Kabanata 16

2.6K 63 0
                                    

Kabanata 16

Kay bilis lumipas ng mga araw, magpalit ang mga buwan at tumakbo ang oras. Isang napakaimportanteng araw ang araw na ito para sa akin. Ngayong araw na ito ang pagtatapos ko ng kolehiyo. I'm graduating with flying colors. Ako ang summa cum laude ng buong batch namin. Hindi ko inaasahan iyon. Sabagay, consistent dean lister ako.

Tuwang tuwa sila mama. May handaan nga mamaya pag-uwi namin.

Si Monica naman ang magna ng batch namin. Sobrang saya ko rin para sa kaibigan kong iyon kaso nga lang ay nalungkot ako. Sinabi niya kasing after ng graduation ay lilipad sila patungong Switzerland. Doon na sila maninirahan. Magma-migrate na kasi ang buong pamilya nila. Matagal na raw kasing iyon ang balak ng kanilang pamilya. May trabaho na ring naghihintay sa kaniya.

Sila Lilybeth naman ay pasok sa cum laude. Masaya rin ako para sa tatlong iyon. Inakala ko noon na pansamantala lamang ang kabaitan ni Lilybeth sa akin. Na gagawa ito ng isang hakbang para sirain ako pero nagkamali ako. Wala siyang intensyong masama sa paghingi niya sa akin ng pangalawang pagkakataon para sa aming pagkakaibigan.

"Cheska!" boses iyon ni Monica. May yumakap sa likod ko. Hinarap ko siya. Kasama niya ang tatlo. Yumakap din ang tatlo sa akin.

"Congrats sa atin," masayang sambit ko. Nagtatalon pa kaming lima.

Best goals! Nakakatuwa talaga.

"Pupunta ba si Calcifer? Kayo na diba?" nang-i-intrigang tanong sa akin ni Lilybeth. Nakilala niya si Calcifer noong niyaya ko silang magkaroon ng bonding. Isinama ko si Calcifer para makilala rin nila.

"Oo raw pero excuse me, hindi ko naman iyon sasagutin noh," pakipot kong saad. Alam ko naman kasi ang totoo. Hindi ko lang gustong aminin.

Hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin si Calcifer. Hindi pa rin siya sumusuko sa akin. Sinabi naman niyan maghihintay siya kaya gusto kong sulitin kung hanggang saan ang kaya niyang paghihintay.

Pero aaminin ko sa sarili ko, nalulungkot ako sa isiping mapapagod siya sa paghihintay at ititigil na niya ang panliligaw sa akin. Kaya nakapagdesisyon na ako. Sana lamang ay tama ang desisyon ko. I don't want to hurt myself. I don't like experiencing heartbreak.

"Ay oo nga pala. May regalo ako para sa inyong lahat. Gamitin niyo palagi ha para hindi niyo ako makalimutan," saad ni Monica. May inilabas siyang apat na pahabang kahita. Maliit lang naman iyon. Binuksan niya iyon at bumungad sa amin ang laman niyon.

It was a rose gold bracelet. Nakaukit doon ang pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Napangiti rin ako dahil sa tuwa.

"This is for you, Cheska. Mamimiss kita ng sobra. Alagaan mo ang sarili mo, okay! We'll meet again, I promise you that," may namumuo nang luha sa mga mata niya. Kinuha ko iyon. Agad naman niyang isinuot sa bisig ko ang bracelet.

She open another one. Pangalan naman ni Lilybeth iyon. This time, it was a gold bracelet. "Ito naman ang para sa iyo, Lily. Salamat sa kaunting panahon dahil doon ay nakilala kita. Mag-iingat ka. Huwag ka na rin maging atribida, okay!" Isinuot niya rin ang bracelet sa bisig ni Lilybeth. Nagpasalamat din siya kay Emerald at Sunday at isinuot din niya sa mga ito ang mga bracelet nila.

Inilabas ko rin ang regalo ko para sa kanila. Isa iyong necklace, na may pendant ng mga initials ng pangalan namin at BFF. Pinasadya ko talaga iyon para sa kanilang apat.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now