I Told You I Love You on a Piece of Paper by zheliLURVScookies

733 32 8
                                    

ENTRY NO. 3 (Click the external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa Facebook)

Kinalimutan ko ang mga sakit na naiwan sa’kin ng pagkawala nila Mama at Papa. Hindi ko sinisisi ang Diyos dahil sa nangyari. Alam ko na may plano sya para sa’kin kaya Niya hinayaan na maging mag-isa ako.

Matapos ng cremation nila Mama at Papa, nagpunta ako ng Paris at inilibot ko ang mga labi nila.

Naalala ko pa nang mga buhay pa sila, lagi kami nagpa-plano na pumunta ng Paris magkakasama. Mahal na mahal ko talaga ang Mama at Papa. Ginawa ko lahat ng paraan para lang ma-prolong ko ang buhay nila.

Nagtagumpay naman ako.

Pero…

…sabi nga nila, hindi lahat ng bagay ay permanente.

Katulad ng PANANDALIAN na pag-galing ni Mama.

Gumaling nga si Mama sa sakit nyang cancer pero hindi ‘rin nagtagal ang buhay nya.

Sabi ng mga doktor, hindi naman ‘daw ayon ang dahilan ng pagpanaw nila. Siguro sa sobrang pagmamahalan nila Mama at Papa, fated na sabay sila iwan ako’t ang mundo na ginagalawan na’tin??

Mama? Papa? Mahal na mahal ko po kayo! Ngayon na 3 years na ang nakakalipas at 24 na ako, nakapagpatayo na po ako ng pinapangarap na’tin na bakery. Nag-hire po ako ng isang magaling na chief at ipina-perfect ko po sakanya ang favorite na’tin na icecream cake.

Sobrang sarap po ng gawa nya, Mama, Papa. Sana lang po talaga narito kayo at natitikman nyo ‘rin ang mga gawa nya. Hindi lang po ice cream cake ‘kundi pati na’rin po ang mamon na paborito ni Mama na kainin pangpalipas ng gutom.

Naalala ko po ang nai-kwento nyo saakin na LOVESTORY nyo. Sobrang miss ko na po kayo. Lalo na po ‘kung si Papa ang magku-kwento sa’kin ng mga nangyari?

Natatawa nalang po ako kapag na-aalala ko ang facial expressions na ini-impersonate ni Papa na itsura ni Mama. Sana narito po kayo.

= - = - = - = - = - = - = - = - = - =

Nasa bakery ako nang may pumasok na costumer. Nagtatrabaho pa’rin kasi ako sa bakery namin kahit na ako ang may-ari nito.Hindi ako tinuruan ng Mama at Papa na maging tamad.‘kung wala naman ako sa bakery, nasa isa akong meeting, nasa isang business trip, o ano naman kaya ay personal na na dahilan.

May pumasok na isang lalaki at bumili ng isang icecream cake.Naalala ko nanaman tuloy ang mga yumao kong mga magulang.

Ano nga kaya ang plano ng Panginoon sa’kin at naging mag-isa ako nsa buhay? May itinadhana ba sya’ng isang taong mag-kukumpleto ng nag-kulang na buhay ko, mula ng mawala sila Mama at Papa sa’kin?

Natapos ang araw at nasa bahay na ako. Nasa veranda ako ng kwarto ko nang may isang malakas na hangin ang dumampi sa buong katawan ko.

“Miss ko na ‘rin po kayo, Mama, Papa.” Nasabi ko sa hangin.

Lagi nila sinasabi saakin noon na lagi nila akong babantayan. Naalala ko pa ang laging sinasabi ng Mama sa tuwing aalis sya at maiiwan ako mag-isa sa kwarto ko na gumagawa ng mga takdang-aralin at ang Papa naman ay nasa trabaho.

“Anak, aalis ulit ang Mama. Lagi mo tatandaan na kahit wala ang Mama sa tabi mo, hangga’t may hangin, apoy, at tubig ka na nakikita, kasama mo ako. Hindi ‘man sa tabi mo, pero sa puso mo. Hangga’t walang katapusan ang kalsada sa h-way, lagi lang nasa puso mo ang Mama. I love you Blue.”

Naupo ako sa isang bench na gawa sa kahoy sa veranda ko. Ang lamig ng hangin, inaantok ako.

“Magandang umaga.” Bati ko sa kalikasan na bumungad sa’kin pagdilat ng mga mata ko.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon