Kabanata 9: Pagbabalik sa Lumang Mansyon

48 7 0
                                    

"Wala na po kayong babayaran. Mrs. Lapaz."

Ani ng doktor na nag-asikaso sa aking kapatid. Nagkatinginan kami ni mama. We both know that we didn't have enough money to pay the hospital bills. Wala rin kaming mga kamag-anak dito na maaari naming hingan ng tulong. Kaya palaisipan sa amin ngayon kung bakit wala na kaming babayaran.

"Doc, sino pong nagbayad ng bills namin dito?" Tanong ni mama na may halong pagtataka.

Bumuga ng hangin muna si Doctor Monteverde saka sumagot.

"Your husband is a very good friend of mine. Kahit kailan ay hindi ako nito iniwan noon. But the accident happen and I didn't save him. Kaya nangako ako sa sarili ko na tutulungan ko ang pamilyang naiwan niya no matter what happen."

Sinserong saad nito. My mother smiled and thank him. Wala akong alam sa mga sinasabi ni Doctor Monteverde. I know I have a father, of course. But I didn't saw him even once in personal. Lumaki ako sa probinsiya simula ng ipinanganak ako. My mother said that my father often visit me late at night. Dahil iyon lamang daw ang bakanteng oras ni Papa sa trabaho nito. She said my father is a soldier and he died as a soldier. Hindi na nalaman pa ni Papa na may anak pa siya ulit. Si Kezia.

Bumalik na kami sa room ng kapatid ko matapos mag-usap sila ni Mama. Kezia is sleeping peacefully. Hindi pa rin ito pinapalabas ni dok, dahil may ilang test pa ang dapat na gawin. Just to make sure that she doesn't have heart disease or failure.

"Ma, sa susunod na mga araw, mapapadalas ang hindi ko pag-uwi sa bahay natin."

Kunot ang noo akong tiningnan ni Mama. I bite my lower lip. Anong idadahilan ko sa kanya ngayon? Hindi ko naman maaaring sabihin na kailangan kong sundin ang aking kapalaran DAW na isang mandirigma ng Lantria. I'm sure, she will never believe me. Nung sinabi ko ngang nakakakita ako ng mga kaluluwa at mga elemento. Hindi siya naniwala. Ito pa kaya. Tsk.

"Nag-apply po kasi ako sa isang company malayo sa ating bahay. Magbo-boarding house po ako simula ngayon."

Naupo ako sa sofa na nasa gilid ng wall. I saw how she pause for a moment. Tahimik nitong inayos ang mga prutas na kakainin ni Kezia pagka-gising. Hindi ko alam kung anong nasa isip ngayon ni Mama. All I know was she is against it. I could feel it when she became quiet. Lagi naman siyang ganoon. Kapag hindi siya payag sa mga bagay na gusto naming gawin ng kapatid ko. Tatahimik na lamang ito at hindi kami iimikan.

Hindi naman talaga ako magta-trabaho eh. Iyon lamang ang naisip kong idahilan. Ang kaso lamang, salang-sala naman ang naisip kong iyon. Tsk. Gagawa na nga lamang ako ng isang palusot, palpak pa.

(—_______—)

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo Luna. Nagsasawa ka na ba sa klase ng buhay natin?"

Otomatiko akong napatunghay at napatingin dito. Why would she ask that question? Of course not, ni hindi iyon pumasok sa aking isipan. Ang gaga ko naman kasi. Yun pa ang sinabi kong dahilan.

Malungkot akong tiningnan nito pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama. Hinawakan nito ang kamay ng natutulog na si Kezia. I saw a glimpse of sadness and regret in her eyes as she glance at me earlier.

"Hindi sa ganun ma, hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon. Hindi niyo naman kasi maiintindihan kapag sinabi ko ang tunay na dahilan."

She will never understand it. Like how she didn't understand that I have the ability to see spirits.

"Kung ganoon anong dahilan? Bakit mo naisipang mag-trabaho ganung alam mo na tutol ako dito? O gumagawa ka lamang ng palusot para humiwalay na sa amin at gawin ang gusto mo?"

Ramdam ko ang galit sa boses nito. Aissh. I shouldn't say those things! Ngayon magkaka-galit pa ata kami. Sasabihin ko ba ang tunay na dahilan? Tsk. Hindi naman siya maniniwala.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now