko lang kasi ma imagine na dinanas mo ang lumabas sa gabi para magtinda. You're a woman for pete's sake. At maraming sira ulo ngayon."

Bakit parang nagpipigil ako ng ngiti.

Napalingon ako sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko. Mas lalong kumakabog ang puso ko dahil sa ginawa niya.

At ang lambot ng kamay niya.

Walang ka kalyo kalyo.

"I wanna know you more, Reina."

*****

Magdamag na paikot ikot sa utak ko ang sinabi ni Rod sa akin. Pati sa panaginip ko ay naririnig ko pa rin ang sinabi niya.

Mabuti nalang at day off ko ngayon.

Masakit kasi ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog agad.

Bumaba ako para kumain.

Alas dyes na kasi ng umaga.

Si nanay lang ang naabutan ko sa baba na nananahi.

"Nasaan ang dalawa, 'nay?"

"Ayun at nagpunta ng eskwelahan. Enrollment na kasi."

"May mga pera po bang dala ang mga 'yun? Ba't hindi niyo ako ginising?"

"May mga pera ang mga 'yun, anak. Alam mo namang nagmana ang mga iyon sa 'yo. Bukod sa masinop ay ma diskarte rin.

Napangiti ako. Iyan kasi ang tinuro ni nanay sa akin noong bata ako. Kapag binibigyan ako ng mga ninong at ninang ko 'pag pasko o di kaya ay ng mga kamag anakan namin kapag bumibisita kami sa kanila tinatago ko ang bigay nilang pera.

Kaya ngayon itinuro ko rin sa mga kapatid ko.

Pumunta ako sa kusina. Kumain ako.

Naghuhugas ako ng pinagkainan nang may marinig na may sasakyan na huminto. Napasilip ako sa bintana ng kusina.

Namilog ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa labas. Dali dali kong pinahid ang mga kamay.

Nanakbo ako sa labas ng bahay. Sa likod na ako dumaan. Hindi kasi napansin ni nanay. Busy sa kanyang pananahi.

Agad akong lumapit kay Rod nang pababa siya ng kanyang magarang sasakyan. May mga kapitbahay na na nagtitinginan.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Binibisita ka."

May pagtataka sa mukha niya nang harangan ko ang pinto ng sasakyan niya para hindi siya tuluyang makalabas ng sasakyan niya.

"Bakit hindi mo nalang ako tinawagan o nag text ka man lang. Pumunta ka pa talaga rito."

"Wala akong number mo."

Natigilan ako. Pero kalaunan ay hiningi ko ang phone niya at ako na ang nag lagay ng number ko.

"Text mo 'ko kung gusto mong makipag kita hindi iyong sumusulpot ka nalang dito basta basta."

"Anong masama kung pupunta ako sa bahay niyo? Is it more proper way to know you?"

Aba't!

"Basta. Huwag dito sa bahay. Sige na. Umalis ka na. Pinagtitinginan na tayo ng mga kapitbahay."

"Pero-"

Tinulak ko ang ulo niya papasok sa loob at ako na rin ang nagsarado ng pintuan ng sasakyan niya. Kinatok ko pa para umalis na.

Napabuntong hininga na lamang nang tuluyan na nga siyang umalis.

Bumalik agad ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko.

Tinignan ko agad cp ko. Dinial ko ang number ko kanina sa cp ni Rod kaya nandito rin sa cp ko ang number niya.

Sinave ko ang number niya.

Naligo na ako pagkatapos. Paglabas ko galing banyo ay tumunog ang cp ko.

Agad nag pop up ang pangalan ni Rod.

"Hello?"

"Pwede ba tayong magkita mamaya? Yayain kitang mag dinner sa labas. Susunduin kita sa inyo."

"Ok. Pero sa kanto ka lang maghintay. Huwag ka ng dumiretso rito."

"Noted. See you tonight."

Parang bumalik ako sa pagka teenager. Kagat kagat ko ang labi habang pinipigilan ang ngiti.

Hindi ko maiwasan ang kiligin.

Nakakapanghina naman kasi ng tuhod itong si Rod. Ang gwapo gwapo.

Akalain mo sa itsura kong 'to hinahanap hanap ako. Taas na ng buhok ko.

Kailangan ko na siguro ang magpagupit.



𖦹𖦹𖦹

𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐅𝐑𝐈𝐃𝐀𝐘

𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐚𝐧𝐝 𝐊𝐄𝐄𝐏 𝐒𝐀𝐅𝐄

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now