Special Chapter

3.5K 78 2
                                    

Special Chapter

I didn't expect that marriage is really that hard. Hindi naman pala totoo ang kasabihan na and they live happily ever after. It's only for fairytales and we didn't live in fairytale. We live in reality.

Isang realidad na ang buhay mag-asawa ay hindi puro lang saya at ginhawa. Kaakibat din nito ang sakit, lungkot, pighati at mga luhang aagos sa iyong mga pisngi. Dahil kapag nag-asawa ka na, hindi na lang iyon basta-basta.

Hindi katulad noong mag nobyo pa lamang kayo na kapag nainis ka ay pwede mo na siyang hiwalayan.

Kailan ba kasi magkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas nang madali na lang para sa akin na makipag-divorce sa asawa kong kinalimutan na ata ako.

Nakabusangot ang mukha ko pagkagising at hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin ako. Ni hindi pa ako tumatayo sa kama naming mag-asawa.

Paano ba naman ay umaasa ako para sa araw na ito. Mahalaga ang araw na ito para sa aming dalawa pero mukhang mas importante sa kaniya ang kumpanya niya.

Muli kong binasa ang note na nakita kong nakadikit sa orasan na nasa bedside table. Tuwang-tuwa pa dahil inakala kong may surpresa siya para sa akin ngunit lahat ng saya at galak na naramdaman ko ay biglang gumuho nang mabasa ang nasa sulat.

I'm sorry, aishi. I have an urgent meeting, today. I didn't have the heart to wake you up 'cause you're sleeping like a baby. I'll make it up to you, later. Please, take care. I love you <3

Nakakakilig naman sana ang nasa sulat pero naiinis pa rin ako. Hindi niya naalalang anibersaryo namin ngayon. Hindi niya naalala ang araw ng kasal namin.

Kailangan kong tawagan ang family attorney namin. I'll file annulment. As soon as possible. Naiinis talaga ako.

Padabog akong tumayo. Nagmamartsa akong nagtungo sa banyo. Nagsepilyo bago nagpalit ng damit na komportableng suotin.

I don't work anymore. After getting married to Calcifer. We both decided that I became a full time housewife. He'll work while I take care of him and our son, Kaizier.

At first, I didn't like the idea of it because I feel like I'll become a burden to him. Pero matapos ang mahaba-habang diskusyunan naming mag-asawa ay napapayag niya ako.

Wala ngayon sa mansiyon ang anak kong si Kaizier dahil kinuha siya ni Franzen. Namimiss daw nito ang pamangkin kaya magba-bonding silang mag tiyo at aabutin iyon ng limang araw. Bakasyon din ni Kaizier.

Mabilis naman akong pumayag dahil na rin sa kagustuhan na magkaroon kaming mag-asawa ng oras para sa isa't isa. At gawin ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa.

But because of my workaholic husband, my plan didn't take place.

Bahala nga siya sa buhay niya. Dapat ang kumpaniya na lang niya ang pinakasalan niya. Hindi na ako. Kakainis. Hmp!

Kinuha ko ang cellphone ko. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ko na mula pa kaninang paggising ay ganoon na.

Kinontak ko ang number ni Franzen. Tutungo na lang ako sa kung nasaan ang kapatid ko't anak. Kaysa naman magmukmok ako sa mansiyon na ito ng isang buong araw.

"Hello, ate? You called! May problema ba?" pambungad ni Franzen.

Rinig ko sa background ang hagikhik ng anak ko at ng isang boses babae. Siguro'y si Kaeysell iyon. Ang nobya ng kapatid.

My brother is now a CPA lawyer. Hindi ko maipaliwanag ang saya at galak sa puso nang isabit ko ang mga medalyang natamo niya nang magtapos siya sa kolehiyo.

Alam kong hindi naging madali para sa kapatid ko ang lahat ng nangyari pero masayang masaya akong naabot niya ang mga pangarap kahit wala na sa tabi namin ang aming mga magulang. He's still into art. Last year ay nagkaroon siya ng art exhibit.

Amidst the Clandestine HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon