IF I COULD... by Yurimika

249 3 1
                                    

ENTRY NO. 28 (Click po ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong to sa Facebook.)

IF I COULD…story By: Yurimika

“Sis,” dinugtungan pa niya ng ‘HUHUHU’ “Hiwalay na kami ni Chris…”

Inayos ko yong tali ng buhok ko, parang ewan to si Ate, “Kasi, sinabi ko na sayo noong una pa lang na walang kwenta yang boyfriend mo, pero hindi ka nakinig sa akin.”

Lalo pang lumakas yong hagulgol niya, naiinis na ako!

Para siyang tanga, sa hitsura pa lang nong si Chris halata mo nang hindi nagseseryoso sa pakikipagrelasyon, parang ewan naman to si Ate, hindi nasanay sa mga lalaki na yan.

“Sige sermunan mo pa ako, ang sakit-sakit kaya…” parang bata talaga to, buti na lang isang taon lang tanda niya sa akin.

“Pakamatay ka na,” sinundan ko pa yon ng tawa, habang tinatapik-tapik ko ang likod niya.

“May exam ako sa Creative Writing ko bukas, pasensya na ate, pero kailangan ko na talagang matulog, maaga pa ako gigising bukas para magreview.”

Sabihin niyo man wala akong kwentang kapatid, pero mali kayo, almost two hours nang umiiyak yan si Ate Kylie simula ng dumating siya kaninang 8:30, mula sa pakikipagkita niya doon sa Crhis na yun.

At kahit gusto ko pa siyang damayan hindi pwede kasi ayokong bumagsak sa exam, finals na yon.

Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba sa second floor, nasa third floor kasi ang room ni ate at nasa second floor ang akin.

Sobrang antok na antok na ako kaya nakatulugan ko na ang pag-iyak niya.

**********

Kinabukasan, nagmamadali akong pumasok kaya hindi ko na nabisita sa kwarto niya si ate. At katulad ng inaasahan about sa exam ko, ako na naman ang pinakamataas, nasa dean’s lister kasi ako kaya kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti.

Kasi wala na kaming magulang ni ate, si tita na nga lang kasama namin sa bahay siya na tumatayong magulang.

Dahil sa wala na kaming parents ni ate, nagwo-working student ako, after sa school pumapasok ako sa Greenwich, crew ako doon. Kaya nakakauwi ako sa bahay mga 8pm na.

“Tita, nasaan si ate Kylie?”

“Hindi ko siya napansin ngayong araw, baka umalis kanina nong tulog pa ako,”

“Ah, ganun ba…” patango-tango na lang ako,

Kumain ako ng dinner and then natulog na,

Bukas ko na lang kakausapin si Ate Kylie,

*******

Buti na lang at wala akong pasok ngayon sa school, makakapaglaba na ako ng mga damit.

Siguro naka-consume ako ng two hours bago ko natapos labhan yong mga damit ko.

Pag-akyat ko sa hagdan sa third floor, di ko alam pero parang biglang lumakas yong pintig ng puso ko, napadaan ako sa kwarto ni ate, nilapag ko muna yong palanggana na pinaglagyan ko ng mga damit.

Pagbukas ko ng pinto, wala si ate,

Hays! Hindi na naman siya umuwi, saan na naman kaya nagpunta yon.

Sinara ko ang pinto at kinuha na ang mga damit,

Naglakad na ako papuntang sampayan, pero nang makarating ako doon, biglang bumagsak yong mga damit na nalabhan ko.

Nakita ko si Ate, nakabitin…

Nagbigti siya…

“Tita! Titaaaaaaaa!” tawag ko nang malakas, nanghihina ako, wala akong lakas para bumaba pa sa first floor at tawagin siya…

Umiiyak lang ako, nakikita ko si Ate Kylie, nakalabas yong dila niyang hindi mo na matukoy kung anong kulay.

“Bakit Carla, anong nangyari?” tiningnan ako ni tita, nakita niya akong nakatingin sa isang direksyon kaya tiningnan niya din yong tinitingnan ko.

“OH MY GOD!”

Agad siyang lumapit doon sa bangkay ni ate at tinanggal niya yong tali, nang makababa na siya ay agad ko siyang nilapitan at niyakap.

Wala akong pakialam kung hindi na kaaya-aya ang amoy niya.

“Ate! Ate! Buhay ka pa diba? Hindi ‘to totoo!”

“Carla, tama na yan patay na ang ate mo, wala na tayong magagawa…” sabi ni tita sa pagitan ng kanyang pagluha.

Pero ako, hindi ko matanggap…

Hindi ko matanggap na ganito ang nangyari!

Ang sakit!

Parang noong isang gabi lang, kausap ko pa siya, umiiyak pa siya!

Hindi!

Hindi to totoo!

*******

Base sa autopsy ni Ate, 24 hours na siyang patay.

Ngayon nandito ako sa harapan niya, hindi ako makapaniwalang ang masayahing kapatid ko ay nasa loob ng puting kabaong na yan.

Nakatitig na lang ako sa kawalan, napagod na din siguro ang mga mata ko sa kakaiyak, parang wala na akong pakiramdam, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.

“Carla, ang sabi sa autopsy, buntis daw ang ate mo, dalawang buwan…” si Tita,

Napatingin ako sa kanya, at ang akala kong pagod na, na mata ko, hindi pa pala…

Umagos na naman ang luha…

“Pakamatay ka na,”

“Pakamatay ka na,”

“Pakamatay ka na,”

“Pakamatay ka na,”

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga ko yang mga sinabi ko ng gabing iyon,

Nasasaktan ako, daig pa to nong sakit na naramdaman ko nong namatay si Mama at Papa.

Nilalamon ako ng konsensya ko, kung sana lang…

Kung sana lang pinakinggan ko siya ng gabing iyon,

Kung sana hindi na lang ako natulog

Kung sana hindi ko sinabi yong mga katagang yon hindi siya magkakaroon ng idea na patayin ang sarili niya,

Nilalamon ako ng konsensya ko, pakiramdam ko pumatay ako ng dalawang tao..

Mismong pamangkin ko pa ang tinanggalan ko ng karapatang mabuhay sa mundong to..

“Pakiramdam ko, ako ang pumatay sa kanila,”

“Shhh.. Carla wala kang kasalanan, ate mo yong nakaisip na gumawa noon.”

Kung kaya ko lang sanang ibalik yong oras

T_________________T

--- kyaaaah!

Lesson, hmmm… wag bibiruin ang mga brokenhearted! de joke lang!

damayan ang mga kaibigan, kapatid, kapuso, kapamilya, kabarkada. Basta lahat na!

damayan niyo sila kapag may problema, kung ayaw nyong mangyari ang nangyari kay Carla :)

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon