Chapter 7

190 12 0
                                    

"ROD. JUST CALL ME ROD."

"Ah. Salamat po, sir Rod, pero kailangan ko na pong umuwi."

Nauna siyang tumayo sa akin. Bigla rin nag iba ang mukha niya. Sumeryoso bigla na parang hindi ko maintindihan.

Namawis naman ang kili kili ko. Nakakatakot kasi ang gwapong mukha ni sir.

Sumunod ako sa kanya. Malapit na kami sa sasakyan niya nang lumingon siya sa akin.

"Ihahatid na kita sa inyo," aniya.

Nawala bigla ang magaan na aura ni sir Rod. Napalitan ng stern face.

Tumango na lamang ako dahil baka tisirin ako nito. Ang laking lalaki pa naman ni sir.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Umurong sulong naman ang paa ko dahil baka madumihan ang sasakyan niya. Ang dugyot dugyot ko kaya.

Pero wala na akong nagawa nang paglingon ko ay nagsasalubong na ang makakapal na kilay ni sir Rod.

Buong byahe ay tahimik lamang kami. Wala naman na akong ibang mapag uusapan. Hindi naman kami ganoon ka close na dalawa. Ngayon lang kami nagkita. At ayokong FC.

Nang nakarating na kami ay tahimik pa rin si sir.

"Uhm. Maraming salamat sa paghatid po ninyo. Mag ingat po kayo pabalik," saad ko bago ko tanggalin ang seatbelt.

"Here. Kunin mo 'to. Pasasalamat ko sa iyo."

Inabutan niya ako ng ilang libong piso.  Namilog ang mga mata ko. Ngayon lang kasi ako nakakakita nang ganoon karaming pera.

"Sir, sapat na po sa akin ang libreng tanghalian. "

"Please, Reina, take this."

"Sir, alam ko pong mayaman ka. Barya lang siguro 'yan sa inyo pero pasensiya na po at hindi ko po matatanggap 'yan. Salamat nalang po."

Napabuntong hininga si sir Rod.

"Reina, I want you to take this para hindi ka na maglako ng balot. Dilikado ang lumabas sa gabi lalo na at babae ka pa."

Ngumiti ako. Kinilig ng kaunti dahil concern si sir Rod sa akin.

"Sir---"

"Rod. Call me Rod," aniya. Hindi ako pinatapos.

"R-Rod, dito ko po binubuhay ang pamilya ko. Kinse anyos palang ako ay nagtitinda na ako ng balot. Marami na po akong kwentong kalye."

"Reina, just please take this. And para mapanatag ang loob ko," aniya.

"P-Po?"

Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya. Concern talaga siya sa akin? Ngayon lang kami nagkakilala pero ganito na siya sa akin.

Inilagay niya sa kamay ko ang pera. Ibinalik ko naman sa kanya.

"Si- I mean Rod, salamat ng marami pero kung makakahawak man ako ng ganito kalaking pera ay iyong pinaghirapan ko. Hindi iyong sa madaliang paraan. Itago niyo na po 'yan may mga masasamang tao po rito," saad ko at tuluyang lumabas sa kanyang sasakyan.

 
*****
 

"Kamusta ang pag uusap ninyo ni Mr. Tejada?" tanong ni madame nang makabalik ako sa trabaho.

"Ok lang po, madame. Nagpa salamat po sir. Atsaka ang bait po niya."

Tumango lang si madame.

May mga sinabi pa siya sa akin bago ako pinabalik sa trabaho.

Nairaos ko na naman ang trabaho ko. Masaya ako dahil may stable job na ako. Hindi na ako pa raket raket. Hindi na ako mamomoblema sa gastusin sa bahay.

Paglabas ko sa club ay nakita ko kaagad si Rod. Nakahilig siya sa kanyang mamahaling sasakyan.

Mabagal lang ang paglalakad ko. Ayokong maging assuming. Pero noong nakita niya ako ay tumuwid siya sa pagkakatayo.

Lumingin pa ako sa likuran ko dahil baka may nakasunod sa akin at iyon ang tinitignan niya pero nang makumperma ko na wala naman ay lumingon ulit ako sa kanya.

"Hi," Aniya.

"H-Hi. A-Anong ginagawa mo rito?"

"Waiting. Gusto kitang ihatid sa inyo. Please, Reina let me."

Kahit hindi gaanong maliwanag ang ilaw dito ay kita ko ang mga mata niya na nakikiusap.

Tumango ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Gaya noong una ay nag urong sulong ang mga paa ko.

Nang nasa kalsada na kami at bumabyahe ay naisip ko kung bakit niya ginagawa ito.

Hindi normal na oras ang trabaho ko. Madaling araw na ngayon.

Alas dos kkuwarenta y singko na ng umaga.

Nakikihiya naman na maghihintay siya sa akin at ihahatid ako.

"Si— I mean Rod, naghintay ka lang ba sa labas para ihatid ako?"

Tumingin siya sa akin sa rearview mirror saglit at binalik agad sa daan ang mga mata bago sumagot.

"Honestly. Hindi ako makatulog. Kagabi pa. Hindi ka maalis sa isip ko. Iyong sinabi mo tungkol sa trabaho mo. I can't imagine na naglalako ka ng balot sa gabi."

May sumibol na kakaibang pakiramdam sa loob ko. Naghalu halo.

"Rod, hindi mo naman kailangan gawin 'to. Sanay na ako sa buhay na ganito. Atsaka nakakahiya naman sa'yo na naghintay ka pa ng ilang oras para ihatid lang ako. Ayokong magkautang na loob sa kahit sino. Kung dahil lang 'to sa pagkakaligtas ko sa 'yo noong nakaraang gabi bayad ka na."

"I know. But—"

"Ok lang ako. Kaya kung maari ipanatag mo ang loob mo. Atsaka huwag mo na rin pagurin ang sarili  mo sa kakahintay. May trabaho ka rin."

Tumingin ako sa bintana. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi na nagsalita si Rod.

Nagsalamat lang ako pagkababa at pumasok agad. Hindi ko na hinintay na makaalis siya.

Nasa kwarto na ako nang umandar ang sasakyan niya.

Hindi ko alam kung ano ang motibo niya. Nakapagtataka ang ginawa niya ngayon.

Kung tungkol lang iyon noong isang gabi ay sa tingin ko sapat  na iyong nalibre niya ako ng pagkain. Atsaka nagpasalamat na rin siya.

Hindi naman ako humihingi ng sobra. Iyong pasasalamat niya ay sapat na. Bunos na lang iyong pakain niya ng tanghalian.

At kung naaawa man siya sa akin ay hindi ko kailangan.

Hindi ko kailangan ang awa ng ibang tao. Hindi naman kami naghihirap ng husto. Pinili ko lang ang magtrabaho ng extra dahil sa kinabukasan ng mga kapatid ko. Ni nanay. Ng pamilya namin.

At kung may iba man siyang dahilan sana itigil niya na lang.

****

Alam kong sinabihan ko siya na huwag na niyang gawin ang ginawa niya na paghihintay sa akin.

Pero bakit ngayon umaasa ako na sana nasa labas siya at naghihintay sa akin para ihatid ako pauwi.

Bakit umaasa ako na  sana makita ko siya ulit.

Ilang araw na na hindi ko nakikita si Rod. Simula noong gabing 'yun ay tinigil niya ang ginagawa.

Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makilala pa.

Nalulungkot ako sa hindi malamang kadahilanan.

At ayoko sa nararamdamang ito.

Ayoko!

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now