SILENT LOVE

239 3 3
                                    

Entry no. 29 (Click po ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa Facebook.)

TITLE: SILENT LOVE

“Magpapakasal na ako.” Saad niya.

Tatlong salita pero ang bigat ng kahulugan para sa akin. Paulit-ulit ko siyang naririnig sa tenga ko, papasok sa utak ko sabay lalabas bilang luha. Ang sakit lang malaman na ang taong minahal mo ng patago ay ikakasal na. Ang saya lang di ba?

Tuwang tuwa siya habang sinasabi sa akin yan. Hindi niya ba alam sa bawat ngiting pinapakita niya, unti-unti ring nadudurog ang puso ko. Ang daya naman ng tadhana. Pero hindi ko siya masisisi, sino nga ba naman ako? Kaibigan lang niya. At magiging kaibigan lang niya habambuhay.

Ako naman kasi ang nagkamali. Ako lang ang nagmahal. Hindi naman niya ako pinilit at lalong hindi ako nagpapilit. Eto ang mahirap sa one-sided love. Nasasaktan ka ng patago at nagmamahal ka ng patago. Pero ganun ba ako kahirap mahalin? Na hindi niya man lang magawang suklian ang pagmamahal ko na pinapakita ko? Wala namang interest ang pagmamahal ko para hindi niya mabayaran.

Pero ito ako ngayon, nagmumukmok sa isang tabi at naghihintay ng milagro na sana panaginip lang ang lahat. Pero kahit anong pananakit ang gawin ko sa sarili ko, life is full of suffering. Ang tangi ko na lang kayang gawin ay ang umiyak ng umiyak hanggang sa ma-dehydrate at mamatay ng tuluyan. Sana nga lang sa bawat pagpatak ng luha ko, nababawasan yung sakit na mayroon ako pero hindi e, hinding hindi. Masakit na nga yung puso ko, mugto pa yung mata ko isama mo pa yung sipon ko.

Lintik naman kasi yan! Puso lang ang masakit pero ramdam ng buo kong katawan. Para akong kandila na nauupos na. Akalain mo yun, ang tagal ko palang naghintay sa wala. Akala ko naman kasi magkakaroon ng milagro na mamahalin niya rin ako.

Minsan iniisip ko kung naging kami, siguro masayang-masaya ako kasi naabot ko din yung pangarap ko. Sabi nga nila, “Reach your dreams.” Bakit kasi ganun siya kataas at hindi ko maabot? Kung totoo lang sana si Santa, ikaw ang hihilingin ko sa kanya. I-imagine-in ko na nasa kahon ka sabay lalabas ng may nakalagay na “I love you” kasama ang pangalan ko.

“Ikaw ang magiging bride’s maid huh? Ikaw lang kasi yung kilala ko na bagay sa posisyong yun.” Dagdag niya pang sabi.

Kung minamalas ka nga naman. Maloko talaga ang tadhana. Ako pa talaga ang bride’s maid. Pang-asar lang, dre? Sa sinasabi mong yan, lalo mo lang pinapasakit ang puso ko. Hindi ka ba naaawa? Pagod na yung puso ko. Pagod na pagod ng masaktan. Hindi pa ba sapat yung ikasal ka sa iba? Pero pano niya pala malalaman kung hindi ko man lang sinasabi. Ang bobo ko lang.

Parati ko dating pinapayo sa mga kaibigan ko na, “Lalaki lang yan. Hindi yan mauubos.” Pero kahit ako, hindi ko yan mai-apply yan. Ganun talaga ata kapag PAG-IBIG na ang nakikialam.

------

Araw na ng kasal ko at hindi ko kayang maging masaya. Papakasalan ko ang taong hindi ko naman mahal. Napilitan nga ba ako? Magkakaanak ako sa kanya kaya kailangan kong panindigan. Buset! Kamalasan nga naman. Parang saglit lang naman namin ginawa yun sabay may nabuo kagad?! Kasalanan ko ito e.

Wala na akong magagawa. Ang tanging paraan na lang na alam ko ay ang imbitahan ang pinakamamahal ko sa kasal ko. At least sa huling pagkakataon, makikita ko pa rin siya.

Nasa tapat ko ngayon ang babaeng mahal ko, nakangiti sa akin. Ouch naman! Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin. Ang torpe ko kasi. Sana may confidence capsule para masabi ko sa kanya ang lahat lahat, na mahal na mahal na mahal ko siya x2x2x2x2.

Naglalakad na ang papakasalan ko. Pwede pakitagalan ang paglalakad? Mga 100 years ka maglakad? Pwede ba yun? Sa bawat hakbang niya, kumokonti ang oras para mahalin ko pa ang taong mahal ko.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon