An Hour Too Late by iamjaypee

329 5 2
                                    

 ENTRY NO. 23 (Click ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa facebook.)

An Hour Too Late

JayPee Lauron (iamjaypee)

Wala namang bago sa araw na ito, normal na lunes lang ito'y maituturing. Bukod sa pawis na pawis pa rin ako dahil sa P.E class namin ay kasabay ko pa rin syang kumain ngayon dito sa tambayan namin sa 6th floor na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang tawag. Malapit nang mag 11:00AM, halos kalahating oras na kaming magkasama ngayong break time pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Kung may magsasalita man samin ay wala namang sense ang mga yun. Hindi naman kami ganito noong mga nakaraang araw, siguro dahil na rin sa nalaman ko na sa tingin ko ay ako ang huling nakaalam.

"Rodney..."

"O?"

"So lilipat ka na pala ng school?" parehas kaming nakatingin sa malayo, hindi ko sya tinitigan, di nya rin ako tinitigan.

"Oo. Pano mo nalaman?" mahinahon nyang sagot. Walang emosyon ang pagbigkas nya.

"Pano ko nalaman? Bakit? Hindi ko ba dapat malaman? Para saan pa't naging magkaibigan tayo ng halos tatlong buwan!" medyo umiba ang aking tono. Hindi lang kasi ako makapaniwalang ako ang huling nakaalam ng balitang yun. Sa halos araw-araw naming magkasama, wala akong alam.

"Sasabihin ko naman talaga dapat sayo. Naunahan mo lang ako." mahinahon pa rin sya.

"Haysss! Ewan! Bakit ka nga pala magpapalipat ng school? Di ka ba nag-eenjoy dito sa PUP Sta. Mesa?"

"Masaya naman ako dito, yun nga lang, may dumating na isang magandang opportunity para sakin."

"Ano yun?" humarap ako sa kanya, ganun din sya.

"Pasado kasi ako sa test para sa UP. Yun nga lang, hindi ako nakapasok dahil sa financial status ko that time. Ngayon, ok na kaya pinag-isipan kong ituloy na lang yun. Hindi lahat nabibigyan ng ganung pagkakataon at marami ang may gustong mag-aral dun." Paliwanag nyang hindi ko pinakikinggang.

"Sabagay. Hindi ka na ba mapipigilan?" naging seryoso lalo ang aking pagsasalita.

"Hmmmm. Di ko masasabi. Siguro, pag may magandang mangyayari o kung may isang mahalagang taong pipigil sakin. Teka, di mo na nagagalaw yang pagkain mo o! Papayat ka nyan eh. Hahaha." mabuti naman at nagbago na ang aming tono ng pag-uusap. Naging masaya na dahil nagsimula na syang magbiro.

"Tsee! Ikaw ang dapat kumain ng husto dyan. Teka, maisingit ko lang, kelan mo ba balak magpalipat?"

"Pagkatapos siguro ng mid-term exam natin."

Natapos na ang History, Math, English at Filipino class namin pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalalapit nyang paglipat ng school. Ano bang pinagkaiba ng ibang school sa isa pang school? Siguro naman ay hindi magkakaiba yung subjects na itinuturo samin. Ang dami namang arte nyan!

Lumipas pa ang mga araw, balik na uli kami sa normal. Katulad ng dati ay hilig nya parin akong biruin, palibhasa ay wala akong sense-of-humor kaya bihira akong makaganti. Hilig nya rin pala akong kulitin sa tuwing busy ako o kapag seryoso ako. Nakakainis na tuloy kung minsan. Pero kahit na ganun, masaya pa rin ako sa kung ano ang estado namin ngayon. Masaya akong nagin kaibigan ko sya kasi di ko talaga inaasahang magkakasundo kami dahil sa magkaiba naming pag-uugali.

"Yes! Suspended na ang klase! Makakauwi ako ng maaga." aray! Ang sakit sa tenga ng boses ni Rodney!

"Kailangan talagang sumigaw? Nakakainis naman! Kanina pang umaga malakas ang ulan pero ngayon lang nagsuspende kung kailan nasa school na tayo!" lagi namang ganyan ang suspensyon! Nakakainis!

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon