Kabanata 24: Calm Water

41 5 0
                                    

Luna's POV

*groarrrrr

Angil ng malaking leyon at sinugod ang ilan kong mga kasamahan na agad nilang ikinatalsik sa dulo ng training hall. Napapikit ako ng mariin ng makita ang pagsuka nila ng madaming dugo. Inis naman. Ramdam kong malalakas ang mga spiritwal magic nila pero hindi nila ito magamit.

Ang hina nila pagdating sa pisikal na kakayahan. At ako naman, imbes na tumulong, eto at naku-cute-an pa sa leyon.

>____<

I glance at Leo who's looking at me with his right hand on his forehead as if she knows that I find the lion cute. Eh masisisi niya ba ako? Naku-cute-an talaga ko eh.

"Binibining Lapaz! Hindi mo ba tutulungan ang iyong mga kasamahan? Ikaw na lamang ang natitirang nakatayo ngunit sa tingin ko ay wala kang pakialam sa mga nangyayari sa iyong paligid?"

Anas ni Maestro Tiyago, dahilan para matauhan ako sa aking kalokohan. I look around and saw all of them lying on the floor, wounded while most of them, loose their consciousness. I feel guilty.

Inangilan ako ng leyon at nakuha nito ang aking atensyon. The lion is an alpha. He had this golden brown skin, and golden brown hair with a touch of black around it's face. Ang lalaki din ng mga paa nito. It's eyes are looking like me as if it saw me as a meat. Kinilabutan ako.

Hindi na siya cute.

Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung paano lumaban, hindi pa ako nakakahawak ng kahit anong sandata. Ang nakokontrol ko lamang na aking kakayahan ay ang apoy at ang kalikasan.

Wait—tama!

I took a sigh and then focus.

Akiya, can you support me on doing this? I don't wanna hurt the lion.

"I'll always support you, Iara."

Nakarinig ako ng napakalakas na angil na nagmula sa leyon. I feel the nature's energy radiating on my whole body. The heat I feel slowly come out on my arms, and when I open my eyes, it turns emerald. I let out a big fire dragon and it explodes on the lion who's now on the air aiming to bite me.

*gro-ar?

Malumanay na angil nito, habang nanginginig. Nagmukha siyang sunog na karne.

I let out a sigh of relief. Noon ko lamang napansin na tila nahugot ng mga nanditong nanonood ang kanilang mga hininga. Even Maestro Tiyago ang the Aolffara hang their mouth open.

?____?

May nakakagulat ba sa ginawa ko?

"BAGSAK!"

Nanggagalaiting sigaw ni Maestro Tiyago na ikinalingon naming lahat.

***

"Ano po bang mali sa ginawa ko? Natalo ko naman po yung leyon. Bakit ako nandito sa harapan ng buong council ng Wolffire?"

Nagtataka at inis kong singhal sa kanila. Pagkasigaw kasi ni Maestro Tiyago ng salitang Bagsak. May pumasok na mga guwardiya at hinuli ako. Yung leyon naman ay ikinulong nila sa dungeon daw.

"Huminahon ka Binibining Lapaz. Igalang mo kaming mga nakakataas."

Kalmadong wika ni Maestro Vicenzo. Ang kasama kanina ni Maestro Tiyago. Palihim akomg umirap. Inis kasi.

"Ipapaliwanag ko ang patakaran sa unang lebel ng pagsubok. Nakasaad sa patakaran na ang tanging gagamitin ng mga mandirigma sa pagtalo sa leyon ay ang kanilang kakayahang pisikal. Maaring gumamit ng kapangyarihan para gumawa ng sariling sandata. Mahipit na ipinagbabawal ang paggamit ng buong mahika sa gitna ng laban. Ang nais naming mga Maestro ay ang mapatay ninyong mandirigma ang leyon gamit ang inyong pisikal na kakayahan. Ngunit hindi mo ito nagawa. Sa tingin ko'y iyong nauunawaan ang dahilan kung bakit ika'y naririto."

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now