Kabanata 42: Paggising ng Mandirigma

28 2 0
                                    

Ela's POV (Short POV)

Nandito si Luna. Binibisita niya sina Zapira. Napahigpit ang kapit ko sa skirt ng aking uniform. Should I tell her that Cluian is King Lucian's twin? Hindi nagsisinungaling si Kezia sa kanyang sinabi. I clearly saw it when I secretly collect some water particles on her hair. Pero hindi ko masabi ito kay Luna dahil may hindi tama sa nakita ko.

"Kailan ka ba magigising Andra?" I hear Luna whispered. Andra? That name again. Yan din ang tawag ni Kezia kay Zapira. I'm sure hindi iyon magugustuhan ni Zap. She doesn't like calling her on her nickname.

"They will wake up soon, a little patience is the only thing we have to do for now," lumingon siya sa akin at nginitian ako. I smiled back.

Umalis muna ako sa silid at nagpunta sa labas. I was about to walk away the room when I heard Luna's voice. Otomatiko akong napabalik sa silid.

I saw her crying while looking at Zapira.

"Zapira, gumising ka na. Hindi ko kayang nakikita kang nanghihina. Bakit mo ba kasi kinalaban si ama? Alam mo bang ginagawa niya lang ang lahat ng ito para mabuo ang pamilya natin? Gustong gusto kong makasama kayong dalawa pero bakit kailangan pang umabot sa ganito na kailangan niyo pang magkasakitan? Ang sakit sakit sa akin na makita kong naglalaban sa aking mismong harapan ang aking mga magulang,"

0_____0!

T-totoo ba ang mga narinig ko? Si Zapira ang tunay niyang ina? P-pero paano? Napaka-imposible naman ata.

"Bakit mo ba kasi sinakripisyo ang lahat noon? Ang ganda na ng buhay mo bilang napiling mandirigma? Bakit mo piniling burahin ang lahat?"

Damn this self! Umalis ka na dito baka may makakita pa sa iyo!

Gaya nga ng sinabi ko sa sarili ko, agad akong umalis sa silid na hindi makapaniwala sa aking narinig.

Kakambal ni Cluian si King Lucian at ama ni Luna ang haring iyon at ina niya naman si Zap which is ang nakaraang mandirigma na si Andra. Darn it! Ano na ba talagang nangyayari ngayon sa Lantria at Falleria?

Lucian's POV

"Hanggang kailan natin gagawin ito mahal na hari? Nasaktan mo na ang iyong sarili maging si Andra, pati na ang iyong anak na si Luna,"

"Kailangang mangyari ang kabaligtaran ng propesiyang binaligtad na Adonis,"

"Ngunit aking hari, matagal ng binago ito ni Andra!"

"Ang kasaysayan ay maaring mabago ulit ng napiling mandirigma,"

Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking tinuran, sigurado akong alam niya na ang aking ibig sabihin...

"Paano ang aking anak....mahal na hari....paano si Leo? Minamahal niya ng lubos ang inyong anak...ang kanyang buhay ay karugtong na rin ng buhay ni Luna. Ayokong mawalan muli mg mahal sa buhay, tama ng nawala sa akin ang kanyang ina, hindi ko kakayanin,"

"Hindi ka magtatagumpay kung walang sakripisyo," umiwas ito ng tingin sa akin, tumalikod na siya at bumuntong hininga bago naglaho.

Saksi ako sa mga nagaganap sa buhay ng aking anak. Maging sa buhay ni Zapira. Masakit na malayo sa pamilya, ngunit mas masakit kung hindi ka nila kinikilala.

"Agh!", daing ko ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking puso. Hinawakan ko ito at napaupo.

"Kuya Lucian!" Nilingon ko si Kezia na biglang lumitaw sa aking harapan. Anong ginagawa niya dito? Bakit hindi niya binabantayan si Andra?

Agad ako nitong inalalayan para makaupo.

"Nagising na po si Ate Andra! Bibisitahin niyo na po ba siya?"

Lantria Supremo De LunaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang