Truth Hurts, Sweety.. by strawberrycookies

220 4 1
                                    

ENTRY NO. 30 (Click po ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa Facebook.)

Truth Hurts, Sweety.. 

Written By : strawberrycookies

•Her POV

"Miss, Bago mo ko sabihang Maduming lalaki, tignan mo muna yang sarili mo, Bakit malinis ka ba? kung di ako nagkakamali nakita ko kayo nung isang araw ng Nobyo mo na papasok sa isang Motel?Tapos ka-brebreak niyo lang kahapon? Ang saklap 'no?? "---Psyche

"H..how d..dare y.you!--- " --Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil sa hindi na sya pinatapos,

"Why? Is'nt it true?? Truth hurts. tss!"-Psyche 

sabay walk out ni Gago.

Di ko alam ang simula pero alam kong si Psyche ang may kasalanan hindi naman magrereact ng ganun yung babae kung hindi diba?! Napaka sama niya talaga! tama ba namang ibulgar sa harap ng maraming tao ang ganung bagay?!! 

hindi lang sya magaling magpaiyak,at manakit ng damdamin, maggaling din syang Mamahiya!!!! 

Peste talaga yang si Psyche! sya lang naman ang dakilang demonyo sa school! Astig sana pangalan niya eh, Galing sa Greek mythology. Kaso ang sama ng ugali niya, sobra!

Ewan ko ba, pero alam niya yata lahat ng salitang pwedeng makasakit sa isang Babae, minsan pati lalaki. Pero para sakin LAHAT NG GENDER ALAM NIYA KUNG PANO MASASAKTAN GAMIT ANG MGA SALITA NIYA!

"Babes, nahihighblood ka nanaman dyan, yang kamao mo naka-ikom na naman, keep calm~ " Sabi ni Kiel, Boyfriend ko. 

hinawakan niya ang kamay ko at pinilit ibukas,pagtapos ay pinisil niya yun, Alam niya talaga kung pano ako pakalmahin.

"Okay na ko babes, naiinis lang ako kasi may babae nanamang umiyak dahil sa kanya.Napaka-Sama niya." sagot ko kay Kiel

At hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay Psyche,! siguro dahil ang sama sama niya!

"Nagsasabi lang sya ng 'totoo, totoong Truth hurts, kailangang tanggapin.Tsaka kasalanan din ng babae yun alam na niyang Matalino at maraming alam si Psyche kinakalaban pa. " --paliwanag sakin ni Kiel

"Basta! mali yang ginagawa niya! eish! uy Babes, malapit ng mag-bell, punta ka na sa room mo!"--Paalala ko kay Kiel, baka kasi malate nanaman yan, puntahan ulit ako ng adviser niya sa room ko,

OO! pinunpuntahan ako,Ako ang pinapagalitan niya dahil daw kasi sakin kaya nale-late si Kiel, na syang nakakapagtaka dahil sa hindi na ko nagpapahatid kay Kiel, sabi naman ni Kiel sakin hindi naman daw sya nale-late.

"osige na babes, mamayang uwian pala hindi kita maihahatid, may practice ako sa tennis eh!" sabi sakin ni Kiel

"okay lang babes, sige na! una ka na! babye!" umalis na sya, sakto namang dating ng bestfriend ko, si Tanya,

"eish, kasama mo nanaman yung Kiel na yun? di ko alam best ha, naiinis ako sa presence ng lalaking yun! kahinahinala! "--Tanya

"Best? Anong kahinahinala yang sinasabi mo dyan? ikaw, nahihibang ka nanaman, tara na nga sa room! Ay! mamaya! panuorin natin praktis ng tennis!!*v*" suggest ko kay Tanya

Hindi ko na kasi napapanood si Kiel magPractice, dati kasi napayag syang hintayin ko sya pero ngayon hindi na, baka daw gabihin sila masyado at baka mapagalitan din daw ako nina Mommy dahil sa gabi na rin akong makaka.uwi,

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon