Chapter 3

205 6 0
                                    


NAGISING ako bandang alas dose ng tanghali. Gutom naman ngayon ang nagpagising sa 'kin.

At ang mga tao sa bahay wala man lang balak na pakainin ako. Hindi ko rin alam kung anong trip ng mga 'to e.

Naabutan ko si JR na nanonood ng TV sa sala.

"Si nanay?"

"Na kina aleng Sol. May hinatid lang."

"Kumain na kayo?"

"Oo."

Tinignan ko siya ng masama. Naningkit ang mga mata ko. Ba't a ng lamig sumagot ng lalaking 'to.

"Huy! Anong problema mo?"

"Ay, 'te, 'wag mo ng patulan 'yan. Kahapon pa 'yang ganyan. Palibhasa ang crush niya may crush na iba. Kaya ang sungit," saad ni Riza.

Galing siya sa kwarto nila ni nanay. Binelatan niya si JR. Binato naman siya ni JR ng unan pero nakailag si Riza.

"JR, huwag mo munang isipin 'yang crush crush na 'yan. 'Tsaka na kapag graduate ka na. Tiisin mo nalang muna. Okay? 'Tsaka crush lang muna pagka graduate ha 'wag muna mag-asawa. Hayaan niyo ako naman ang mauna sa bagay na 'yun."

Nagtungo ako sa kusina at kumain. Bandang alas dos ng hapon ay bumalik ulit ako sa kwarto at natulog. Mga ala sais na ako nagising at agad na naligo. Kumain na rin ako pagkatapos at nagbihis.

Binilinan ko ulit si JR na huwag na isipin ang crush niya.

Nagpaalam na ako kay nanay. Nakasakay na agad ako at maagang nakarating sa club.

 
 
 
******
 
 
 
Nag-aayos kami ng mga lamesa at upuan. Hindi ko nakita si Tina. Siya kasi ang nauuna rito. Kung may award na most punctual mapupunta iyon kay Tina.

Nagtanong ako sa iba naming kasamahan. Ang sagot lang nila ay day off daw niya.

Sumibol ang konting kaba sa dibdib ko. Pangalawang gabi ko palang ngayon pero wala na si Tina. Nag day off agad.

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pag-aayos.

Nang sumapit ang opening ay agad kaming nabusy lahat.

Biyernes ngayon kaya marami ang mga customers. Tinanim ko sa isip ko ang sinabi ni Tina.

Hindi dapat ako kabahan. Mataranta. Hindi dapat ako pangunahan ng kaba ko dahil iyon ang magpapapangit ng performance ko.

One step at a time lang dapat.

Kahit maraming tumatawag sa akin ay hindi ko pinansin. Nag focus ako sa una kong pinuntahan.

Nakaraos naman ako sa gabi 'yun nga lang ay hindi ako nakapag-break kanina dahil sa dami ng customers.

Sabi rin kasi ni Tina na may incentives daw kapag ikaw ang may maraming customers sa end of the month na inventory.

Kaya nang nasa locker room na ako at naghahanda sa pag uwi ay biglang tumunog ang tiyan ko.

Narinig siguro iyon ng kasama ko kaya napalingon sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"May pagkain pa sa kitchen. Pwede kang kumain pagkaalis mo," aniya at nauna nang umalis sa'kin.

Pansin ko lang sa mga employees dito ay ang mga cold. May mga sariling mundo. Seryosong seryoso sa trabaho nila.

Nagkibit na lamang ako ng balikat at nagpunta sa kitchen.

Naabutan ko pa ang mga cook na busy na rin sa pagliligpit.

May nakapansin sa'kin kaya awkward akong kumaway. Ngumiti siya sa 'kin.

Bigla naman huminto sa pagpintig ang puso ko dahil sa ngiti ni chef. Ang gwapo lang. Kahit madaling araw na at magdamag na nagluto pero ang fresh pa rin niyang tignan.

Nalukot naman ang garter ng panty ko chef.

"Are you hungry?" Aaah!

Pati boses ang gwapo. Ang sexy. Ang hot. Charot!

"M-May pagkain pa po ba?"

Ngumiti siya ulit at may kinuha sa ref.

"Here."

"Thank you, po."

Ngumiti siya ulit.

Naku, chef, baka ikaw ang makain ko ngayon sa kakangiti mo.

Kumain na lamang ako at pagkatapos nagpaalam na. Wala na akong oras na magpa cute kay chef dahil antok na antok na ako.

Alas kwatro na nang madaling araw ako nakauwi. Mag ala una na rin nagising na nakakain.

Ewan ko ba sa mga tao rito sa amin kung bakit hindi ako ginigising kapag kainan na. Pwede naman akong matulog ulit pagkatapos.

Mga bandang alas kuwatro ng hapon nakatulog ulit ako. Mag aala siete na nang magising. Nagmadali ulit ako.

Mabuti nalang at walang traffic dito sa lugar namin at madali lang din makahanap ng masasakyan.

Hindi na ako nakatulong sa pag aayos ng mga lamesa dahil alas otso na nang dumating ako.

Nandito na rin si Tina kaya medyo kumakalma ako.

"Hi," bati ko nang maabutan ko siya sa locker.

"Hi. Ayos ka lang kagabi?"

"Oo. Pero kinabahan talaga ako ng husto noong nalaman ko na wala ka. Pero kinalma ko rin ang sarili dahil naalala ko iyong sinabi mo sa akin noong unang gabi ko."

Tumango lang siya at lumabas na.

Weird ng mga tao rito.

Nagbihis na lamang ako at pagkatapos ay lumabas na rin. Punuan ngayon dahil sabado. At medyo na napapamilyar na ako sa lahat kaya sinubukan kong tumanggap nang pandalawahang order.

Medyo nakaya ko naman pero nang malapit nang matapos ang shift ko doon ako nagkamali. Nasinghalan pa ako noong babaeng mukhang palaka naman ang mukha.

Nagkabaliktad kasi ang nabigay kong order. Sa isang lamesa naman ay cool lang sila puro iyong babaeng palaka patawag tawag pa ng manager.

Kinabahan ako nang si Madame G ang lumabas. Baka masisante ako.

Pero nagulat ako nang sampalin ni Madame G ang babae at pinalabas ng mga bouncer.

Luminga linga ako pero halos walang pakialam ang nga tao sa paligid.

Huminto si Madame G sa tapat ko at tinitigan lang ako saglit.

"Magtrabaho ka na ulit," utos niya at saka umalis.

Nagmadali naman akong lumapit sa nagtawag sa akin na customers. Habang nagsusulat ng mga orders ay hindi maiwasan na mapalingon sa gawi ni Madame G.

Ang cool niya.

Nang matapos ako ay agad akong umuwi. Pagkalapat palang ng katawan ko sa kama ay nakatulog agad ako.

Nagising ako mga alas onse ng umaga.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan nang tumunog ito.

Unknown number:

Take your day off tonight. Madame G.

Iyon ang laman ng text message.

Pagkabasa ko ay bumuntong hininga at muling natulog. Gumaan pakiramdam ko dahil sa text ni Madame.

 
 
*****

UPDATE EVERY FRIDAY.

ENJOY READING. KEEP SAFE.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now