Mahal mo ako, Manhid ka lang by supermaria09

451 11 8
                                    

ENTRY NO. 8 (Click the external link if gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa facbook)

Mahal mo ako, manhid ka lang

All rights reserved 2012

By: supermaria

Regret?

Sabi nila nasa huli ang pagsisi.

Pero para sakin HINDI, bakit? Kasi ang pagsisi at problema iisa lang yan. Hindi ba’t sabi nila na lahat ng problema may sulusyon? Sulusyon na ang ibig sabihin ay may pag-asa kangbumalik sa dati o kaya naman mas maging masaya pa.

Sabi din ng iba ‘There’s a rainbow always after the rain’

Kung ang ulan ay sumisimbulo sa problema o pagsisi at bahaghari naman bilang magandang balita. Ibig sabihin hindi nasa huli ang pagsisi kasi pagkatapos nito may magandangpangyayari na bubungad.

Para sakin ang pagsisi ang daan para matauhan ka, para maituwid mo yung nakalisyang parte sa buhay mo o kaya daan para magbago ka. Dahil kung hindi ka pa magsisisi, yung bagay namali sayo patuloy lang na magiging mali kasi hindi mo namamalayan na mali na pala ang isang bagay.

Kung magsisisi ka malalaman mo na mali na pala ang isang bagay kaya gagawa ka ng paraan kung pano maayos ito o mababago.

Para sakin iniiwas tayo nito sa kamangmangan. Dahil kung hindi tayo magsisi, mananatili lang tayo sa mali. Dahil sa pagsisi inilalagay nito tayo sa reyalidad, sa kung saan tama.

********

Naramdaman nyo na bang maging manhid?

Yung tipong nagiging tanga ka na dahil lang sa hindi mo nararamdaman yung mga bagay o tao sa paligid mo.

Yung tipong sa bandang huli may regrets ka kasi lumalayo na yung mga bagay o tao na nagbibigay ng importansya sayo.

Kasi natutunan din ng mga tao sa paligid mo na maging manhid dahil sayo.

Kasi nga tatanga tanga ka.

Sya si Aerniel, yung taong tinuruan kong maging tanga at manhid dahil sa pagiging tanga at manhid ko.

Sobrang bait nya sakin, na yung tipong nakakatakot na sa sobrang kabaitan.

Palagi syang sang ayon sa kung ano yung gusto ko at sumusunod sa mga ayaw ko.

Sya din palagi yung sumasalo sa mga kasalanan ko.

Isang araw nga, napagalitan ako ng campus director dahil sa papel na hindi ko naitapon sa basurahan, in short kinalat ko lang sa sahig. Sa sobrang malas ko nakasulat sa scratch paper na yun yung pangalan ko pati year and section.

“SINO SI JANNA JOY ANGELES?” dahil sa hindi ko alam na may kasalanan pala ako agad kong tinaas yung kamay ko

“kababae mong tao ang kalat kalat mo! Hindi mo man lang pinahalagahan ang university” tinaas nya yung scratch paper na kinalat ko “Pano mo itatanggi na hindi sayo angpapel na to?” Omo! Pano nga ba? *I’m palpitating*

Nagulat kaming magkaklase ng tumayo si Aerniel Sorry po ma’am. I’m the one who owns that paper. It just happen na sobrang boring sa klase unconsciously nasulat ko na yung pangalan ni Ms. Angeles”

Nadoble pa yung kasalanan nya sa pagkakalat at hindi pakikinig sa klase kaya nagpasa sya ng Incident Report ng school...

Sya din ang nasasaktan imbes na ako yung napapahamak. Tulad na lang kapag may nang aaway sakin kahit babae pinapatulan nya, o kaya kapag pinapagalitan ako ng mga instructors namin sya ang nag ra-rationalize para sakin.

Your One-ShotWhere stories live. Discover now