Forget Me Not by NuhYheen

698 31 26
                                    

ENTRY NO. 2 (Click niyo po ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa facebook.)

Forget Me Not (One Shot)

©NuhYheen

********************

Sabi mo forever tayo… Sabi mo walang makapaghihiwalay sa atin… Sabi mo ikaw lang at ako…  Sabi mo di mo ako iiwan…  Sabi mo hindi mo ko makakalimutan…

Pero bakit…. Lahat ng yan………………. Nanatiling “Sabi mo” lang?

~

It was  19th of July. Our 10th anniversary as a couple.Hindi ako makapaniwala na aabot tayo ng ganito katagal. Ang saya saya ko. Nag-uumapaw talaga ang kaligayahang nadarama ko.

I prepared myself. Nakapag beauty rest ako the whole day yesterday. Gusto kong maging pinakamaganda sa paningin mo ngayon. Maaga ako nagising. Excited kasi ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako sobra. Pero may nararamdaman akong kaba at takot. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na lang pinansin. Ayokong mastressed.

Tinawagan ko agad ang makeup artist ko. Naka ready na ang mga damit at accessories ko. Nung dumating na ang mga mag-aayos sa akin,lalo akong naexcite! Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Gustong gusto na kitang makita.

Wala kaming sinayang na sandali. Ilang oras lang, ready na ko. Sana ikaw rin.

Kasama ko na sina mom at umalis na kami. Siguro naghihintay ka na. Hintayin mo ako a. Darating ako. Mahal kita Hon.

Nakarating kami ng tama sa oras. Bumaba na ng sasakyan si mom pero di pa niya ako pinababa. Naisip ko, dapat surprise! Excited na talaga ako.

Ilang minuto ang lumipas. Ang tagal. Bakit ayaw pa nila ako pababain? Naiinip na ko. Gusto na kita makita Hon.

Bumaba na ko ng sasakyan at agad na lumapit sa pinto ng simbahan.

“Ano pong nangyayari? Bakit po hindi pa tayo nag-uumpisa?” mahinahon kong tanong sa mga tao. Maya maya lang, lumapit sa akin si mom. Umiiyak siya. Bigla akong kinabahan. Anong meron?

“Anak, listen. We cannot contine this wedding. He will not come.” </3 aray! Parang tinusok ang puso ko. Totoo ba yun? Bakit? Bakit hindi ka pupunta? Ito na ang pinakahihintay nating sandali diba Vin? Excited tayo pareho kahapon diba? Anong nangyari?

“Mom,w-what do you mean? What happened?” naiiyak na ko Hon. Nasan ka ba kasi? Traffic ba? Okay lang. Maghihintay ako.

“Mae………. He’s in the hospital. He’s in coma.”

Parang tumigil ang mundo ko. Bakit? Bakit ngayon pa? kung kailan ikakasal na tayo. Kung kailan dumating na ang pinakahihintay nating araw. Mahal, hintayin mo ako. Pupuntahan kita.

Hindi ko na inintindi na naka wedding gown ako at naka-heels. Basta ang nasa isip ko lang ngayon, makita ka. Mayakap ka. Mabantayan ka. Mahal, gagaling ka. Mahal, ikakasal pa tayo. Magiging masaya pa tayo bilang pamilya. Diba hon?

Nakarating ako sa ICU ng ospital. Nandun ang mama mo. Sinabi niya sa akin ang nangyari. Naaksidente pala kayo. Car accident. “Diyos ko.” Napabulalas ako sa iyak ng makita ka. Samu’t saring apparatus ang nakalagay sa katawan mo. Maya’t maya’y pinupuntahan ka ng doctor mo.

Ilang araw ka ng nakaratay sa kama. “Hon, wake up!. Please” lagi kitang kinakausap. “ang tagal mo ng natutulog. Hindi pa ba nangangalay ang likod mo diyan?” naghihintay lagi ng response mula sayo. “Hon, kain ka na. pinaghanda kita ng paborito mo.” Paulit-ulit na proseso sa bawat araw na ginawa ng Diyos.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon