Kabanata 24

3.2K 72 2
                                    

Kabanata 24

Franzen's POV

Nakatulala lamang akong nakatayo sa harapan ni ate. Hindi matanggap ng sistema ko ang mga katagang lumabas sa bibig nito.

Galing ako sa eskwelahan at nagtungo ako rito sa ospital dahil sinabi sa akin ni ate Minda na na-ospital si ate.

I'm just a freshman college student. Hindi pa nasasabit nila mama at papa ang medalyang makakamit ko sa aking pagtatapos sa kolehiyo. Paano pa iyon matutupad gayung wala na sila.

Ate told me that they met an accident. Pauwi na sila nang mabunggo ang kotseng sinasakyan sa isang trak. Ayon daw sa report ng mga pulis na nawalan ng preno ang sasakyan nila papa.

“Franzen?”

I met the eyes of ate. Her eyes were swollen. Sigurado akong kanina pa siya umiiyak. Napansin ko ring namamaga ang pisngi nito.

I touched her face and asked her, “What happened to your face, ate? Namamaga ito.”

Kinuha ni ate ang kamay ko at hinawakan ng mga kamay niya. “I got slapped by someone and accusing me that I'm a mistress. Kabit daw ako ni Calcifer.”

I was shocked. “What? Paano nangyari iyon, ate? Did you confirmed it to kuya? Anong sinabi niya?” Sunod-sunod ang mga katanungan ko.

Hindi ko gustong muling masaktan ang kapatid. I was still young, back then when she met an accident that made her forget about us.

It take us some time before she regain her memories. I made a promise to myself that I won't let my sister met the same accident before.

“No. At wala akong balak na komprontahin siya. I want to go to New York, Franzen. Do you want to come with me?”

Hindi na ako kumontra sa gusto ng kapatid. Niyakap ko na lang siya.

“I don't like to come with you, ate. Kung ano ang gusto mong gawin ay susuportahan kita. Ayaw kong makitang nasasaktan ka kaya kung ang natatanging paraan para mawala ang sakit na nararamdaman mo ay umalis. Susuportahan ko iyon. Ikaw na lang at ako ang naririto sa mundo kasama si ate Minda. Ayaw kong pati ikaw ay mawala sa akin, ate. Muntik ka nang mawala noon. Hindi na ako papayag na maulit iyon,” mahaba kong litanya sa kapatid. Yakap pa rin ito.

Nanatili kami sa ganoong pwesto ng ilang mga minuto bago ako bumitaw sa pagkakayakap sa kapatid.

Naupo ako sa silyang naroroon. I took ate's hands. “Please, take care of yourself while your in New York, okay. Pati na rin ang magiging pamangkin ko. Paniguradong gwapo ito kapag lumabas na. Magmamana panigurado sa akin,” pagbibiro ko pa kaya pareho kaming natawa ni ate.

Alam kong hindi sa akin magmamana ang pamangkin kung hindi sa ama nito. Sa ama nitong nanakit sa ate ko. I'll make sure he won't get any information from me.

I'll protect my sister at all cost.

“Thank you, Franzen. Please, be strong too, okay. Mama and papa's not around anymore but I know that they are watching us. They love us. Always keep that in your mind and in your heart.”

I just nod at her. Alam kong totoo ang sinasabi ni ate. Kahit kailanman ay hindi ko naramdaman na hindi ako mahal ni mama at papa. They gave us everything that we need. Love, support and everything they can gave to us.

“Ma, pa, I'll promise that I will be strong enough to handle every situation that I will encounter. I will fight and I won't be a coward,” piping bulong ko sa hangin.

Hindi ako pumasok kinabukasan dahil inasikaso ko ang libing nila mama at papa. Hindi ko na sila pinaburol pa dahil alam kong hindi rin makakarating sila lola.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now