Kabanata 46: Elona Azares

34 2 0
                                    

Zapira's POV

"Paanong—?", I shut Lucian up by kissing him again. Tsk. Nakaka-adik. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. He was about to kiss me back when I stop and get off the bed.

Bumalik na ang kanyang hitsura sa maayos. Wala ng sugat, wala ng pamumutla at panlalata ng kanyang katawan. He's back. Just like the time when I first saw him in the woods. I'm so stupid on not noticing that Cluian had the same face with him. Palagi kasing naka-maskara. Takot na takot na makita ang kanyang mukha.

"Aramina bring back my memories," nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig at napaawang ang kanyang bibig, "she's reincarnated as our daughter's guardian, Minara Reyes," saad ko pa. Hindi siya makapaniwala sa aking sinasabi. It's evident on his blue eyes.

"Alam na ba ito ni Lucas? Kung nagbalik na ang iyong alaala, ibig sabihin, bumalik na rin ang alaala ng lahat," may pag-aalala nitong saad. Umalis siya sa kama at akmang aalis ng silid ng mapansing, iba ang kanyang suot na damit.

"Wala akong damit dito," saad niya. I sigh and approach him.

"Your dorm is still here in the academy, I'm sure, your things is inside your dorm," saad ko at naglaho kami. Lumitaw kami sa harapan ng ipinagbabawal na dorm ng hari ng Falleria which is siya. Hindi siya makapaniwala sa nakita.

"Ganito ang ginawa ng academy sa tirahan ko? Lantang-lanta na ang mga wisteria!" ,I mentally slap my forehead. Naalala kong paborito niya nga palang bulaklak ang wisteria. I feel his rage.

"Dapat pala, ito na lamang ang ginawa kong tirahan kesa naman sa dormitoryong malamig na iyon," he said. Parang gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano niya kagusto sa dormitoryo niyang iyon. Bigla siyang lumingon sa akin.

"Alam mong naririnig ko ang iniisip mo diba?" ,malamig niyang sambit dahilan para mapalunok ako. Walang imik akong tumango. Bumuntong-hininga siya at itinapat ang kamay sa kanyang dorm. In just a snap, the dorm is clean and the flowers is alive. Perks of having that abilities.

***

We were walking on the hallway towards the cafeteria. Many eyes are looking at us. Lalo na sa matangkad at maotoridad na lalaking naglalakad sa aking tabihan ngayon. Isang tango lamang ang ibinibigay ng mga maestrong kilala kung sino si Lucian. Ang iba naman ay mata na may kasamang paghanga. Sarap bulagin.

I hear Lucian chuckled. Inirapan ko na lamang siya.

Naupo kami sa favorite spot namin dito sa cafeteria. Habang hinihintay ang pagkain ay nakita ko ang pagiging balisa ni Lucian.

"What? May problema ba?", he sigh.

"May nagmamasid sa atin," seryoso nitong saad. I alert my self and change my eye color into blue. Lihim kong iginala ang aking paningin at sa di kalayuan ay nakita ko ang isang pigura na nababalot ng kadiliman. I bring my eye back to normal.

"The traitor," I muttered.

"Matagal na siyang nandito, kasa-kasama natin. Simula ng baguhin mo ang propesiya, binago niya rin ang kanyang tadhana," nanlaki ang aking mata sa kanyang tinuran. Matagal na naming kasa-kasama? Who could that be?

"Elona's husband," sambit niya. Kumunot ang aking noo.

"Elona Azares? The half-sister of your ancestor?" ,tumango siya, "ngunit siya rin ang nasa loob ng puso ni Dyna, at nandito si Dyna," saad ko at tinanaw ang silid ni Dyna na nilagyan ni Aramina ng barrier. I was about to stand when Lucian stop me.

"Kapag kumilos ka, madaling malalaman ng kaaway na alam na natin na nandito siya," saad niya, bumalik na ako sa pagkakaupo.

Napadako ang aking paningin sa halaman na nakatayo sa gilid ng bintana nitong cafeteria. I secretly use my ability to control the plants to give me a look of the man in cloak by the oxygen they release. Napakunot ang aking noo ng bigyan lamang nila ako ng kalahating pigura. Tumaas ang aking balahibo ng makita ang pigura na ngumisi ng nakakakilabot. Agad ko itong inalis.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now