Kabanata 7

2.7K 66 0
                                    

Kabanata 7

Ang mga nagkakagulong kapitbahay ang siyang naabutan ni Frainier. May ambulansiya rin doon na sa tingin niya'y paalis na.

May namuong kaba sa kaniyang dibdib ngunit agad niya rin iyong iwinaglit. Sa isiping baka wala naman iyong kinalaman sa bunsong anak.

He parked his car in the opposite of the road. Malayo ang distansya sa bahay nila dahil hindi siya makapag park sa tapat mismo.

He abruptly close his car. Mabilis siyang lumakad patungo sa direksyon ng bahay nila. Nasa isip pa rin ang anak na naiwan.

"Anong nangyayari?" he asked nervously.

Lahat ng kapitbahay nila ay napatingin sa kaniya. Sabay-sabay silang nagsalita pero kaagad niyang itinaas ang kamay niya.

"Hindi ko kayo maintindihan. Pwede bang isa lang ang magsalita."

Si Aling Nena, ang pinaka tsismosa nilang kapitbahay na ang nag prisintang mag sabi ng mga nangyayari.

"Yung babae na nasa loob ng bahay niyo, dinugo siya. Tinatawag niya rin ang pangalan mo. Ka-ano ano mo ba iyon, Frainier?" pag kukuwento nito na may kasamang pagtatanong.

Mga tsismosa nga naman. Hindi makuntento sa mga nakikita. Gusto pa ay detalyado ang nalalaman. Tumango siya't pumasok sa bahay.

Hindi niya iniintindi ang mga tanong ng mga kapitbahay nila.

Pumanhik siya sa ikalawang palapag ng bahay nila. Tumungo sa kuwarto ng anak. Nang buksan niya ang ay pintuan ay nakahinga siya ng maluwag.

His son is there. Sleeping soundly. Tila ba walang pakialam sa anumang ingay sa labas. Nilapitan niya ito.

“Franzen, anak. Mahal na mahal kita,” mahinang bulong niya. He combed his son's hair gently.

“This is all my fault. Hindi dapat ako naglasing. Wala sanang mangyayaring ganito. Hindi sana mapapahamak ang kapatid mo, Franzen. I hope your sister would wake up quickly and I hope she'll forgive me. Aayusin ko ito.” Mahinang bulong ni Frainier sa kaniyang sarili habang patuloy pa rin niyang sinusuklay ang buhok ng kaniyang anak.

Not a moment later, Franzen's eyes open. The first thing that he saw was his father. His father was sobbing while his eyes was close. He's also combing his dark brown hair.

“Papa?” His voice is husky as he spoke.

Napabaling naman kaagad sa kaniya ang ama. He immediately wipe his cheeks. “Anak, mabuti naman at gising ka na. How's your sleep?” Pang-uusisa ni Frainier.

“Ayos naman, papa. Bakit ka po umiiyak? At nasaan si mama? Si ate?” Sunod-sunod na katanungan ni Franzen.

Bumangon ito mula sa pagkakahiga at umupo sa kama. “Pa? Is everything okay?” Dugtong na tanong nito.

Amidst the Clandestine HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon