Kabanata 2

4.8K 125 17
                                    

Kabanata 2

“Cheska, I'm excited to hear you sing and play the guitar, again!” Eksaheradong saad ni Monica. Ka-blockmates ko siya. At isa raw siyang avid fan ko.

Well, hindi ko naman siya masisisi. Hindi naman kasi sa pagmamayabang ay magaling talaga akong kumanta at mag gitara.

May event kasing gaganapin bukas at ako ang isa sa mga na-imbitahang tumugtog at kumanta. It is an alumni homecoming celebration.

“Ano bang kakantahin mo, bukas, ha?” Pangungulit pa niya sa akin. Niyuyugyog pa niya ang balikat ko sa sobrang ka-excitedan niya.

“Hindi ko pa alam, eh.” Tugon ko naman kasabay ang pagkamot sa aking ulo.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Mabuti nalang at hindi umaali-aligid ngayon yung mga tukmol kaya peaceful ang life ko.

“Ah basta, what ever you sing, tomorrow. I'll still support you. I'm your number one fan, anyway!” Pagmamalaki pa niya na kinailangan pa niya talagang tumayo.

“Monica, umayos ka nga. Nakakahiya. Andaming tao sa cafeteria, oh!” Saway ko naman sa kaniya. Na-pa-peace sign muna siya bago ulit umupo sa harapan ko.

“Well! Well! Well! The famous Francheska Medel. Oh! I see. You are friends with a whore.”

Akala ko pa naman ay peaceful talaga ang araw ko ngayon. Hindi naman pala dahil nandito na naman ang mga tukmol sa buhay ko.

Nakapameymang ang tatlong tukmol sa harapan namin ni Monica.

“Don't you dare call her a whore. She's not like you, idiot!” I gritted my teeth. Nakakagigil na kasi talaga ang babaeng ito. Punong puno na ako sa kaniya.

I want her gone out of my sight. Forever.

Kung pwede lang ay ipapatapon ko na talaga siya sa Mars o kaya naman ay sa Pluto para mawala na talaga siya ng tuluyan sa paningin ko.

“I'm telling the truth, Cheska. Whore naman talaga ang kaibigan mo. Did you forgot about her scandal, last year?” She smile devilishly at us.

Napatayo ako bigla. Inihampas ko ang kamay ko sa table.

“Hindi iyon totoo!” Sigaw ko. Nanggagalaiti sa galit.

“Kayo ang may kagagawan nun. Pinalabas niyong siya ang nasa video pero ang totoo ay edited lang naman iyon. For what reason? Because you are threatened of her? For the reason, that Jimmy, your ex-boyfriend is in love with her,” dagdag ko pa. Sa tingin ko'y anumang oras ay mapapatid na ang litid ko sa panggagalaiti sa babaeng nasa harap ko.

Nakita ko kung paano matigilan sandali si Lilybeth at kung paano nagtagis ang kaniyang bagang. Kitang kita ko rin ang galit sa mga mata niya.

“Fuck you, Cheska!” Galit niyang sigaw sa akin. Dadambahan na niya sana ako ng sampal sa mukha pero ang malakas na sigaw ni Mr. Milagros ang pumigil sa akmang pananampal ni Lilybeth sa akin. Professor ko sa Accounting.

“Ms. Delailah!” Sigaw niya kay Lilybeth. Mukhang narinig ni prof ang pagmumura niya.

“You are starting a mess, again. Ilang beses pa bang kailangan kang ipatawag sa Dean's office para lang magtino ka? HA?” malumanay pero may awtoridad ang kaniyang tinig. Ang bawat salitang lumalabas sa mga labi ni prof ay nakakapatindig balahibo.

Nanginginig na ngayon si Lilybeth habang bumubulong bulong naman sa tabi niya si Sunday at Emerald.

“I told you na tumigil na tayo but you didn't listen, Lily!” Inis na sambit ni Sunday.

“I'm not kasali ha. Hindi naman ako nakisabat. Mommy, help!” Pag ngawa naman ni Emerald na akala mo'y bibitayin na.

Para silang mga asong nabahag ang buntot. Tumayo ako, inayos ko ang mga gamit ko 'tsaka ko hinila si Monica. Lumapit kami kay Mr. Milagros.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now