Karibal ko, Manliligaw ko by Joomanjee

408 6 3
                                    

ENTRY NO. 7 (Click the external link if you like to support this story in facebook.)

Karibal Ko, Manliligaw Ko (One Shot)

"Lizette, ano ba nangyayari sa'yo. Wala kang focus sa game kanina. Sabi ko bantayan mo si number 5 pero ano ginawa mo, nakibantay ka naman kay 26 na para kay Roan!"

Pinapagalitan na naman ako ni coach Amy dahil natalo kami dahil sa akin. Hindi ako makapagconcentrate dahil sa nakita ko kanina sa bleachers.

Nakayuko lang ako habang pinapagalitan ako ni coach pero bawat singhal niya sa akin ay siya naman labas sa kabilang tenga ko. Pagkatapos niya akong sermonan ay hindi ko namalayan na wala na pala siya sa harap ko.

"Liz, ok ka lang ba? Lalamig din ulo ni coach kaya wag mong dibdibin", sabi sa akin ni Roan habang pina-pat ang likod ko. "Ano ba kasi nangyari sa'yo?"

Ano nga ba nangyari sa akin kanina?

Bago pa kasi mag-umpisa ang game ay nahawi ang tingin ko sa mga kanang bahagi ng bleachers ng gym. Napako ang tingin ko sa dalawang taong naghahalikan. Hindi ako nagkakamali dahil kilalang kilala ko kung sino ang lalaking iyon. Siya lang naman ang boyfriend ko. Correction! EX-boyfriend na pala. Pagkakita ko kasi sa ginagawa nila ay napasugod ako sa kanilang pwesto kahit alam ko na malapit na mag-umpisa ang game.

Natigilan naman sila sa ginagawa nila dahil siguro sa naramdaman nila ang presensya ko. Hindi ko naman binasag ang matalim kong titig kay Ivan at sabay sabing "Wow ha. Papalitan mo na nga lang ako, sa mukhang barbeque stick pa talaga ha. Wag mo masyado higpitan ang hawak dyan, baka mabali e".

"Mga lalaki nga talaga. Kaya nga mas mabuti pa ngang babae na rin ang maging karelasyon mo", sabi ni Roan sa akin pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang puno't dulo ng pagkatalo namin.

Tomboy si Roan o sabihin na lang natin na isa siyang homosexual. Halos lahat ng members ng women's basketball sa university na pinapasukan ko ay may karelasyon na babae maging si coach Amy. Hawa-hawa na lang siguro ang pagiging tomboy.

"Yun oh. Simulan mo sa kanya", tinuro niya ang babaeng nakaupo nang mag-isa sa bleachers. "Ligawan mo siya".

-=-=-=-

Therese Dimaculangan. Siya ang babaeng tinuro ni Roan. Second year BS Nursing. Former Ms. Freshie. 

"Therese!" tawag ko sa kanya.

Napalingon naman siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa akin. "Bakit?"

"Hatid na kita", alok ko sa kanya. Simula nang ituro siya ni Roan ay nagdalawang-isip naman ako kung dapat ko nga ituloy ito. Pero pagkatapos ng ilang araw na pagmumuni-muni ay napadesisyon kong kilalanin si Therese. 

Kahit subukan ko lang raw ayon kay Roan. Wala namang mawawala. Subok lang e kaya sinunod ko naman mga payo niya. Syempre kailangan ko ng mga advices from the experts. Kaya ngayon ay mag-iisang buwan na rin ako sa panliligaw sa kanya. Ganito pala ang feeling kapag ikaw ang manliligaw.

"Therese!"

Bago pa makasagot si Therese sa akin ay may tumawag sa kanya. Sabay kaming lumingon ni Therese at napabuntong hininga naman ako sa taong nakita ko. Si Tristan, ang aking karibal, ang isa pang manliligaw ni Therese.

"Dinner tayo, Therese!" napairap naman ako.

"Sorry Tristan ha...", napangiti naman ako sa mga naririnig ko. Ano ka ngayon, Tristan? "Kailangan ko na kasing umuwi. Kayo na lang ni Lizzette".

"WHAT?!?" nalaglag naman ang panga ko.

Humarap naman sa akin si Therese. "Sige na Lizette, ikaw na lang isama ni Tristan. Please. For me", nagtwinkle-twinkle pa yung mga mata niya.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon