Kabanata 44: Katotohanan ng nakaraan

30 3 0
                                    

Huwad.

Isa lamang huwad ang Falleria na sumakop sa dalawang sektor ng akademya. Paanong hindi ko ito napansin? Paanong hindi namin ito agad nalaman?

"Ngunit, paano nangyari ang lahat ng ito? Nakita ko ang traydor na nagpatulog at kumontrol sa lahat ng mga mandirigma doon! Huwag mong sabihin na lahat ng nangyaring pagsugod ay panlilinlang lamang?"

Tumango si Eliko.

"Wala sa plano ng hari na sakupin ang akademya o ang buong Lantria. Ang kanyang balak ay ang makapasok sa akademya at kontrolin ang bilog ng buhay at kapangyarihan upang baguhing muli at pigilan ang anumang masamang balak ng kaaway. Kaya niya inihiwalay sa kanyang katawan ang kanyang espirito at ito ay pinangalanan niyang Cluian. Siya ang naging mata ng hari sa loob ng akademya upang malaman kung sino ang tunay na kaaway. Ngunit lingid sa aming kaalaman, kinokontrol na nila ang libro ng propesiya at nagawang gisingin ang elemento na nasa kaluluwa ni Prinsesa Dyna." Saad pa ni Eliko at ipinakita ang kalagayan ni Dyna. Ang daming itim na ugat sa kaluluwa nito at hirap na hirap na rin ito sa kanyang kalagayan.

"Sinubukan kong magpanggap na idinidiin ko ang prinsesa Dyna sa mga nangyayaring ito upang malaman kung sino ang gagawa ng maling hakbang ngunit wala akong nalaman na kahit ano. Ginamit na rin ng kaaway ang aking katauhan maging ang aking marka upang linlangin tayo at pag-away-awayin sa isa't-isa. Muntikan na kaming magkagalit ng aking anak kaya naman inamin ko na sa kanya ang lahat-lahat." Sambit ni Kapitan Lucas at bumuntong hininga naman si Leo. Kung ganoon, hindi siya ang nakita ko sa Dralden.

"Noong panahon ng iyong inang reyna Andra, naging tagapagbantay niya ang iyong amang hari, kasama ang prinsesa Dyna, si Akiya, si Lucas at si Aramina. Ngunit ang prinsesa ang may hatid na kapahamakan dahil siya ang tulay sa kadiliman dahil taglay niya ang kapangyarihan ng dilim at ng liwanag. Kinontrol ng kadiliman ang prinsesa Dyna na humantong sa pagpapasya ni Andra na baligtarin ang propesiya gamit ang bilog ng buhay. Ito rin ang naging dahilan upang maalis sa alaala ng lahat ang kaganapan ng nakaraan maging ang pagkalimot niya ng kanyang sarili. Tinupad ng iyong ama ang kanyang pangako kay reyna Andra na ilayo ka sa mundong ito sapagkat kanyang nababatid na malaki ang paparating na kaguluhan sa ating mundo," ani niya. Sa bawat bigkas niya ng mga salita, pumapasok sa aking isipan ang ala-alang nakita ko sa bangin ng nakaraan.

"hindi hinayaang mamatay ni reyna Andra si prinsesa Dyna dahil na rin sa katotohanang wala itong kasalanan. Inihiwalay niya ang kaluluwa nito sa kanyang katawan at hinayaang mamuhay bilang isang ligaw na kaluluwa sa mundo ng mga tao," medyo napangiti ako ng maalala ko si Dyna nung mga panahong kinukulit niya ako. That girl.

"Ng malaman ni Dyna ang patungkol sa iyo, palagi ka na nitong binantayan. Gustong-gusto ka nitong lapitan noon ngunit ayoko siyang palapitin sa iyo. Hanggang sa lumaki ka na at sa hindi namin inaasahan, ikaw ang napili ng libro ng Lluñira upang pumalit sa puwesto ni Andra. Ginawa ko ang lahat ng paraan upang hindi mo ito malaman, ngunit nagalit sa akin ang kalikasan at pinarusahan si Kezia. Kaya naman, pinuntahan ko si Mina at si Mike na nakatakdang maging tagapagbantay mo sa iyong paglalakbay patungo dito upang ipabatid ang nangyari. Hindi na namin napigilan ang propesiya dahil ang tadhana na mismo ang kumilos upang ibalik ka dito sa ating mundo," sambit ni Selena. That explain why she's so mad at me when she knows about the book.

"Ngunit hindi pumayag ang iyong ama sa nangyari kaya't pinadala ng akademya ang Aolfara upang kunin sa iyo ang libro sa pamumuno ni Maestro Dayon. Ang hindi namin alam ay tuluyan nang nabuhay sa iyo ang kakayahang iginawad ng kalikasan at humantong ito sa kaguluhan at nakaharap mo si Andra. Hindi nangialam si Maximus sa mga nangyari ngunit alam niya na napaslang mo ang buong Aolffara kaya't binigyan niya si Akiya ng kakayahang ibalik ang oras upang mabuhay na muli ang Aolffara, at doon mo na tinanggap ang pagiging napiling mandirigma," dagdag pa nito. Unti-unti nang nags-sink in sa utak ko ang lahat.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now