Chapter 22: Majarlika

92 8 0
                                    

Majarlika De Luna

Majarlika looked outside their floor-to-ceiling windows. Tumila na ang ulan na malakas ang buhos nang nagdaang gabi. The sun shines brightly this late morning.

Napahawak siya ulit sa kanyang sentido. Her migraine has been bugging her since two days ago. Mawawala tapos babalik. Sanay naman siyang nagpupuyat tuwing nasa resort siya pero iba talaga ang puyat niya bilang isang Architecture student.

"Sigurado ka bang papasok ka talaga, Maja?" Tanong ni Yaya Lucy sa kanya pagkatapos siya nitong abutan ng gamot.

She swallowed the tablet first before answering her. "Kailangan, Yaya. May tatlong exam ako ngayon."

"Pero sumasakit 'yang ulo mo at tapos mag d-drive ka pa talaga! Nukong bata ka!"

She just smiled. "I'm okay, Ya. Nakainom na ako ng gamot. Mawawala na rin 'to maya-maya."

Napabuntong hininga na lang ang matanda. 

"Ate! Paalis ka na? Pwede pasabay?" Si Lita na biglang sumulpot galing sa kusina. 

"Half day ka ngayon, Lita?"

"Oo, ate. Pang tanghali yung schedule ng periodical namin."

Bumaling siya ulit sa matanda. "Isasabay ko na si Lita, Ya. Don't worry, I'll take care."

Binaba ni Majarlika si Lita sa harap ng mismong school nito na nasa labas lang ng subdivision. 

"Thank you, ate! Ingat ka!"

After another fifteen minutes of driving narating niya na ang parking lot ng university. Lumabas na siya at naglakad dala ang mga gamit niya.

Don Honorio University requires uniforms. As for architecture students like her, it's a pair of white polo with short sleeves, black pants, and black shoes. May name plate din sa taas ng bulsa sa kanang dibdib niya.

Nakapasok na siya sa loob ng mismong university. Just like what she experiences everyday ever since she dated Grale, iba't-ibang klase ng tingin ang natatanggap niya habang naglalakad. 

Some look at her with curiosity, admiration, and wonder. But there are still a lot of students that look at her with envy, disgust, and pure jealousy. 

She gets it. She's dating the most sought actor in the country. Valid ang mga inis na nararamdaman nila. Just thank God nobody dares to lay a finger on her yet. Though, there are still sharp words that slip from their jealous tongues. 

"Maja!"

She smiled when she saw Tria running towards her. Nilahad niya kaagad sa harap nito ang itim na paperbag. 

"Thank you! You're a lifesaver!"

"You're welcome."

Nakalimutan kasi nitong mag dala ng PE uniform at nakisuyo sa kanya. Dinaan na rin niya sa building nito dahil madaraanan naman galing sa parking lot. 

"I'll return this tomorrow."

"Para saan ba 'yan? We no longer have a PE subject, Tria."

Third year na sila pareho. Siya bilang architecture student at si Tria naman bilang Accountancy student at hanggang second year lang naman ang PE subject nilang pareho.

"Sasayaw raw kami ron sa isa naming subject. May minus points daw kapag di naka PE uniform. Can you believe it?" Irap pa nito. 

She chuckled. "Sige na. Pumasok ka na."

"Thank you ulit! You're the best! Samgy after midterm?"

"Sure. Pag balik ko."

"Ay may meet the parents ka nga pala! Good luck, bestie!"

One Lost Summer (Brave Series #2)Where stories live. Discover now